🏵Chapter 31🏵

86.2K 4.2K 811
                                    

Snow's POV

I was trying so hard na hindi ako madistract kay Yuan. Jusko hindi pa ako makarecover sa mga pangyayari. Baka kung wala kami sa task ngayon eh baka kung saan pa kami umabot hahaha. Hindi ko inexpect na ganun pala siya na may nakatagong predator sa cold facade niya. But I am wondering how did he able to kiss like that, and as far as he moves he really knows what he's doing! Di kaya......... Oh my god, baka naman talagang gawain na niya ito noon pa? But, mas prefer ko naman ang lalaking may alam kesa pareho kaming walang alam.

A/N: haha preference ko yan Snow, wag mong gayahin.

We are walking right now again. Laking pasalamat ko lang kasi dumistansya siya sa akin. Kasi baka mapahamak pa kami kung maglalandian pa kami sa gitna ng kagubatan. Nakakawala kasi sa sarili yung nangyari kanina. Hahaha. As in kamuntikan na akong nawala sa sarili ko.

Pero napahinto na lang kami sa paglalakad ng sa di kalayuan ay natanaw namin ang isang kumikinang na bagay. Then I sharpen my eyesight and my eyes went wide when I saw the gem and it was like diamond dahil crystal clear ito.

"Yuan, the gem!" I shrieked with glee. Finally kasi nahanap na namin ito. Ilang traps na ang nadaanan namin tapos umabot pa kami sa puntong nagkaaminan, ewan ko na lang kung di pa namin mahanap ito and finally ito na nga. Akmang tatakbo na ako patungo sa gem pero pinigilan ako ni Yuan.

"Wait." He snaked his arms around my waist. Tsansing din eh noh? But he threw a knife towards the gem and when it created a whistling sound, traps was activated and more metal spikes was darted towards us kaya napatalon kami paatras ng ilang dipa. "Just as I thought." Saad nito.

Another trap. Damn. Parang ayaw lang ni prof Claw na makuha ang gem eh.

"Then, how are we going to pass?" Tanong ko rito. Wala akong maisip, di gumagana utak ko. Naalog eh hahaha.

"Speed. We will use our speed to pass." Saad nito.

Napalunok ako. It is too risky, paano kung maabutan kami? The place was too clean but we know since this is one of the station ay marami itong traps.

"Do you trust me?" Tanong ni Yuan sa akin.

Tumango ako then he held my hand tightly na feeling ko ay hindi na ako makakawala sa pagkakahawak nito. Then we started running with our full speed. We are like light speed as we pass the traps and it attacked us but we already passed. Pero may isang trap na muntikan ng tumama sa akin dahil nakasunod lang ako kay Yuan.

He cursed dahil muntik na akong tamaan ng isang sibat. Kaya nagulat na lang ako dahil bigla na lang akong pinangko nito sabay buhat at tumakbo ito ng mabilis. He was like a ninja, extremely fast and felt like everything went into slow motion then we landed safely. I can see the traps was swinging behind us. I was wondering paano kaya ginagawa ang mga ganitong traps. Ang galing magtancha eh.

"Get the gem." Saad ni Yuan at agad ko naman kinuha ang bato.

Hindi na ako binitawan ni Yuan and now, he's flying with his wings in full speed. The task is about speed at hindi sa pagkuha ng gem. Tirik na tirik na ang araw, hindi ko napansin na tanghali na pala, then in just a blink of an eye, we already landed where the camp was residing. Obvious na kami ang naunang nakakuha ng gem at ilang minuto ay sumunod sina Jin kasama nito ang kaklase ko at nakasunod din si Avis.

"Aww, man. You made it ahead of us." Komento naman ni Avis dahil natalo namin ito.

"Of course." Saad naman ni Yuan but now he is in his usual pokerface. Bilis magbago ng ekspresyon ng isang ito eh.

Sumunod na lumabas galing sa kagubatan ay si Violet at si Luna na kapwa nakabusangot ang mukha. Kasama nila ang mga partner nila na parehong nakayuko. Halatang halata kung ano ang nangyari.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon