Chapter 56 - Mr. and Mrs. Roswell

2.6M 59K 54.4K
                                    

Chapter 56 [ MHIAMB : Mr. and Mrs. Roswell ]

 

 

Sebastian's PoV

 

"Boul!" Sigaw ko. Pagkaalis ng mga lalaking mukhang bisugo ay sinubukan kong sipain ang duguan at walang malay na si Boulstridge na nakasalampak sa sahig para malaman ang lagay nya, kahit na mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay at paa ko.

"Hoy Boul! Bumangon ka nga dyan!" Kahit na alam kong wala na syang malay. "Boul ano ba! Ang lampa mo talaga. Gusto mo bang patayin ka ni bossing?" Napangiti na lang ako ng mapait dahil para akong tanga sa ginagawa ko.

Tang*na! Halos puno na ng dugo ni Boul ang sahig na kinauupuan ko. "Kalma lang Lerwick." Nilingon ko ang nagsalitang si Lamperouge na parehas ng sitwasyon ko. Nakatali din sya at puro bugbog sa katawan.

Amputs! "Kalma? Alam mo ba sinasabi mo tol?" Nababadtrip na ako sa lintik na tali na to sa kamay ko na kanina ko pa sinusubukang kalagin.

"Woo! Relax. Mamamatay kang panget nyan." G*go talaga to. Mamamatay na kami't lahat-lahat itsura pa din ang inaalala.

-Flashback-

 

Gwapong-gwapo akong bumalik sa pinagparkingan ng mga sasakyan. "Nakuha na ba lahat ng kailangan?" Tanong ni Lamperouge na pasakay na sa motor nya.

 

Ngingisi-ngisi ko namang iwinagayway sa kanya ang flash drive na hawak ko. Ito lang naman ang sinadya namin dito. Utos to ni boss dahil kakailanganin nya daw ang files.

 

Good thing hindi kami nahirapan kunin. Thanks to my handsome face. Ako talaga lucky charm ng Roswells.

 

Pasakay na ako ng kotse nung magsalita si Boul. "Si baby Mik?" Sh*t!

 

"Diba ikaw ang kasama ni Shin?" Binalik ko sa kanya ang tanong pero takte! Nasaan na nga ba kasi si Shin?

 

"Ampotek naman tol! Ikaw ang huling kasama ni baby Mik!" Napatampal na sa noo si Boul.

 

Ako naman ay napahilamos na sa mukha. "Potek ang sabi ko sa'yo kaw na bahala kay Shin dahil sa likod ako dadaan."

 

"Wengya mga tol! Ilang oras nyo ba plano magsisihan?"

 

"Isa ka pa g*go!" Sabay naming sabi sa pakialamerong si Lamperouge.

 

"Whoa! Chill mga dude!" Ngingisi-ngisi pa sya samin. "Ang sinasabi ko lang naman, kaysa magsisihan kayong dalawa. Bakit hindi nalang natin hanapin ang kapatid mo Boul?"

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon