Chapter 3 - Barbie

3.4M 77.1K 77.7K
                                    

Watch the video po sa side. Made by Yana >>>

Chapter 3 - Barbie

**********

Aemie's PoV (Friday 6PM)

Naka-dapa ako sa kama at ano paba, edi nag-se-search, alam nyo namang kailangang paghandaan ko ang meeting.

Pero this time yung tungkol naman sa Roswell Company ang sine-search ko, grabe sikat na sikat pala yun no? Bakit kaya di ko yun alam?

Eh pero wait bakit walang picture si Mr. Ezekiel Roswell? Ano kayang itsura non? Nakaka-tense naman.

Hindi ko mapigilang hindi mapasayaw at mapakanta nung tumunog ang ringtone ko.

I'm a barbie girl, in a barbie world, the life in plastic, it's fantastic. You can brush my hair undress my everywhere--

“Hello!” 

[Moo, aish! Ang tagal mo naman sagutin pinatapos mo nanaman ringtone mo noh?]

"He-he, syempre, bakit ka nga pala napatawag moo?"

[Ahh-ehh, hmm…]

Ohh~ manghihiram na siguro tong baklang to ng damit sa’kin. Hehehe! O baka naman may type na papable sa University at magpapatulong? Hehe. Matanong nga…

Jeisz' PoV

Yow! Nico Jeisz Young here, ako lang naman ang, ehem, "Moo" ni Aemie. And speaking of Aemie, aayain ko sya lumabas bukas. Matawagan nga.

Ring~ring~ring~ring~ring~ring

Aish! Ang tagal naman sagutin

Ring~ri--

[Hello!] yan gusto ko sa kanya eh, hyper lagi haha.

"Moo, aish! Ang tagal mo naman sagutin pinatapos mo nanaman ringtone mo, noh?" Malamang, sya kasi ang number 1 fan ni Barbie, makakita lang yan ng barbie buo na araw nyan. Babaw no?

[He-he syempre, bakit ka nga pala napatawag moo?]

Bakit nga ba ko napatawag? Ang alam ko may sasabihin ako diba? Eh bakit ngayon hindi ko na maalala? Ang alam ko lang gusto ko marinig boses ng taong mahal ko. Oo mahal ko si Aemie, may angal kayo?

"Ahh-ehh, hmm…" Ano ba! Pucha! Bakit ba pag kay Aemie natatanga ako, ang ewan naman kasi ni Aemie ang manhid. Di ba nya nararamdaman na mahal ko sya? Tulungan nyo nga ako readers.

Aemie's PoV

Excited akong ma-confirm kung bakla nga sya hihi matanong nga, siguro may napupusuan na to sa University eh.

"Ahmm moo? May itatanong ako.."

[O? Ano yon moo?]

Eto na, tanungin muna natin kung may crush nga.

"May nagugustuhan ka ba sa University moo?”

[H-ha? Alam mo na?]

"Hehe feeling ko lang, wag ka na magkaila, moo, alam ko na secret mo."

Tama! Alam ko ng bakla ka. Hehe! Ako pa! Talino kong to, mana kaya ako kay mommy. Hehe.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon