Chapter 22 - Business World (Part 2)

3.2M 66.5K 58.6K
                                    

Chapter 22 (MHIAMB : BUSINESS WORLD – Part 2)

  

*** March 9, 2013 ***

Amesyl's PoV (3:00PM)

"Insan kamusta trabaho? May problema ba?" Tanong ko kay Aemie nung nakita kong dumating dito sa bahay nila ng asawa niya.

Pfftt! Para kasing zombie maglakad tapos ang lungkot-lungkot ng mukha. At himalang ang aga niyang umuwi.

"Hi girl!" Bati ni Venice kay Aemie.

"Insan!" Bati din niLouie.

*Poink* "Maka-insan kang bakla ka! Insan mo? Insan mo?" Bulyaw ko kay Louie.

"Huhuhu. Ouch! It hurts, sadista ka talaga momo." Pag-iinarte ni Louie habang nagfe-fake na nasaktan.

Kadiri talaga 'tong baklang Betty Boop na ito. Nandito kasi sa bahay nila Aemie yung kambal ng tadhana eh, nambubulabog.

"AEMIEEEE!" Hiyaw ko kay Aemie pero dire-diretso lang siyang umakyat sa hagdan. Anong nangyari dun? Mukhang hindi pa kami napansin at narinig.

"Hayaan mo na sya momo, ako na lang pansinin mo." Sabi ni Louie saka iniakbay ang kamay sa akin at may pakindat-kindat pang nalalaman. Tsss.

"Tigilan mo nga akong bakla ka!" Sabay alis ko sa braso niyang nakaakbay.

"Gross! You're so eeww twin brother." Maarteng sabi ni Venice.

"Shut up! Palibhasa wala kang lovelife." Sabi ni Louie kaya binato siya ng popcorn ni Venice.

"Aww you’re so mean! Amesyl-girl huwag mong sasagutin yang twin brother ko ok?"

"Sino ba may sabing sasagutin ko yan?"

"bleehh!" Venice.

"Momo naman eh.*pout*" Louie.

"Bigti na twin! Harharhar!" Venice. Parang ewan din 'tong kambal ng tadhanang ito eh.

"Yo?"

 

"Kaizer!" Venice.

Napataas ang kilay ko nung makita kong tumayo sa pagkakasalampak sa sofa at tuwang-tuwa si Venice nung dumating ang isang lalake.

Sino ba ito?

"Sino ka?" Maangas na tanong ni Louie.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon