Kabanata 6

14.6K 474 79
                                    

Important note | This chapter contains mature content. If you're a minor, I advice that you skip that part. Regardless of your decision, read at your own risk.

Kabanata 6

Tahimik si Landon hanggang makabalik kami sa Isla Azul. Kanina ko pa rin siya pinapakiramdaman pero talagang nagbago ang timpla niya pagkatapos kong sabihin na aalis na 'ko bukas.

Hindi ko alam pero pagkatapos kong makita ang naging reaksyon niya, I suddenly want to stay here. Biglang nawala ang mga takot ko, and for the first time in my life, gusto ko na maging matapang.

Naging duwag na ako buong buhay ko. Hindi ako nag reklamo sa pamilya ko kahit na alam ko na mali na ang trato nila sa akin, takot na takot kasi ako na kapag nag reklamo ako ay tuluyan na nila akong alisin sa buhay nila, na tuluyan na ako maging mag - isa.

Ang kaisipan na kahit ganon sila sa akin basta may matatawag pa rin akong pamilya ang naging dahilan kung bakit hinayaan ko ang ganong set up.

Pero ngayon, ayoko na.

Nakapag desisyon ako na kung babalik man ako ay hinding hindi na ako manlilimos ng pagmamahal dahil alam kong hindi iyon hinihingi, ibinibigay 'yon.

Gusto ko hayaan kung ano man ang meron sa amin ni Landon. All I know is that he makes me happy and he makes me feel things that I've been craving my whole life.

So what kung hanggang dito lang kami isla at pagbalik ko sa realidad ay wala ng Landon? So what kung pagkakaibigan lang ang maibibigay niya?

Ang mahalaga sa akin ay may isang taong nagparamdam sa akin na mahalaga ako kahit saglit lang. I don't know kung seryoso ba siya sa akin o dahil lang mayroon siyang kailangan, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang may makasama kahit ilang araw lang.

Nasa may entrance na kami ng resort nung lingunin ko siya. Wala akong nakikitang reaksyon sa kanyang mukha, and for the first time since I've met him, ngayon ko lang nakita na ganito siya ka- cold sa akin.

Nights With You [ Isla Azul Series #1 ] Where stories live. Discover now