Kabanata 15

14.4K 421 37
                                    

Kabanata 15

Nag away pa kami ni Landon dahil pinipilit niyang sumama para sunduin ang pamilya ko. Iritadong iritado ako dahil ang usapan ay walang makakaalam ng set-up namin.

We're not in a relationship, walang label ang relasyon namin dahil hindi ko binigyan ng pangalan 'yon.

Isa pa, kanina pa walang tigil ang pagtunog ng cellphone niya. I understand that he's busy pero wala siyang ibang ginagawa kundi intindihin ako.

Napansin niya ata ang titig ko sa kanyang cellphone kaya silent na iyon ngayon. He's busy and I have something to do, hindi ko gets ang pinaglalaban ng isang ito.

Pero sa huli ay pumayag rin siya dahil sinabi kong tapos na kami kung magpupumilit pa siya.
Though he insisted na mag breakfast muna kami at pagkatapos ay ihahatid niya ako sa condo ni Arkit, it's reasonable kaya pumayag na ako. Ngayon ay on the way na kami papunta don.

"Since you're staying for good, what are your plans now?" Tanong niya habang nagmamaneho.

I sighed.

"I don't really know. My original plan is to just go back," sagot ko.

"I can give you a job, but as much as I want you to be close to me, you're also a director. You deserve to be the head," he stated.

"Thanks, and you're right, I don't really want to work with you." Ngumisi ako.

Ngumuso siya at nilingon ako.

"Why? Are you distracted?" He raved. Umirap ako. Lumabas na ang ngiti na kanina niya pa tinatago.

"It's hard to work with you, you're always cold and you intimidate your staff," I explained.

"But you're like that too." Tumawa siya.

Umiling ako at ngumiti. I like this, and I missed this. Nakalimutan ko na kung gaano kagaan kausap si Landon at kung paano kami nagkakasundo sa lahat ng bagay. It's all coming back now.

"By the way, I need to tell you something."

Iniliko niya na ang sasakyan sa parking lot ng condominium ni Arkit.

"What?" Tanong ko ng itinigil niya na ang sasakyan.

Ngumiti siya pagkatapos ay hinapit ang aking bewang para mas mapalapit ako sa kanya. Mabuti nalang at tinted ang sasakyan niya kaya siguradong walang makakakita ng ginagawa niya.

Wala pang 24 hours ko siyang kasama pero parang sanay na sanay na ang katawan ko sa kanya. It seems like my body found its master dahil bawat hawak at haplos niya ay sinusunod lang nito.

"I'm so damn proud of you baby." Hinaplos niya ang pisngi ko. He smiled genuinely at me. Lumambot ang puso ko.

"I've seen your works. You did a great job. Hindi ka lang marunong, magaling ka rin and you proved that to yourself," he murmurs softly.

Agad na nag init ang aking mga mata at lumabo ang paningin ko. Bumagsak ang luha na hindi ko inaasahan.

Why are you like this baby...

Nanghina ako dahil sa paraan ng paninitig niya, this one is different. Hindi ito 'yung titig na ibinigay niya sa akin noon. This is new and I can't explain it, but it felt perfect.

Paano ko hindi mamahalin ang lalaking 'to? Kung sa lahat ng tao ay siya lang ang may kakayahan na makita ang hindi na kikita ng iba sa akin.

Hindi ko alam kung paano, pero may namamagitan sa amin na higit pa sa kahit ano at hindi namin iyon kayang pangalanan.

Nights With You [ Isla Azul Series #1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon