CHAPTER 41: Domestication

Start from the beginning
                                    

Agad namang sumunod si DJ.

'Ay Babe,'

Napalingon naman si DJ.

'Anong sabi sayo ni Tita Karla kanina?'

'Ah yun. May Buzz daw ako sa Sunday. Live yun kaya pinapaalalahanan niya ako na dahan dahanin ko daw ang bibig ko.'

'Sinabi ba niya kung tungkol saan?' Nag-aalalang tanong ni Kath.

'Wala naman akong ip-promote ngayon. Baka dahil sa pagbubuntis mo Ba.'

Tumango si Kath at napabuntong hininga.

'Sorry.' She tells him.

'Para saan?'

'For dragging you to everything.' She sighs.

'Kahit englishin mo, naintindihan ko yun.' DJ smiles and caresses her cheek. 'Di mo kasalanan. Ako tong nahirapang magpigil'

'Pero..'

'Shhh...' He puts a finger on her lips. 'Kiss mo na lang ako.'

DJ drags her face to his and kisses her tenderly.

'Mahal na mahal kita Kathryn Bernardo. Tandaan mo yan ha?' He tells her before he kisses her again.

************

Kath just finished blowdrying her hair when DJ steps out from the toilet. Dumiretso sya sa closet nila at kinuha ang pinakakomportableng damit para sa kanya: Cargo shorts and plain white shirt.

'Ba...' Tawag ni DJ kay Kath habang pinapatuyo ang kanyang ulo gamit ang kanyang tuwalya.

'Hmmm?' Lumingon siya kay DJ.

'Pa-plantsa naman o.' Sabi ni DJ habang iniaaro ang puting kamiseta kay Kath.

'Ha?' Naguguluhang tanong ni Kath.

It was the first time that he asked her to iron his shirt. Yun din ang unang beses na magpa-plantsa siya kung saka-sakali. Once a week kasi, pumupunta doon ang isa sa mga maid from their house. Minsan naman, from DJ's house. Sila ang naglilinis doon at naglalaba at nagpplantsa ng mga damit nila.

'Sabi ko, paplantsa nitong t-shirt ko.'

Tumayo si Kath mula sa harap ng dresser at lumapit sa boyfriend.

'E hindi naman gusot.'

'Gusot o. Tingnan mo pa.'

'Amin na nga!' At hinablot ni Kathryn ang tshirt mula sa kamay ni DJ at nagtungo na sa laundry room nila. 'Bahala ka pag nasunog to, Daniel John.'

'Ok na?'

Napatalon mula sa kinatatayuan si Kathryn dahil kay DJ.

'Babe, paki-plug please? Nahihirapan kasi akong yumuko e. Magsi-CR lang din ako. Naiihi kasi ako.' And she smiles at him sweetly.

Inabot ni DJ ang cord ng plantsa at umalis na si Kath.

'Tumatakas ka lang yata Ba e!' Sigaw ni DJ habang hinihintay si Kath sa laundry room.

'Babe!' Sigaw ni Kathryn mula sa CR. 'Babe!'

Napatakbo naman agad si DJ sa konaroroonan ni Kath.

'Ba, buksan mo!' Katok ni DJ sa pinto ng CR. 'Ba!'

'DJ!' Umiiyak na si Kathryn. 'DJ!'

Nagpapanic na sa labas ng CR si DJ habang iniisip kung saan na niya inilagay ang spare keys sa condo.

'Ba, sumagot ka! Anong nangyayari dyan?' Muling katok ni DJ.

Suddenly, he hears a clicking noise at iniluwa na ng pinto si Kath. Namumula na ang mukha sa kaiiyak.

'Babe, I'm bleeding.' Iyak ni Kath. 'Babe, si baby...'

Nanindig ang mga balahibo ni DJ matapos makita ang mga mumunting patak ng dugo sa sahig ng kanilang banyo. Agad nyang niyakap ang kasintahan at kinuha ang cellphone mula sa bulsa.

'Ssshhh..' He hushes her as she sobs in his arm. Ring naman lamang ng ring ang telepono sa clinic ng OB ni Kath. 'Halika na.' DJ holds her waist and carries her, bridal style.

Muli niyang ibinaba si Kath nang mapadaan sila sa laundry room.

'Wait lang Ba. Baka masunog ang bahay natin.' He tries to say calmly though Kath can hear the panic in his voice.

Ini-unplug niya ang plantsa at isinuot ang tshirt na dapat ay ipinapplantsa niya sa girlfriend.

'Babe...' Kath cries again as she burries her face on his shoulder.

'Ssshhhh...' Tinangka niyang i-comfort si Kath pero naguunahan na ang mga daga sa kanyang dibdib.

Maya maya pa'y naramdaman na rin niyang mamasa-masa na ang kanyang pisngi.

************

***AUTHOR'S NOTE***

Happy 25th y'all!

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Where stories live. Discover now