"hey ashley wake up" tinapik tapik ko ang pisngi nya.


"uhmmm.."


demn that moan!


pinasadahan ko ng tingin ang bahay namin sabay balik kay ashley, hmm... sinarado ko ang pinto ng passenger seat at naglakad papasok sa bahay, umakyat ako sa taas para buksan ang pinto ng kwarto ko ng hindi nako mahirapan sa pag pasok ng mangkukulam mamaya. 


pinihit ko ang doorknob at iniwang nakabukas bago ko binalikan si ashley. pero bago ako makarating sa kinalalagyan nya napansin ko si manong guard na rumoronda sa bakuran ng bahay twing gabi.


"ah kuya, pakipark po ng kotse" binigay ko ang susi sakanya,


binuksan ko ang passenger seat at dahan dahang binuhat si ashley, napansin ko naman ang paglapit ng guard sa pwesto namin,


"mam, kailangan nyo po ba ng tulong? ako na po magbubuhat" akmang lalapit pa sya samin kaya sinamaan ko sya ng tingin.


"gusto mong mamatay?" geez..


-----------------------------------------------



"there! wooohhh kapagod!"


nakapamewang ako habang nakatingin kay ashley na tulog na tulog pa din, napakunot ang noo ko ng mapatitig sa mukha nya, di pa ko nakuntento umupo ako sa gilid nya at inilapit ang mukha ko, kamukha nya talaga.. yung hugis ng ilong pati labi pareho din.. napakagat ako sa labi at napailing.. imposible...


tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang pagkawit ng braso nya sa batok ko. nanlaki ang mata ko. oh my god oh my god oh.. my.. god!!


dahan dahan syang nagmulat ng mata sabay smirk that so fucking sexy!


bumaba ang tingin nya at tumigil sa tapat ng labi ko..


oh

my

god..


don't tell me..??!!


tarantang tinaggal ko ang kamay nya na nakapulupot sakin at tumayo.


"what the hell are you doing?!" nahihintakutan na tanong ko, gosh! nakakapanuyo ng.... napatingin ako sa legs nya. nahawi ang slit ng dress nya  kaya malaya kong nakikita ang perpektong hulma ng legs nya.. napalunok ako.


guys tubig!!! kailangan ko ng tubig!


dahan dahan syang bumangon sabay tingin sakin at malanding ngumiti.


humakbang sya palapit sakin kaya naman umatras ako.


"just.."


"just?"


"flirting.."


"flirting?!!" nawindang ako sa flirting nya!


"with you.."

inilang hakbang nya lang ang pagitan namin sabay kabig sakin.

"hmmff.." di nako nakareact. 


she kissed me.. she kissed me again!


----------------------------------------------


"aaahhhhhhhhhh!!!!" ano yun?


"aahhhhhhh!!" damn!


pinatay ko ang shower at nagmamadaling nagsuot ng bathrobe, paglabas ko ng cr nakita ko syang nakatalukbog ng kumot.


"bakit ka sumisigaw? may masakit ba?"


"p-phineas..?" napairap ako ng marinig  ang tawag nya sakin.


"yea?"


dahan dahan nyang binaba ang kumot na nakatakip sa mukha nya at ayun mukha syang aswang.


"i-i thought..." 


nanlaki ang mata ko ng makita syang umiiyak, inilang hakbang ko lang ang pagitan namin saka sya niyakap.


"sshh.. wala naman umaaway sayo bakit ka umiiyak?" pinalo nya ko sa braso pero ramdam ko ang higpit ng yakap nya sakin.


"akala ko kasi inuwi ako ng kung sino.."


ayan, lalasing-lasing takot naman pala maiuwi ng kung sino,


bahagya ko sya inilayo sa katawan ko para makita ang mukha nya, mukha talagang batang aswang to eh, pinunasan ko ang pisngi nya


"para ka kasing hotdog bida bida ka, bakit kaba kasi uminom mag-isa? bakit hindi nalang kila prof warren?"


nagpigil ako ng hinga ng yakapin nya ko, gosh bakit ba ang cute ng ginagawa nya???


"pinagalitan ako ni mom.."


"tsaka... bakit pala basa ka?"


kaya napatingin ako sakanya, napapikit pa sya ng mapatakan ang pisngi nya, argh cuteeee..


"uhh.. ito kasi yung tinatawag na naligo pero hindi tapos, may siraulo kasing sumigaw kanina kaya nataranta ako, husay no?" sarkastikong sagot ko.


sinamaan nya ko ng tingin,


"ikaw ang dahilan noh! nung unang punta ko sa kwarto mo hindi ganto kalinis! tsaka kulay pink nakaraan tapos ngayon apple green! kaya isip ko baka kung sino na ang nag uwi sakin dahi-----" i kissed her, masyadong madaldal, masyado na syang nagiging cute sa paningin ko AT.......








AYOKO NG MAINGAY tss.


---------------------------------------------------

mga besh! sorry hahahahhahaha

Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt