CHAPTER 55:JUST ACT

Magsimula sa umpisa
                                    

huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

Kailangan kong makalabas dito para malaman ko kung totoo ang nasa drawing.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto.

"Ano yun mahal ko?bakit hindi ka kumain?"sambit sa akin ni Cold.

Huminga ulit ako ng malalim at tumayo.

"Ma-hal,gusto ko sana na sa labas tayo kumain,ayoko dito gusto kasama kita."malungot na sambit ko.

Sana kainin mo ang pain,sige na

Bigla itong ngumiti at hinawakan nya ako sa wrist.

"Akala mo ba maloloko mo ako??!gusto mo lang tumakas!!"sigaw nya sa akin.

Putik!!Reyah,Reyah,think.

Aha!I got it.

"Anong bang pinagsasasabi mo!gusto lang kita makasama!akala ko pa naman matutuwa ka pag kumain tayo ng sabay!yun pala pag bibintangan mo lang ako!"sambit ko at tinanggal ang kamay nya.

Luha,luha,bilis!!lumabas ka.

Tumingin ako sa kanya ng matagal habang hindi kukukurap

Maya-maya ay bigla nang tumulo ang luha ko.

Yes!!Perfect!!sige tulo pa.

"Ma-hal patawa------"hindi pa tapos ang sasabihin ni Cold ng sumabat na ako.

"Akala ko pa naman gusto natin ang isa't-isa,yun pala ako lang!"sambit ko at tumalikod.

Yes!!!buti na lang at natutunan ko ang pagluha dahil sa mga pabebe kong kaklase.

"Mahal patawad,akala ko ay nililinlang mo lang ako ." malungkot na sambit ni Cold

Huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay hinarap ko sya.

"Bakit mo pa ako papakasalan!huh!ano laro-laro lang sayo?mas gusto kita kesa kay Ace tapos ginanto mo lang ako!dapat di na lang kita ginusto!"sambit ko at nagpatulo ulit ng luha.

Haha!yes!!ang galing ko talaga,nagpapasalamat ako sa mga maarteng babae sa room namin.

Bigla nyang pinunasan ang luha ko.

"Mahal,patawad tama ang desisyon mo,mas nararapat ako sa pagmamahal mo."sambit nya sa akin.

"Tama nga ba??"sambit ko sa kanya.

"Oo mahal,sige pumapayag na akong kumain tayo."sambit nya sa akin.

"Talaga??baka napipilitan ka lang?"sambit ko sa kanya.

"Umiling naman sya.matagal ko nang pinapangarap to."masayang sambit nya.

Ngumiti naman ako at pinunasan ang mukha ko.

"Tara na."sambit nya sa akin.

Nag nod naman ako at sumunod.

Haha yes!!!ang galing ko talaga!!grabe,ang hirap pala talagang umarte.buti na lang at gumana yung pagluha ko.

Ng makalabas kami ay tinignan ko ang pinto at mayroon itong drawing na isang dragon at nakapulupot ito sa isang rosas.

Pagtingin ko sa hallway na ito ay nakita ko ang isang vase.

Tama nga ang nasa drawing,ito nga yun.

Bumaba kami sa hagdan ng tore at nakita ko sa bandang kanan ay mayroong isang kulay pula na gate.

Hmm,yun ang kulungan.

Bumaba ulit kami sa hagdan at may dalawang daan ito.isa sa kanan at isa sa kaliwa.

Lux Solaris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon