Chapter 2

7.3K 208 5
                                    


Chapter 2

Gusto nang umalis ni Katalina sa silid na iyon subalit alam niyang hindi niya magagawa. Kahit na kunin pa niya ang iniwan nitong tape doon, natitiyak niyang may iba itong kopya niyon. Hindi ito tanga.

Natawagan na niya si Mrs. Mendez at tama ang hinala niya. Nag-drama lang ito sa kanya. Nasilaw ito sa perang ihinain dito para sa isang madaling trabaho. Nang magkausap sila ay tila sabik na sabik pa ito sa pagsasabing nakakita na ito ng koneksiyong makakapagpaasenso sa kanila. Sana raw ay magbago na siya ng isip tungkol sa pagbabagong-buhay. Umaasa raw itong ganoon nga kung makikita niya kung gaano kabilis ang pera sa tinrabaho niyang painting.

Napaiyak na lang siya sa pagbulyaw rito. Ipinahamak siya nito nang ganoon lamang, samantalang naging malinaw siya ritong ibig na niyang iayos ang buhay niya. Magsisi man ito ay huli na, magsisi man siya ay huli na. Naroon na siya sa alanganin at kailangan na lang niyang sundin kung anuman ang ibig ipagawa sa kanya ni Gabriel.

At alam niyang hindi iyon maganda.

Magtatatlong oras na itong umalis at kanina pa siya hindi mapakali. Mabilis tumigil sa pagpatak ang kanyang mga luha.

Noon bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaki. Napakatangkad nito, malaking tao. Hindi kataka-taka iyon dahil ang ama nito ay malaking tao rin. Maputi ito, nakuha nito ang balat sa Amerikanong ama, gayundin ang kulay-abong mga mata nito. Ang buhok nito ay kulay-putik, matangos ang ilong, maganda ang hugis ng mukha.

Noong una niya itong makita ay hindi naman nakaila sa kanya na magandang lalaki ito. At noon pa man ay alam na niyang nakuha nito ang personalidad sa ina. Nakatayo lang ito ngayon doon subalit tila ba nagsasalita ang presensiya nito. Mahirap kalmahin ang kanyang sarili sa ganoong pagkakataon, lalo pa at tila nanunuot sa kanya ang titig nito.

Higit sa lahat, nakatatak na sa isip niya ang naganap sa kanila kanina. Hindi niya makuhang salubungin ang mga mata nito. Alam niyang malaki ang atraso niya rito subalit naroon na naman sa dibdib niya ang galit sa ginawa nito. Hindi siya makapayag sa nangyayari. Hindi siya makapayag na ganoon na lang siya nito makukuha, kahit pa nga may mga sandaling nadala na siya ng init.

Para doon ay lalo nang umigting ang galit niya para rito. Ano ang karapatan nitong ipadama sa kanya iyon? Isa itong estranghero. Isang estrangherong galit sa kanya.

"Sabihin mo na ang hinihingi mong kapalit. Ibibigay ko sa 'yo."

Tumawa ito. "Of course. I'm hungry. I bet you are, too."

Nakamasid lang siya rito habang tumatawag ito sa telepono. Nang matapos ay tila balewalang hinubad nito ang saplot saka isinuot ang isang roba doon. Naupo ito sa gilid ng kama at may mga tinawagan pa. Nahinuha niyang mga tauhan nito ang tinawagan nito.

Nanatili lang siyang nakaupo sa isang silya roon, hindi malaman ang kanyang gagawin. Hanggang sa balingan siya nito.

"Go freshen up. We'll eat dinner and then fuck each other's brains out."

Nagdikit ang mga labi niya. Kunsabagay ay bakit niya aasahan ang magandang salita mula rito? Sa isang banda ay nauunawaan niya ito. Ito na rin mismo ang nagsabing malaking pinsala ang nagawa niya sa samahan ng mga magulang nito. Paano nga ba siya nito dapat ituring? Mas masahol pa marahil sa isang babaeng nagbebenta ng katawan ang tingin nito sa kanya.

Ibang-iba talaga ito sa ama nito. Ang ama nito ay hindi niya minsan man naringgan ng mga ganoong uri ng salita. Parating nakangiti ang matanda noon sa kanya, kinausap siyang tila kapantay nito. Hindi kailanman ginamit laban sa kanya ang kawalan niya ng pinag-aralan.

DARK CHOCOLATE SERIES 3 - LUSCIOUS SINS, LOVE AFLAMEWhere stories live. Discover now