Chapter 9

8.7K 225 5
                                    


Chapter 9

"Ate, may bisita ka. Iyong Gabriel Wharton."

Kinabahan si Katalina. Doon na nga siya nanatili sa bahay ni Joselito ay wala pa rin tila balak si Gabriel na tigilan siya.

"Problema ba ito, Ate?"

"H-hindi naman siguro." Nag-iwas siya ng tingin kay Lulu. Bagaman ang sabi lang niya rito at sa kanyang ina ay hindi maganda ang naging paraan niya sa pagkuha ng bahay nila sa Sweet Homes at hindi na idinetalye pa ang lahat, siyempre ay nahuhulaan na nitong maaaring may kinalaman doon kung bakit naroon si Gabriel.

Hindi iyon ang mismong dahilan kung bakit naroon ang lalaki, pero bakas niya ang pagkabahala sa mukha ng kapatid.

"Sigurado ka, Ate?"

"Oo. Nasa ibaba ba siya?"

"Nasa porch, kausap ang Inay."

"Kausap ang...?" Nagmamadali na siyang nagtungo sa portiko. At gaya ng sinabi ni Lulu ay naroon nga ang lalaki, kausap ang kanyang ina.

Ganoon na lang ang nadama niyang gigil dito. Ano ang karapatan nitong kausapin ang ina ng babaeng nang nagdaang araw lang ay inalok nito ng relasyong purong pisikal lamang? Wala itong karapatang makipag-usap sa kanyang ina.

"May kailangan ka?" pukaw niya sa usapan ng mga ito. Mukha namang maayos na nag-uusap ang mga ito subalit iyon mismo ang hindi niya makayang tagalan.

Tumayo ang binata nang makita siya. "Good afternoon."

"Inay, hindi po ba't mabigat ang pakiramdam ninyo? Bakit hindi po muna kayo magpahinga?"

"Hala, sige, maiwan ko na kayo. At Gabriel... gaya ng nasabi ko, pasensiya ka na." Marahang tinapik nito ang lalaki sa balikat saka pumasok na sa loob. Naglakad siya tungo sa hardin.

"Bakit humihingi ng pasensiya sa 'yo ang Inay?"

"Apparently you told her something about the house and I guess she thought she owed me an apology."

"Ibang klase ka rin talaga. Puwede bang 'wag na 'wag mo nang kakausapin pa ang Inay ko? Pati ang kapatid ko, 'wag mo na sanang kausapin. Tayong dalawa na lang ang mag-usap."

"Okay. That's fine. So have you thought about what I told you the other day?"

"Oo. Nagdesisyon na ako noong isang araw pa. At nasabi ko na rin sa 'yo ang desisyon ko."

"All of a sudden you don't want me anymore?"

Napatingin siya sa mukha nito. Hindi nito kayang itago ang inis. Sarkastiko siyang tumawa. "Oo nga pala, mahirap para sa 'yong tanggapin 'yan. Paano ko ba nakalimutang wala namang mahalaga sa 'yo kundi sarili mo? Biruin mo, isang tulad ko inaayawan ka? Nakakagalit nga talaga 'yon."

"You can really be a bitch, you know that?" Magkalapat ang labing tumalikod na ito at malalaki ang hakbang na naglakad palayo.

Ganoon na lang ang sigaw niya nang mula kung saan ay nakita niya ang isang malaking pickup na patungo rito.

"WOULD you care to tell me now what's going on?"

Hindi magawa ni Katalina na tumingin nang direkta kay Beatrice Wharton subalit pinilit niya.

Ang triplets ni Alexandra ang sakay ng pickup na napagkatuwaan ng mga itong sakyan habang ang may-aring si Marcus ay may ginagawa sa loob ng bahay nito. Nang mabundol si Gabriel ay nawalan ito ng malay. Dinala nila ito ni Joselito sa pinakamalapit sa ospital. Bugbog na bugbog ang katawan nito.

DARK CHOCOLATE SERIES 3 - LUSCIOUS SINS, LOVE AFLAMEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें