Chapter 36 - Milka Shinize Boulstridge (Shin)

3.8M 66.3K 98.7K
                                    

Chapter 36  (MHIAMB : Milka Shinize Boulstridge)

 

 

-At Young’s Residence-

 

 

Vash’s PoV

 

Madaming tao ang dumalo sa burol ni Young. Halos lahat puro nagmula sa mayayamang angkan. Ano bang nakakapagtaka, eh galing naman talaga si Young sa mayamang pamilya. Ang kaso lang, hindi lahat ng bagay natutumbasan ng pera. Tsk.

Iyakan at usapan ang maririnig sa buong paligid, at ang kay Mam Aemie ang pinaka-malakas. Pfft.

“Huwaaaaa mooooo! Ano ba kasing nangyari sa’yo? Wala ka namang sakit di ba? Sabi ko naman kasi sa’yo mag-exercise ka araw-araw eh huhuhuhuhu” she mourned, habang patuloy lang sa pagpapatahan sa kanya si Mam Alyana. How can she be so relaxed kung sya mismo dahilan kung bakit namatay si Young.

Aish! Minsan hindi ko maisip na gagawin ko din yang mga ganyan. Yung papatay ng mga taong mahalaga sa mga mahal ko sa buhay. Tsss. That’s insane for pete’s sake.

 

Nag-iwas ako ng tingin nung tumingin ito sa’ken. Takte!

“Problema Boul?” usisa nitong mokong na si Seb.

“Psssh wala” pag mamaang-maangan ko.

Hindi na ito muli nagsalita, pero alam ko na naghihinala na sila. Sumulyap ako sa direksyon ni Boss na tahimik lang na nakatanaw kay Mam Aemie. Tangina! Ano gagawin ko? Alangan sabihin ko sa kanila ang totoo? Tssss. Iniiwas ko na lang ang tingin ko at nanatiling tahimik.

 

Tumingin kaming lahat kay Boss nung tumayo ito at lumapit kay Mam Aemie.

Hinawakan nito ang kamay ni Mam Aemie. “Let’s go” he said, kaya maging kami ay nagsitayuan na sa mga kinauupuan namin.

 

*sniff* “mamaya na ako dong, sa bahay muna ni mommy muna ko matutulog” sambit ni Mam Aemie sa pagitan ng iyak. A-ano bang iniisip nito ni Mam Aemie. Bakit hindi pa sya umuwi? Takte naman!

 

“No—“

 

“I can take good care of my daughter, Roswell” putol ni Mam Alyana kay boss na magsasalita pa sana, kaya wala itong nagawa. Hayy.

“I’m sorry. Okay then” paalam ni boss. Muli syang tumingin kay Mam Aemie bago tuluyang umalis. Kasunod nun ay sumunod na din si Lamperouge, Lerwick, at Lee. Lumingon muna ako sa gawi nila Mam Alyana na sana hindi ko na lang ginawa. Tangina. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang galit sa nakatalikod na si boss at saka ibinaling sa akin ang tingin na may pagbabanta.

Tumungo na lang ako ng bahagya upang hindi ito makahalata at saka tuluyang umalis.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon