'This is your Dress madam ihahatid na lang sya ng butler sa room nyo ' ani nung dama . Nginitian naman ito ni Kaera sabay tingin sakin nung dama .


'Where's your Tiara Madam ?' Tanong nito sakin kay dahan dahan kong inilabas ang tiara ko at iniabot ito sa kanya .

Makikita ang gulat sa mata ng dama dahil sa nilabas kong tiara at maski ang ibang tao rito ay napatingin din .

'Sya ang partner ni Zack !' Gulat na gulat na ani ng nasa paligid ko. ako naman ay napakagat na lang na labi ko .

'J-just wait a minute madam ' ani nung dama at pumasok muli sa kwartong pinasukan nya kanina .

'Raven bakit nakatungo ka dyan? Dapat nga proud ka kasi maraming babae na gustong maging partner si Zack pero ikaw pinalad' sabi ni Kaera kaya napatingin ako sa kanya .

'Anong mapalad e inaasar lang naman ako ng unggoy na yun e ' sagot ko kaso nagkibit balikat lang sakin si Kaera .

Tsk tsk kaasar kasi yung Zack na yun . Gusto talagang sirain ang buhay ko rito . Alam nyang maraming magagalit saking babaeng taga hanga nya .

'This is your dress Madam ihahatid na rin sya sa room nyo ' sabi ng dama ay katabi nito ang isang butler na daladala ang isang malaking red na box na talagang agaw pansin .

'Thank you po ' sagot ko . At bumalik na kami sa aming kwarto . Mukha kasing hindi na makapaghintay si Kaera makita yung dress ko at hindi yung kanya .


Tapos na kong maglinis ng Garden of Thorn kanina pa at tinulungan pa ko ni Kaera kaya maaga akong natapos .

Pagdating namin sa aming kwarto ay nakita namin yung mga box sa ibabaw ng kama namin .

Patakbong pumunta si Kaera sa kama ko at mukhang gustong gusto talagang makita yung damit .


'Bilis naman Raven gusto ko ng makita yung susuotin mo e ' sabi nito .

'Ito na ' sagot ko .

Pagpunta ko sa aking kama ay dahan dahan kong binuksan ang malaking box at pagbukas ko rito ay bigla na lang namilog ang mga mga ko .

'Ow my gosh !' Rinig ko bulalas ni Kaera pagkakita namin ng damit .

Kulay red ito na maraming glitters at disensyo na mahahalata mong mamahalin .


Hindi ko ito magawang hawakan dahil hindi ako makapaniwalang masusuot ko ang isang gantong damit .

Kahit kelan hindi ko ito pinangarap.

'Ang ganda nya grabe !' Ani ulit ni Kaera at hinawakan ito at kinuha ito para makita ko ng buo .

At mas lalo akong na mangha dahil parang damit ito ng mga prinsesa . Ang ganda ganda nito at pakiramdam ko ay hindi ito babagay sakin .

'Wow bagay sayo ito Raven !' Kinikilig na sabi ni Kaera at inilapit pa sakin yung damit .

Nung nahawak ko ito ay namangha ako sa lambot ng tela nito .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon