Chapter 7

7.2K 219 11
                                    


Chapter 7

Nagmamadaling inempake ni Katalina ang mga gamit nila ni Gabriel. Biglaan ang plano niyang yayain ito pagdating sa isang resort sa Batangas para sa isang araw na bakasyon. May isang kakilala siyang ahenteng nagbigay sa kanya ng free accommodation certificate doon.

Naisip niyang ni minsan ay hindi pa sila nito nagkakasama na mag-out of town at magandang magkasama naman sila nito doon.

Ite-text na sana niya ang kapatid niya upang sabihing hindi siya makakauwi nang araw na iyon nang makatanggap siya ng tawag mula kay Gabriel.

"Nasaan ka na? Akala ko ba nandito ka na ng alas-onse? May sorpresa ako sa 'yo," bungad niya rito. May usapan na sila kahapon na maaga itong tutungo sa bahay nang araw na iyon. Kahapon naman ay wala sa plano niyang yayain itong mag-out of town, kanina lang ang magtungo siya sa opisina ng komanya ay nakasabay nga niya ang ahenteng nagbigay ng certificate. Mae-expire na at sayang naman daw kung hindi magagamit.

"Kaya nga ako tumawag. Hindi ako makakapunta. I'm sorry, Kat. Something came up."

"Kailan ka makakapunta?"

"Maybe on Monday."

"Ah..." Bigla na lang ay nag-init ang kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagkadismaya niya. Parang isang batang sinabihang hindi na matutuloy magtungong karnabal ang pakiramdam niya, gayong sa isip lang naman niya pinlano ang lakad na iyon. Noon pa nga lang sana niya babanggitin dito.

"By the way, uh, tomorrow I will be at Sweet Homes with Macy. I just thought I should tell you."

Bumagsak na ang luha niya subalit pinilit niyang huwag iyong makaapekto sa tinig niya. "Ganoon ba? Sige."

"You take care." Nawala na ito sa linya.

Nanlalatang napaupo siya sa sofa. Kinalma niya ang sarili at nagpasyang umuwi sa kanila. Ayaw niyang buong maghapon at gabi siyang mag-isip na naman. Nagsasawa na siya.

Pag-uwi niya ay hindi naman niya magawang makipagkuwentuhan nang matagal sa ina o kapatid. Nang gabing iyon ay nasa silid lang niya siya. Malinis na malinis iyon parati kahit bihira naman siyang umuwi doon. Simple lang ang silid, walang mamahaling gamit doon.

Sa mesa sa tabi ng kama niya ay naroon pa rin ang picture frames ng mga larawan niya noong bata pa siya. Inabot niya ang isa doon, iyong kuha niya noong nakaputing toga siya. Graduation niya iyon ng elementarya.

Habang tinititigan niya iyon ay napahagulgol na lang siya. Iyon lang ang maipagmamalaki niyang larawan niyang may narating siya---ang magtapos ng elementarya.

At bigla, naging napakalinaw sa kanya ng agwat nila ni Gabriel. Niloloko lang niya ang sarili niya. Bakit ba niya naisip na kaya niyang baguhin ang isip ni Gabriel tungkol sa pagpapakasal sa iba?

Marahil ay hindi nito makita ang sariling siya ang kasama nito sa buhay. At hindi naman niya ito masisisi. Hawak niya ang isa sa mga dahilan. Wala siyang maipagmamalaki rito. Hindi siya nito maipagmamalaki sa lahat. Ni hindi siya nito maihaharap sa mga magulang nito.

Gustuhin man niyang ibalik ang lahat ng nagdaan ay hindi na niya iyon magagawa. Marahi ay naisip lang niyang kaya niyang baguhin ang isip nito dahil na rin parang ikamamatay niya kapag wala na ito sa buhay niya. Ang simpleng katotohanan kasi ay mahal na mahal niya ito at sa loob ng panahong nagsama sila ay masayang-masaya siya.

Isang uri ng kaligayahang hindi niya naranasan sa iba.

Ayaw niyang mawala ang kaligayahan niyang iyon dahil kay tagal niyang hinintay iyon.

DARK CHOCOLATE SERIES 3 - LUSCIOUS SINS, LOVE AFLAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon