"Next time 'wag kang mag suot ng ganyang damit." Bulong niya sa 'kin habang naglalakad kami. Ano bang meron sa damit ko? Nakasando ako na kulay brown at pinatungan ng blazer na kulay brown din at naka high waist shorts na brown din. Wala namang masama sa suot ko. At ano bang pakialam niya sa suot ko?

"Bakit? Ano bang masama sa suot ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw kong nagsusuot ka ng sando tapos nasa labas ka. It's too revealing for me, love." Sabi niya. Tiningnan ko naman ang suot kong sando. Saan ang revealing dito? Natatakpan pa nga ng suot kong blazer.

Magsasalita pa sana ako nang huminto kami sa isang pintuan. Bumukas iyon at sinalubong kami ng isang babae. Medyo matanda na rin siya dahil sa buhok niyang unti-unti ng nagkukulay puti. 

"Good morning, Mr. Sandoval and?" Pagbati ng babae sa amin.

"Abigael Mendez po. Secretary po ni Mr. Sandoval." Pagpapakilala ko. 

"Oh, I thought you are his wife." Sabi ng babae at tumawa kaya tumawa na rin ako. Ang galing niya magbiro. Hindi nakakatawa.

"Can we start the meeting, Mrs. De Guzman?" Biglang sabi ni Harvey.

"Yes, of course. Pasok kayo." Sagot ni Mrs. De Guzman at nilakihan ang pagbukas ng pinto.

Nang nagsimula na ang meeting nila ni Mrs. De Guzman ay inilabas ko naman ang papel at ballpen ko. Ito naman talaga ang trabaho ko rito. Ang isulat lahat ng mga importanteng detalye sa pinag-uusapan nilang dalawa. At nalaman ko na gustong bilhin ni Harvey ang mall na 'to. Laking pasasalamat naman ng ginang sa kanya dahil hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyado rito. Kahit ako ay natutuwa sa ginawa ni Harvey.

Pagkatapos ng meeting ay sabay-sabay kaming lumabas ng opisina. Pinakilala pa si Harvey sa mga empleyado bilang bago nilang amo. Makikita sa mga mukha nila ang tuwa dahil magkakaroon na ulit sila ng trabaho. 

"Maraming salamat, Mr. Sandoval. Dahil sa 'yo ay magkakaroon na ulit ng trabaho ang mga empleyado ko. Ibig sabihin siya ang may-ari ng mall na 'to?

"You're welcome, Mrs. De Guzman. We need to go. Tauhan ko na lang ang bahala rito." Paalam ni Harvey. Ngumiti at tumango naman sa amin si Mrs. De Guzman.

At habang naglalakad kami palabas ng mall ay mayroon siyang kausap sa kanyang selpon. Siguro 'yong tauhan na sinasabi niya kanina kay Mrs. De Guzman. Nang matapos ang tawag ay tiningnan niya ako.

"Gutom ka na ba? Sa restaurant na lang tayo kakain." Sabi niya. Bigla namang may humintong itim na kotse sa harap namin at bumaba roon ang driver namin kanina. Nauna akong pumasok at sumunod naman si Harvey.

Hindi naman kalayuan ang sinasabing restaurant ni Harvey kung saan kami kakain ng umagahan. Medyo kaunti lang din ang tao dahil umaga pa lang naman. Sabay kaming pumasok ni Harvey sa loob at naghanap ng bakanteng upuan. Agad namang may lumapit na isang waiter at binigay sa amin ang listahan nila ng mga pagkain. Hindi pamilyar sa akin ang mga nakasulat doon kaya nahihirapan akong pumili. Wala bang kanin diyan at itlog na lang? Ang aarte naman ng mga pagkain dito.

"That's all, sir?" Napaangat ako ng mukha dahil sa waiter. Teka, hindi pa ako nakapag order!

"Yes." Maikling sagot ni Harvey. Agad namang umalis ang waiter na ipinagtataka ko.

"Teka, hindi pa ako nakapag-order." Sabi ko.

"Ako na ang pumili ng kakainin mo." Sagot niya. Hindi na rin ako nagsalita pa. Tama naman siya. Kasi hindi ko rin alam kung ano itong mga pagkain na narito sa listahan nila.

"Harvey? Is that you?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Lumapit siya sa amin at meron siyang kasamang lalaki.

"Angelica." Kilala ni Harvey ang babae.

"It's nice to see you again, Harvey. Wala akong balita sa 'yo pagkatapos nating maghiwalay noon. What are you doing here in Boracay?" Nakangiting tanong ng babae. Maghiwalay? Ex-girlfriend ba niya si Angelica?

"May inaayos lang akong negosyo rito." Sagot ni Harvey.

"Really? Ang akala ko ay hindi ka na magbabago. It's good to hear that. By the way, this is Ronald, my boyfriend." Pagpapakilala niya sa kasama niyang babae. At pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

"And who's this girl?" Tanong niya kay Harvey.

"She's Abigael. My secretary." Sagot ni Harvey.

"Oh, I thought she's your girlfriend. I'm sorry." Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakaupo at nakikinig sa pinag-uusapan nila. Hindi rin naman sila nagtagal at nagpaalam na rin na umalis. Tiningnan ko lang si Harvey na hinahatid ng tingin ang dalawa. At napaiwas lang ako ng tingin nang dumating na ang inorder na pagkain ni Harvey.




Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Место, где живут истории. Откройте их для себя