[29] Suspicious Husband

Magsimula sa umpisa
                                    

"Lyza..."

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko na ang boses niya. I smiled to him as he approached me.

"Ba't ang aga mo, Derrick?"

"Sabi ni Mama, 'wag na raw akong masyadong late umuwi. Baka kasi manganak ka na, baby."

Sinalubong ko siya ng yakap at tinignan si Jena. 'I'll call you,' I mouthed and winked afterwards.

He's been so sweet like this since 2 weeks ago. How could I not be suspiscious of him, then?


***


It's been 3 days since Jena and I had a talk about Derrick cheating tendencies. Ito na rin yung chance na sundan ko siya dahil nagpaalam siya sa akin kaninang umaga na may imi-meet daw siya. Even before Derrick left, I texted Jena that any minute from now Derrick's leaving. Mabilis naman siyang nagreply na papunta na siya sa condo ko at hihintayin niya nalang ako sa parking lot.

"Aalis na ako, Lyza. Tawagin mo nalang ako kapag may sumasakit na sayo ah?" Paalala niya saka niya ako dinampian ng halik sa noo.

I smiled fakely. "Sure."

"Bakit..." He paused and studied my face. Naconscious tuloy ako. "Bakit ang bait mo yata ngayon?"

Darn. Do I look suspiscious when I am nice?

"W...wala," dahilan ko nalang. "Umalis ka na nga para makauwi ka na agad."

"Sige, sige. I'll be back after lunch. Hintayin niyo ako ni baby."

As what we've planned, I grabbed my purse and went out of the unit after few minutes Derrick left. Palabas pa lang ako ng lobby nung makita ko na huminto sa harapan ng condo ang kotse ni Jena. I saw her motioning me to get in, so I did. Wow, I bet this day would be one heck of nervous shit.

"Ang bagal mo. Sana 'di pa nakakalayo ang asawa mo. Ang bilis magdrive eh," sabi ni Jena habang nagsisimula ng magmaneho.

Habang nagsiseatbelt ay huminga muna ako ng malalim. "Ano'ng kotse ang dala niya?"

"Vios black... Ayun oh! Shiz, buti traffic!"

Napatingin ako sa tinuturo niya sa harapan, at tama nga, 3 cars away from where we are. My palms are sweating cold. Kinakabahan ako sa pwede kong makita.

Nag-go signal na kaya for some reason, nataranta ako nung magsiandaran na ang mga sasakyan.

"Jena, hurry!"

"Oo na. 'Wag mo kong i-pressure!"

After awhile, nakita naming huminto ang kotse ni Derrick sa tapat ng isang fine dining restaurant. Pumarada kami few meters away sa kotse niya, pero mula sa kinaroroonan namin ay tanaw na tanaw namin ang imimeet up ni Derrick.

"Lyza, lalaki ang kameeting niya ngayon. Paranoid ka masyado, girl."

Napahinga ako ng maluwag. Lalaki nga ang imimeet niya. Buti naman...

"Ba't mo ba kasi naisip na i-spy siya?"

I sighed and brushed my hair with my fingers. "I'll tell you but not here. Wait a second," I pulled my phone out of my purse and was having thoughts if I should call Derrick or not. Tumingin ulit ako sa direksyon ng resto at napansin ko na kausap pa ni Derrick ang lalaking nakacorporate attire. Bahala na.

I tapped on his number to call him. Within three rings, he picked it up. I could see his look from where we are right now.

["Lyza?"]

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon