🏵Chapter 28🏵

85K 3.7K 899
                                    

Snow's POV

Hindi pa naman nagsisimula ang activity dahil bukas pa ng umaga magsisimula ang kung ano man ang plano ni Prof Claw. Ngayong araw ay puro preparasyon lang ang ginagawa, paggawa ng tent, bonfire, pagkuha ng mga logs para sa bonfire, foods.

Sila Mikaella ang nakatoka sa paghahanda ng pagkain nagbabalat at humihiwa ang mga ito ng sibuyas at nagmamarinate ng karne. Lumapit naman ako sa kanila para tumulong dahil mukhang marami yung gagawin nila. Hindi naman kasi sila Helper dito kung tutuosin.

"Mukhang magbabarbecue tayo ah." Komento ko habang nakadungaw sa planganitang puno ng marinated na karne.

"Opo Snow. Eh kasi outdoor tayo ngayon kaya ito ang dapat ihanda." Sagot naman ni Beberlyn.

Yeah, usually pagcamping eh talagang barbecue yung hinahanda. Kaloka naman kung maghahanap ka dito ng adobo or steak di ba? Hehe.

"Sige, tulungan ko na kayo diyan." Saad ko naman rito. Pero yung purpose ko eh para mas madaling matapos ang gawain at ng makakain na ako hehehe.😅

"Sige po!" Tuwang saad naman ni Mikaella.

Mukhang hirap nga ang tatlo dahil hindi ako tinanggihan ng mga ito. Kaya kinuha ko ba yung mga barbecue sticks at tinuhog ko na yung mga karne. Nakitulong na rin sila sa pagtuhog dahil marami talaga ang tutuhugin namin, considering na nandito rin si Avis na duda ako na baka kulangin pa itong handa.

"Hala, hindi pa nasimulan magsiga sa griller!" Gulat naman na saad ni Fevelyn.

"Ako na." Saad ko na lang. Naghugas muna ako ng kamay dahil naghuhumiyaw yung marinating sauce na dumidikit.

Agad naman akong lumapit sa griller pagkatapos. May nakalagay na na uling sa loob, ready na pala talaga kaso hindi nga lang nasindihan. I stared at the coals and smoke was slowly coming out and slowly, the coals turned into molten coals and radiating red and heat comes to follow. Napangiti ako, madali lang pa lang gawin, ni hindi ko na ginamit pa ang kamay ko.

"It's ready. Simulan na natin." Saad ko na nabigla naman si Fevelyn dahil ilang minuto lang kasi yung nangyari.

"Ang bilis naman po." Komento naman ni Fevelyn na nagtataka.

Ngumiti lang din naman ako. Tama, wala naman alam ang mga ito tungkol sa pagkatao ko. "I have my ways." Sagot ko na lang sa mga ito.

Napatango naman ang tatlo at yun nga inilipat na ni Beberlyn yung mga natuhog na at ako na rin ang naglagay sa griller. Ako na ang bahalang mgluluto dahil marunong naman ako nito. Tsaka enjoy kaya ito dahil doon sa downtown maraming nagbebenta ng barbecue sa kalsada at nag-eenjoy ako sa mga ganun, kaya magfefeeling manininda ng barbecue akk ngayon. I controlled the wind as it slowly blowing the molten coals at pinapahiran ko ang mga barbecue ng kung anong sauce na gawa nila Fevelyn.

"Wow, is this our dinner?" Biglang tanong naman ni Clad na nakalapit pala sa akin.

"Yeah, they made it." Sabay turo ko sa tatlo.

Nahiya pa talaga sila pero si Mikaella, blanko lang ang ekspresyon. Napansin ko rin si Clad na napatitig kay Mikaella na tila kay lalim ng iniisip pero nagbawi uli ito ng tingin at ibinalik sa akin.

"Your three friends are interesting." Mahinang saad ni Clad.

Halos mapataas naman ang kilay ko dahil sa komento niya. Anong inig sabihin nito? Naku, baka lumalandi na ang mokong na ito. "Wow, first time I heard you are interested to someone." Natatawang saad ko.

Ngumiti naman si Clad. "I was interested to someone longer than you knew." Sagot naman nito.

Aba, may itinatago pala talaga ang lalaking ito. Pero kung titingnan mo nako para naman playboy na dahil nga sa mga ngitian nito at galawan.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now