🏵Epilogue🏵

109K 4.4K 2.3K
                                    

Snow's POV

Nakarating kami sa Palasyo ng matiwasay pero agad kaming sinalubong ng Reyna at Hari na puno ng pag-alala. Umabot agad sa kanila ang balita ng pag-atake ng mga demons sa Academy pero ginawang confidential ang tungkol sa pag-atake ng Dark God. Magiging dahilan ito para mas lalong matakot pa ang mga sibilyan na iniiwasan ng Palasyo.

Halos hindi mapugto ang pagcheck ng royal doctor kay Yuan. Lalo lang nag-alala ang mga magulang niya dahil hindi ito nagsasalita at tila kay lalim ng iniisip. Alam ko kung bakit. Hindi ba niya matanggap ang nakaraan? Ni wala din akong alam, kanina ko lang din nalaman. Kung di pa ako sinabihan ay wala akong kaalam-alam. Hindi ko talaga alam kung ano ang bumabagabag kay Yuan. Pinaglaban ko naman siya. Harap harapan kong sinabi kay Clad na hindi ko siya mahal at si Yuan ang mahal ko pero bakit siya nagkaganun?

Chineck din ng royal doctor si Yuki. Dahil ito ang may malalang pinsala sa amin. Hindi kami sigurado kung tuluyan na itong nagamot at naghilom ang sugat. Kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. I can heal. I know my mom was a healer pero hindi ko naman inasahan na kaya kong bumuhay ng patay. Yuki literally died. Tama ang sinabi nito kanina. She was not dreaming or hallucinating. She died, but I was able to rebuilt her vital organ and was able to give a life. Kahit papaano ay may magandang nangyari sa araw na ito.

Gabi na rin kaya pagkatapos namin macheck ay inihatid na kami sa kanya kanya namin mga kuwarto. Pati si Yuki dito na rin pinatuloy at si Mikaella dahil hindi na sila pinayagan na magbiyahe lalo na at delikado na ang panahon. There is still a possible attack since night time is their best time.

Sa dating kuwarto ako pinatuloy noong may Knighthood sa palasyo. Si Glendel pa rin yung assistant ko. Parang may nakakontrata lang di ba? Nagpahinga na ako. Napagod ako ng sobra dahil sa paggamit ko ng kapangyarihan. Buti nga nakakalakad pa ako pero kung hindi pa natigil yung atake, malamang hinimatay na ako sa pagkaubos ng aking enerhiya. Hindi ko lubos akalain na mauubos ng ganun kadali ang ang kapangyarihan. Nandito din si Silvan sa loob ng kuwarto ko. Ayaw na humiwalay sa akin, mukhang pagod din ito dahil hindi masyadong nag-iimik.

"Miss, I heard the Academy was attacked." Saad ni Glendel sa akin habang ako ay nakahiga at nakatanga sa kisame.

"Yeah. It was horrible." Tanging naisaad ko. Meron pa bang mas ilalala roon? Yuki almost died, and now Yuan was not even talking to me. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang nagawa kong mali. Meron ba? Wala naman di ba?

"It was good that you were safe." Nakangiting saad nito.

"Yeah, I think I was." Safe? Nothing was safe earlier. We are at the verge of our death. It was a sheer luck that we are able to escape death. What if hindi ko nakilala ang kambal at si Mikaella? Then I was reckless earlier? Silvan and Yuki might be demons already right now dahil sa kapusukan ko. What if, I was just an ordinary human at walang kakayahang magpagaling? Yuki might be dead right now. Ang daming pwedeng mangyari kanina pero lahat nagkataon na may solusyon. Something was making us escape death even in a most impossible way.

Napapikit na ako dahil talagang mabigat na ang mga talukap ng aking mga mata. "Sleep now Glendel." Saad ko rito.

"Yes Miss. Goodnight." Paalam nito sa akin.

Tuluyan na akong iginupo ng aking antok at nilunod na ako sa kadiliman.

•••

Tanghali na akong nagising dahil sa sobrang pagod ko kahapon. Hindi naman ako ginising ni Glendel dahil wala naman akong importanteng gagawin.

Mommy, I want to take a bath. Biglang saad ni Silvan sa akin. Talagang nakatingin ito sa akin eye to eye.

Hala ka. Paano to, ang laki laki na nito, ni hindi ito kasya sa paliguan? Shemay, hindi ko man lang naisip at hindi man lang ito naligo kagabi. Hindi na ako nakapag-utos dahil nga sa sobrang pagod ko at nawala na yun sa isip ko.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now