🏵Chapter 27🏵

87.1K 4.2K 1.3K
                                    

Snow's POV

Nakarating na kami sa masukal na bundok pero may area rito kung saan ay patag at grassy plains lang. Napapalibutan ito ng matatayog na pine trees at mga paco weeds. You can even literally hear the sound of wild animals around.

Agad kaming bumaba sa bus at nagkumpulan kami sa harap ng compartment para kunin namin ang mga bag. Pero hindi ko pa nakukuha yung sa akin ay binitbit na ito ni Yuan. Bali dalawang malalaking bag ang bitbit nito pero parang balewala lang dito ang bigat nun. Napasunod naman ako ng tingin rito, wala na akong magagawa, eh kinuha na niya. Ayaw ko pa ba nun, eh petiks ako ditong maglalakad? Hahaha.

"Class, come over!" Tawag ni Professor Claw sa amin at nakatayo ito roon sa gitna. Agad na nagsilapitan kami rito dahil kung hindi kami magmadali eh baka magsuper saiyan na naman ito. "Then, from this bowl, you pick your numbers and whoever the numbers who's identical are partners and even with the tent. There is no gender identification in this Camp. You are all warriors." Saad nito.

Napanganga naman ako. Sa sinasabi nito, may isang malaking pagkakataon na lalaki ang magiging kapartner ko? Langya naman to, nasaan na ang decency rito? Akala ko pa naman conservative sa lahat ng conservative itong si Prof Claw. Kahit pa sabihin nitong walang gender identification eh syempre, babae pa rin ako may pakiramdam at lalaki lang din sila may pangangailangan. Hahaha buset may naalala ako tuloy.

May dalawang bowl na inilabas si Prof Claw pinahati nga kami at nagsimula na kaming bumunot ng numero. Hindi agad namin dineclare kung anong number namin dahil mamaya na daw pagkatapos makabunot ng lahat. Di nga nagtagal ay natapos nga ang nangyaring bunutan.

"Grabe, di ko akalain na may ganitong trip itong si Prof Claw." Komento naman ni Yuki, pero ang lapad ng ngiti ng Bruha! Mukhang gustong gusto ang arrangement eh.

"Tama lang din naman ito. Dahil sa totoong laban, wala ng artehan. At wala na yang conscious conscious na yan." Saad naman ni Luna.

Kahit ano pa ang sabihin nila, nacoconsious pa rin ako no!

"Reveal now your numbers and find your partners." Saad ni Prof Claw.

Agad na binuksan ng lahat ang mga numero nila at agad na nagkahanapan. Patamad ko naman na binuksan ang aking numero at nakita ko nga na number eight yun. Napatingin naman ako sa paligid, sinong number eight ito? Parang hindi ko kayang magsalita. Nakita ko na nagka-alaman na ang iba.

"Oh! You are my partner." Komento ni Glory Mae kay Raven na nagulat pa ito. Unusual pair yung dalawa.

Biglang nabato naman si Yuki na halos hindi na 'ata ito gumagalaw sa kinatatayuan. Eh kasi naman katabi lang naman niya si Jin, pero teka nakit magkatabi ang dalawa? Pero nanlaki na lang din ang aking nga mata dahil sa naisip kung posiblengg dahilan. Aba ah, parang yung tadhana na talaga ang gumagawa ng pagkakataon.

Si Luna naman yung kapartner naman niya ay si Will. The rest yun nga, puro babae at lalaki ang magkakapartner. Ako na lang 'ata ang wala, then lumapit naman sa akin si Yuan bitbit ang bag ko. Kumunin ko na sana yung bag ko pero napatanga na lang ako ng ipinakita nito ang numero sa akin at nakalagay number eight! Holyshit! You know what, alam ko na napakacliché ng mga ganito pero what the hell, nangyayari din pala talaga ito sa totoong buhay? Feeling ko talaga nang-aasar itong si tadhana eh, iniiwasan ko na nga, pinartner pa talaga kami. Pero kasabihan nga kung sinong taong iniiwas iwasan mo, diyan rin ang bagsak mo, kaya nga todo iwas ako eh para sa kanya ako bumagsak wahahaha ang landi ko bes!

"I did not expect this to happen." Naisaad ko na lang. Yung totoo, kinikilig ako hahaha. Ang arte ko naman kung sasabihin ko na ayaw ko di ba? Like sino ba ang aayaw sa sitwasyon na ito? Itaas nga ang kamay kung sinong ayaw.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now