🏵Chapter 34🏵

82.3K 3.3K 939
                                    

Snow's POV

Nawalang bigla si Hera pagkatapos ng pagdalaw ni Headmaster. Pero umiikot sa isipan ko ang mga sinabi nito.

Huhulihin namin ang traydor, pero paano? Nasabi na sa amin dati na malaki ang posibilidad na may traydor nga at ngayon, mukhang siguradong sigurado na si Headmaster na meron ngang traydor at kailangan namin na hulihin ito. Iniisip ko pa lang kung sino ang traydor ay sumasakit na ulo ko dahil wala akong maisip.

Pero sa kalaliman ng iniisip ko, biglang lumitaw sa isipan ko si Clad at Hera. Sila ang bagong dating sa academy, and claiming na si Hera ang anak ng mga diyos, na hindi naman pala. Clad who has the power of darkness and Silvan who kept on saying they are bad. Hindi ko maiwasan na magduda, pero tumulong naman sila sa mga mission di ba? Kung kalaban sila, dapat pinahamak na sila kami o kaya naman inisa-isang pinatay pero wala. Pero umaalingawngaw pa rin sa aking isipan ang mga sinabi ni Silvan.

"God, help me." Naisaad ko na lang. They might be saying I am the child of the Gods but, I still feel human. Ni hindi ko pa nakakausap sila or nakikita kahit sa panaginip. I am still so human, nothing was changed.

"Yeah. We really need their help." Saad naman ni Luna na napabuntong hininga.

"No need. We have Snow." Saad naman ni Yuan.

Napamulagat naman ako rito. Right, hindi pa nga namin sinasabi officially na ako ang nakatakda, they are still under conclusion na walang sapat na pruweba.

"Is it already confirmed?" Tanong kaagad ni Violet.

"Yes." Agaran na sagot ni Yuan.

"Oh my gosh! Bes! Ikaw na nga!" Biglang tuwa na saad ni Luna at niyakap pa talaga ako nito ng mahigpit. "Gosh, I was so worried na si Hera ang nakatakda since parang wala lang naman siyang pakialam." Nakangusong saad nito sa akin pagkatapos ay bumitaw sa pagkakayakap.

"I know right!? Ni wala siyang nagawa, kaya nakakabahala kung siya talaga. Buti na lang talaga." Tuwang saad naman ni Violet.

"That's good." Sambit naman ni Jin na kahit papaano ay parang sumaya ito.

"It deserves a celebration!" Sigaw naman ni Avis.

"And, to give you warning. Snow and I are into a relationship." Pasabog naman ni Yuan.

Luna was grinning while Violet got her eyes wide. Avis was grinning from ear to ear while Jin was shocked. Nakakagulat pa ba? Akala ko pa naman may ideya na sila.

"Am I hearing right?" Ulit ni Violet.

Tumango naman si Yuan at ako naman napayuko. Hindi ko alam pero nahihiya ako at sobrang namumula.

"Holy, I lost the bet!" Biglang sigaw ni Violet.

Napatingin naman ako rito. Anong bet ang sinasabi nito? "What bet?" Tanong ko rito.

Parang nahimasmasan naman si Violet. "Oh, it's not what you think Snow. Kasi kaming apat, nagpustahan kami kung kelan aaminin ni Yuan yung feelings niya sayo. Yuan doesn't have any idea about it as well. But damn, nanalo si Luna."

Ako naman ang hindi makapaniwala sa mga ito. Pati ba naman yun pinagpustahan pa. Parang wala ng magawa sa buhay ang mga ito eh.

"Bakit naman kasi pinagpustahan niyo pa?" Naintrigang tanong ko. Syempre sino ba ang hindi maiintriga eh ako ang pinagpustahan lang naman nila.

"Bes, kasi ganito. It started when Yuan changed. We mean his attitude towards people especially to you at amg sakit sa mata na halatang mahal niyo isa't-isa pero hindi naman kayo nagkakaaminan, ang tataas ng mga pride niyo. Kaya naging blessing in disguise itong si Clad dahil mukhang na challenge na itong si Yuan at mukhang natakot na maunahan kaya umamin na sayo. So last last week, napagpustahan namin kung sino ang unang aamin. Yuan or Clad. I did stick to Yuan and Snow team, while sila naman ay kay Clad." Paliwanag naman ni Luna sa akin.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now