🏵Chapter 18🏵

84.6K 4.5K 2.4K
                                    

Snow's POV

"Wala na bang natira?" Tanong ni Luna sa amin.

Nakiramdam naman ako at nilawakan ang scope and I can sense nothing aside from the group na nakuha namin sa iba't-ibang panig merchant centre.

"Wala na. We need to go now, I can feel there is another set of attack." Saad ko. Nararamdaman ko kasi ang isang malakas na puwersa na papalapit pero umaatras ulit.

"Yeah, I can feel it too." Saad naman Jin. "Teleportation is the best option here." Saad nito.

"Then good." Saad naman ni Violet.

Wala na kaming inaksayang oras at pinalibutan namin ang mga survivor at nagteleport kami kasama sila. Agad na bumungad sa amin ang evacuation area na marami na rin ang mga tao roon ay may iba pa na mga sugatan at pansamatalang ginagamot.

Lumapit kami sa registration desk. Kailangan kasi mailista ang mga nailigtas, ang wala sa listahan ay macoconsider ng patay. It is quite worse but that is reality, in this type of crisis wala na talagang maiisip pa na solusyon.

"Are they safe in this area?" Tanong ko. Kahit anong gawing isip ko ay hindi safe ang lugar na ito. The safest place ay ang umalis sila sa syudad at lumipat sa kalapit na syudad.

"It is not, inaayos na ang mga papeles ng pansamantalang paglipat ng mga mamamayan ng Hydra sa Tierra kaya sila inipon rito.

"Okay." Naisaad ko naman.

"Hey, you both.... Why are you standing there?" Biglang tanong naman Clad.

Wala akong ideya kung sino ang kinakausap nito kaya napalingon naman ako and I found out it was the twins he's referring to.

Napatulala naman ang kambal kay Clad, paano ba naman kasi, ako nga napapatulala dito, paano na lang kaya ang dalawang inosenteng ito?

"Beberlyn, Fevelyn.... Hindi niyo ba hahanapin ang mga magulang niyo?" Naitanong ko ng lumapit ako.

Nailipat naman ang tingin nila sa akin. "We don't have family. We're orphan." Sagot naman nito at nababakas ang lungkot sa mga boses nito.

"I-I'm sorry..." Naisaad ko. Hindi ko na dapat itinanong yun. Mukhang nabuksan ko pa yata ang masamang usapin sa dalawa.

"Okay lang po yun. Matagal na po yun nangyari." Saad naman ni Fevelyn.

"Then, saan na kayo mula ngayon? Wala ba kayong mga ibang kamag-anak?" Tanong ko naman.

"Meron naman po, kaso walang gustong akuin kami dahil malas daw kami." Malungkot naman na saad ni Beberlyn.

"What? Bakit malas kayo Beberlyn?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ako naniniwala sa malas at swerte, nasa tao lang talaga yun.

"Because twins are curse. Ang isa swerte at ang isa kamalasan." Sagot uli ni Beberlyn.

Napasapo naman ako sa noo ko. I don't know kung matatawa ako o maiinis sa mga nagpauso ng mga ganitong urban legends.

"You know what, you were born into this world because you were created by the gods and destined to live. Paano niyo masasabi na gumawa ng malas na tao ang diyos? Those things are just urban legends. Wag niyo paniwalaan. Each of you has a purpose that's why you lived. That's why I found you." Saad ko naman rito.

Humagulgol naman ang dalawa at biglang yumakap sa akin. Para naman umandar ang mother instict ko kaya inalo ko yung dalawa. I don't know pero magaan ang loob ko sa dalawang ito. They are about my age but they act a little childish than their age, maybe because of their lifestyle as well.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora