Chapter 6

6.7K 201 5
                                    

Chapter 6

Kinakabahan si Katalina habang nagri-ring ang cellphone ni Gabriel. Nagpasya siyang tawagan na ito dahil apat na araw na itong hindi man lang nagte-text sa kanya. Noon naman, kahit hindi ito nagtutungo sa tinutuluyan niya ay nagagawa nitong tawagan siya kahit saglit lang.

"Hello," tugon nito mayamaya.

"Hello!" Napuno siya ng labis na pananabik para dito. Para bang napakatagal na nilang hindi nakapag-usap. "Kumusta ka na?"

"I'm okay. How have you been?"

"Okay naman. Nami-miss na kita, eh." Bahagya siyang tumawa kahit muli na naman siyang binaha ng kaba. Hinintay niyang magpaliwanag ito kung bakit hindi ito nakatawag o nag-text man lang subalit hindi iyon dumating. "Kailan mo ba balak pumunta rito?"

"I'm not sure. I've been very busy lately, Kat. Everything all right?"

Paano mangyayari iyon kung parang hindi mo man lang ako naiisip kahit saglit? Ano na ba ang nangyayari sa 'yo? Bakit parang ang layu-layo mo na? Ano ba ang nangyari na hindi ko alam? Sabihin mo naman sa akin dahil para na akong naloloka dito.

"O-okay naman. Iyon nga lang, talagang nami-miss na kita. Nagluto ako ng paborito mo. Lasagna. Pumunta ka dito."

"I will see, okay?"

"Okay."

Nawala na ito sa linya. Marami pa siyang nais sabihin subalit naputol na ang linya. Tatawagan sana niya itong muli subalit naisip niyang baka naman marami lang itong ginagawa. Siya man ay napakaraming inaasikaso. Mga bagay na hindi niya ganap na maiayos dahil gumugulo sa isipan niya si Gabriel.

Malaki-laki ang komisyon niya nang buwan na iyon. At kahit na hindi na niya muling nakita pa si Kuya Peping ay masaya na rin siyang nai-refer siya ng isang kakilala sa isang Chinese businessman na naghahanap ng bagong mga ahente ng produkto nito.

Malaking palaisipan pa rin sa kanya si Kuya Peping subalit naisip niyang baka nagkaroon ng aberya ang lupaing sinasabi nito kaya nahiya na ring magpakita sa kanya. O baka naman may personal itong naging problema kaya hindi na rin niya nakita pa sa opisina ng insurance company.

Ang negosyo niya ay maayos naman. Kahit paano, umiikot na ang puhunan at wala na siyang problema doon. Nababagalan pa rin siya sa dating ng kita niya subalit sa ngayon ay ginagawa naman niya ang lahat ng makakaya niya.

Pilit na lang niyang itinuon ang atensiyon sa telebisyon kahit wala halos pumasok sa isip niya sa pinanonood. Parang nasisiraan siya ng bait kung panay si Gabriel na lang ang iisipin niya. At bagaman nahuhulaan niyang may koneksiyon kay Macy kung bakit nagbabago ang samahan nila ay ayaw niyang tangkilikin ang mga ganoong isipin.

Alas-nuebe ng gabi ay mahihiga na sana siya nang bumukas ang pinto at iniuwa ang lalaki. Ganoon na lang ang ngiti niya. Halos takbuhin niya ito. Agad niya itong niyakap at hinagkan sa labi.

Habol niya nang hininga nang maghiwalay sila. Pinisil nito ang baba niya.

"Where's that lasagna you told me about?"

"Nasa kusina, halika." Pinagsilbihan niya ito. Tahimik lang itong kumakain. Naninibago siya rito. "Masarap ba?"

"Uh-hmm."

Tumikhim siya at hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Sinabi niya rito ang ilang araw na niyang pinag-iisipang sabihin. "Naalala mo 'yong sinabi ko sa 'yo noon? Na handa akong humingi ng dispensa sa magulang mo?"

Noon ito tumingin sa kanya. Wala itong sinabi, bahagya lang tumango.

"Naisip ko lang na gawin na 'yon. Alam kong sinabi mo na hindi basta-basta 'yon, siguro puwede na ngayon. Hindi ko naman inaasahan na sasabihin nila sa aking okay lang 'yon, inaasahan ko na hindi sila matutuwa. Sino ba naman ang matutuwa, 'di ba? Naisip ko rin na kung nakasira ako ng samahan nila, 'di ba mas maganda namang itama ko 'yon?"

DARK CHOCOLATE SERIES 3 - LUSCIOUS SINS, LOVE AFLAMEWhere stories live. Discover now