[29] Suspicious Husband

Magsimula sa umpisa
                                    

"Where are you?" I asked, kahit alam ko naman kung nasaan siya. I just wanted to test his honesty.

["Italliani's. Bakit?"]

"Wala lang," I took in a deep breath and thought for a second. "Aalis ako saglit kasama ni Jena." I lied. Nakaalis na nga kami and in in fact, we're keeping an eye on you.

["Sigurado ka? Kaya mo pa?"]

"Oo. Pick me up nalang sa Perillo's Bakeshop sa harap ng bar mo. Thanks," I cut off the line and put the phone back on my purse. I felt relieved.

"So, where do we go next?" Tanong ni Jena kaya napatingin ako sa kanya.

"Perillo's. Dun tayo. I want to eat sweets today. Nai-istress ako."

Hindi naman talaga ako mahilig sa sweets pero for some reason, meron nag-uudyok sa akin na bumalik sa bakeshop na ito. Kanina pa kami ni Jena dito sa bakeshop at kanina pa rin ako palinga-linga sa lugar. Err... Is JV here?

"Anak ng may-ari nito yung friend mo diba?" Jena suddenly asked and I just nodded. "Girl, ang cute nu'n."

My eyes bawled in amusement. "Type mo?"

She smiled. "Honestly, yes. Mukhang nice guy eh."

I chuckled heartily. "Opposite of Derrick, indeed."

"Oh, right. Speaking of, bakit mo nga pala pinaghihinalaan si Derrick?"

And there, kinwento ko na sa kanya ang buong detalye tungkol kay Derrick. From that Alyanna girl up to the night I saw her coming out from Derrick's office. Lahat yun, wala akong pinalagpas na detalye.

"Nawi-weirduhan na nga ako kay Derrick. Biro mo, 2 weeks na akong off limits sa internet. Alam mo namang yun lang ang past time ko sa unit niya," pagmumukmok ko at sumubo muna ng isa sa cheesecake. "Ang reason niya, ayaw niya raw akong ma-stress. Well, nabobore naman ako."

"Baka kasi concerned siya sayo. Baka kasi sobra-sobra ka kung magbabad sa internet. Masyado ka talagang paranoid," komento naman niya.

Paranoid lang ba talaga? Hindi ko alam. Pakiramdam ko talaga may ibang nangyayari sa likod ko. Malakas ang kutob ko.

"Anyway," she wiped the side of her lips by a napkin and eyed me. "Relax your nerves, girl. Don't think too much. Malapit ka ng manganak. Yan nalang ang isipin mo. Ha?"

I nodded hesitantly. She's right. I should put my trust on my husband. Hindi dapat ako nagpapatalo sa hinala ko.

"Thanks, Jena."

"No problem, girl. Osya, tawagan mo na si Derrick. Pasundo ka na sa kanya dito. Hindi kita maihahatid pabalik sa condo mo kasi pinapauwi ako ni Mama sa bahay."


DERRICK'S POV


"So, everything's settled. Thanks for trusting me, Mr. Monteverde," he dismissed.

Natapos ang negosasyon namin sa pakikipagkamay sa isa't-isa. The deal is sealed since last month. Ngayon pa lang namin napag-usapan ang tungkol sa structures ng club na itatayo sa New York. Gusto ko mang umurong, pero hindi na pwede dahil sa contract.

"The construction will start by the end of this month. Would you like to pay the site a visit?"

Mabilis kong nailing ang ulo ko. "Hindi na, Mr. Alegre. By that time, nakapanganak na ang asawa ko. Hindi ko siya pwedeng iwanan."

"Oh," bakas sa mukha niya ang amusement at pagkagulat. "Oo nga pala. May asawa ka na pala. Siya yung sumagot sa tawag ko isang beses diba?"

Napangiti nalang ako ng tipid. Tama, siya nga yung sumagot noon at yun din ang dahilan kung bakit siya pumunta sa Midas Bar sa disi-oras ng gabi... Idagdag pa ang pagkapahiya niya dahil sa anak mo. Damn.

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon