Chapter 14 - Endearment

3.6M 80.4K 103K
                                    

Chapter 14 (MHIAMB 14 : Endearment)

 

Kaizer's PoV (2:00AM, February 16, 2013)

 

"baka naman dun na sya natulog sa kaibigan nya" sabi ko sabay inom ng beer.

"the fvck!!! I don't need her excuses. I'll go find her". Zeke.

Takte! Pagkasabing-pagkasabi nya nun ay tumayo nadin ako mula sa pagkaka-salampak sa sofa. Alam na alam ko ang takbo na utak ni Ezekiel at sa mga oras na to alam kong galit na sya. Ampotek bakit ba kasi hindi na nagtext si Aemie sa kanya.

Bago kami makalabas ng pinto ay bigla naman tumunog ang cellphone nya.

Nico's PoV (1:45 AM)

(A/N talagang ganyan oras nyan ha? Baka magtaka kayo 2AM yung kay Kaizer)

"ampucha sakit!" daing ko ng nakahawak sa ulo kasabay ng pagbangon mula sa pagkakahiga. Tek na yan! Tama ba namang magising dahil sa sakit ng ulo. Pag minamalas ka nga naman oh!

Tatayo sana ko nung mapatingin ako sa gawing kanan ko at nakita si moo na nakahiga at tulog na tulog. Hinawi ko pa ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ni moo. Kasunod non ay naalala ko ang nangyari kahapon ng tanghali.

Flashback :

 

Pagkapasok namin dito sa private room ng opisina ni Roswell ay nag-sindi sya ng sigarilyo. Hindi ko pa alam kung anong unang itatanong ko, kaya halos nakaka-kalahati na sya ng sigarilyo nya bago sya nagsalita.

 

"what the hell do you want?" mahinahong tanong nya.

 

"may gusto lang sana kong linawin" Si Roswell naman ay tumalikod lang sa akin, nakaharap sa sobrang laking bintana na gawa sa glass, doon kitang-kita ang buong city. Aish! -__- oo aaminin ko para syang hari na nakatanaw sa nasasakupan nya sa ichura nya ngayon. Pero gwapo ako! Wala ng kokontra.

 

"spill it"

 

"mahal mo ba si moo??" hindi ko alam kung bakit tinatanong ko sa kanya to. Para na nga akong gago eh. Masyado kasing imposible na minahal nya si moo, hindi ko naman sinasabing mahirap mahalin si moo, alam nyo naman kasi takbo ng utak ni moo diba? Idagdag mo pa estado sa buhay nitong si Roswell. Kaso pucha lang! Bigla nalang syang susulpot sa buhay ni moo? Tapos kasal agad? Lintik lang diba?

 

"...."

 

Ilang minuto ko din inantay kung magsasalita sya pero hindi tch!

 

"hindi mo ba sasagutin tanong ko?" asar na tanong ko. Hindi man lang kasi sya nagsasalita. Nakatalikod pa din sya at nakapamulsa.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon