Hindi naman niya ako pinalayas meaning pinapatabi niya talaga ako. Score one for Key! First time lang niya akong makausap sa lagay na eto ah!

Buti na lang pala at huminto 'yung malakas na ulan, ambon na lang kaya medyo sweet yung dating sa amin ni Hero ngayon.

"Parang ngayon mo lang yata ako kinausap Hero" sabi ko. Totoo naman eh, simula nung nag-enter ako sa Academy na eto eh hanggang tingin lang naman ako kay Hero eh. Siya naman kasi ang prodigy at pride naming mga Grade 11 students!

"I guess, what was your name? Hope ba?" tanong niya. Pinilit kong hindi mag-complain. Ayoko ng tinatawag akong Hope eh... masyadong girly.

"Key is what everyone calls me" sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya, pero ewan ko ba naduwag ako kaya sa labas na lang ako tumingin. Nakaka-intimidate naman kasi siya.

"Ah" natawa siya ng kaunti. "Key Hope? Susi ng pag-asa? Yun pala yun" ang sexy ng tawa niya! Pero di ko yun kayang i-tolerate. I rolled my eyes at him, pero nakangiti ako. Ewan ko ba, I've taken that joke numerous times eh. Eversince ako, si Chace na yung sumunod na may weird na name eh.

Kasi naman lokohan ba kasi ito? As far as I know napakaraming options ang pwedeng ibigay na pangalan para sa isang batang babae pero ano? Key Hope? Kulang na lang talaga yung "of" eh. Buti na lang at may natural charms ako kaya instead na pagtawanan talaga yung name ko sinasabi nilang cute, astig or nakakainggit pa nga raw minsan.

"Your name is cute" ngumiti si Hero sa akin. Whaaaat? Madalang lang ngumiti ang lalaking eto eh! Oh my gosh anong nangyayare?! "Ako nga Hero, Bayaning Torres?" sabi pa niya. Napatawa niya ako ng ganun lang. Oo nga no? Unique rin yung name ni Hero pero maganda naman ang dating eh.

"Cool kaya!" sabi ko naman sa kanya which is true. "Nga pala, bakit ba naisipan mong kausapin ako bigla?" tanong ko naman sa kanya.

"Well, wala naman actually. Na-enjoy ko lang yung scene niyo nung isang lalaki kanina" sabi pa niya. Napakagat naman ako sa labi ko bigla, nabalik yung guilt feelings ko. Hindi nga pala kilala ni Hero si Chace personally kasi una di sila magkaklase, waah, di ko kaklase si Hero! Tapos mas kilala siya sa mga nicknames na binigay ko sa kanya. Like geeky, loser or weirdo. Argh... ang sama ko palang tao.

"Ah, yun ba? Nako, nakakahiya nga iyon eh" napakamot ako sa ulo ko. "Pero nagkaayos na kami. Nag-sorry na kami sa isa't-isa" mahirap na, baka ang impression ni Hero sa akin ngayon ay isang taong masama ang ugali which is technically true kung pagbabasihan yung mga pinag-gagawa ko kay Chace.

Tumango lang siya. "That's good. Nakakatuwa lang kasi eh, nakuha niyo yung attention ng lahat" sabi pa niya.

"Hopefully di na yun mauulit" sabi ko naman. Ayoko na rin kasi, sabi ko nga lulubayan ko na si Chace kasi over na pala yung ginawa ko! Tapos ngayon nga tinutukso na naman siya.

Nakita kong magsasalita pa sana si Hero pero bigla nang nag-bell! Di ko naman napansin, second period na after lunch kailangan ko ng magmadali! Nag-skip na nga ako ng Chem eh, buti na lang pala at maaga silang dinismiss kaya nakaalis kami.

"Ah, second period. I'll talk to you sometimes" sabi ni Hero habang naglakad siya palayo sa akin.

"Sige" yun na lang ang nasabi ko. Dumerecho na rin ako sa room namin.

"KEY!" narinig kong may sumigaw sa likod ko.

Paglingon ko nakita ko sila Audrey. "Oh?" tanong ko. Grabe ah, ngayon lang sila natapos mag-retouch? "Was that Hero? Kinausap ka niya?" tanong kaagad ni Audrey. Crush ni Audrey si Hero at alam yun ng lahat. Meanwhile 'yung paghanga ko kay Hero ay nananatiling sikreto since ayoko namang mag-isip ng masama sa akin si Audrey. Tumango na lang ako. "Ano sabi niya?" tanong nila.

"Ahh... ayun. Tinanong lang yung pangalan ko, kasi dun sa eksena sa canteen kanina." Technically di naman ako nagsisinungaling kasi kahit si Hero nga ay walang dahilan kung bakit niya ako kinausap.

"Hala, bad first impression. Siguro dahil troublemaker ka" sabi naman ni Lyah. Nakitawa na lang ako. "Siguro nga" sabi ko.

Pumunta na kami sa room and thankfully di kami late. Kaso nga lang... "Chace ayan na si Audrey!" nagtawanan na naman silang lahat. Nakita kong nakadukdok na lang si Chace sa desk niya. Pulang-pula na yung tenga niya, nakakahiya naman kasi.

Naupo na lang si Audrey at yung iba sa upuan nila. "Manahimik na lang kaya kayo. Baka maglaslas pa si geeky" sabi ko ng malakas. Napatahimik ko naman sila, may authority kaya ako dito sa room. Napatingin si Chace sa akin, siguro nagtataka kung bakit ko siya tinukso ulit. Umiling na lang ako, at mukhang na-gets naman niya na ang ibig kong sabihin ay para matigil yung panunukso sa kanya.

Akala ko back to normal na ako. Walang inaalala, walang binu-bully pero hindi eh. For the past week, sinusubukan pa rin ni Chace na kausapin si Audrey. Speechless ako syempre, yung tatahi-tahimik na yun ngayon eh determined na magpapansin kay Audrey? Pero ang awkward niyang tingnan.

But seriously, di ko alam kung bakit nagkaganito bigla si Chace. Isang beses nilapitan ko pa nga siya. "Chace, tumigil na nga ako sa pang-iinis sa'yo pero wala ring nangyare. Lubayan mo pa kaya si Audrey, ikaw pa ang gumagawa ng dahilan para ma-bully ka ngayon eh" sabi ko sa kanya. Nga pala di ko rin nabanggit na hindi na rin nga pala ako kinausap ulit ni Hero. Talk to you sometimes daw! Either paasa siya or assuming lang talaga ako.

"Eh, di ako mapakali eh. Gusto ko talaga si Audrey" sabi ni Chace sabay alis. Di naman kasi kami ganung ka-close na nasa talking terms na eh. Kinausap ko lang siya kasi kaawa-awa na siya sa ginagawa niya. Nako kung naririnig lang niya yung mga sinasabi ni Audrey kapag wala siya. Baka maglaslas nga siya talaga!

Anyways back to Hero, dumadamoves na kasi si Audrey kay Hero ngayon. Dati naman kuntento na siya na hanggang tingin lang pero biglang naglevel-up. Sabi niya sa amin kapag naging boyfriend na raw niya si Hero titigilan na raw siya tiyak ni Chace. Poor Chace but wala akong karapatang mangialam eh so wag na lang.

Isang beses ay mag-isa ako sa rooftop. Nire-recall ko yung steps namin dahil may performance rin lang ang Prism. Bigla akong may narinig na tumutugtog ng gitara. Na-curious ako kaya hinanap ko yun. Pero nagulat ako, unexpected kasi eh...

Si Chace?

At parang down na down siya, kulang na lang umiyak siya eh. Lalapitan ko ba o dededmahin? I chose the latter, like I said wala akong karapatang mangialam. Lalayo na sana ako eh.

"Huwag kang umalis Key, please" sabi niya. Damn... nahuli pa ako.


Fools in Love [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora