🏵Chapter 31🏵

Start from the beginning
                                    

"Who won?" Tanong kaagad ni Luna at Violet dahil tatlong grupo na nga ang nandito.

"The usual. The unbeatable pair." Sagot naman ni Avis.

Grabe kung maka-unbeatable pair di ba?

"Oh, well... It was already expected." Saad naman ni Luna.

"It would be shocking if its you Avis who won the task." Nakaismid naman na saad ni Violet.

Napailing naman si Avis. "You are really underestimating me Violet." Saad na lang nito.

Lumabas na rin si Clad mula sa kagubatan. But he just look cool at parang walang task na ginawa pero dala-dala naman nito ang gem at ang kasama nito na paranv takot pa ata rito. I wonder why, hindi naman nakakatakot si Clad, he is actually a very nice person.

Dumating din yung iba pero usually mga walang dala dahil hindi nila nakayanan lusutan ang mga traps. Understandable naman dahil talagang mahirap yung mga traps, sinuwerte lang kami ni Yuan. No scratch it, talagang magaling lang si Yuan at akong mapalad na nakapartner niya.

Nandito na nga ang lahat. Pati sina Fevelyn ay nakikinood din. Mukhang tapos na ang mga ito sa paghahanda para sa tanghalian.

"As what the instruction, the first group who will return the base with the gems will be the winner. And the winner is Prince Yuan and Ms. Sylveria!" Deklara nito sa lahat. Nagpalakpakan naman ang lahat pero si Luna yamot na yamot ito sa kapartner niya pero hindi naman nito inaaway, halatang halata lang sa aura nito. "And the consequence for the losing teams, you will be the one who will wash the dishes and makes the dinner tonight!" Saad ulit nito.

There were grunts of disapproval pero walang nagtangkang magreklamo dahil si Prof Claw ito. Baka mas lalong lumala lang ang consequence.

Pumanhik na kami sa dinning table at kumain na kami. Now, the food is laing na gabi, which is one of my favorite but others were almost puking dahil hindi sila sanay sa pagkain o kaya naman ayaw lang talaga nila. It was good, dahil may gata ito tsaka may option pa para spicy.

Katabi ko si Yuan and he is putting some rice on my plate. Yung totoo, nacoconscious ako dahil yung mga mata nilang lahat nakatingin sa amin at nagtataka pa ang mga ito kung bakit inaasikaso ako ni Yuan.

I was pretending like, I did not noticed the stares. Kahit yung totoo eh gusto ko ng lumubog at magpalamon sa lupa. Kahit sina Luna ay kakaiba ang tingin na binibigay sa amin and she smirked when I caught her looking at me. I even rolled my eyes.

"Ako na." Saad ko na lang kay Yuan dahil nakakahiya na. Kami na lang ang pinagtiitinginan rito.

Hindi naman ito nagpumilit dahil naintindihan naman ako nito. Hindi naman ito bobo para hindi mapansin na kami na lang ang pinagtitiginan rito.

Natapos na kaming kumain at tsaka oras na nga para maghugas ng pinggan. Nagpaalam naman ako kay Yuan na sasama ako kay Luna. Pinayagan naman ako nito pero bago pa kami naghiwalay ay hinalikan niya ako sa noo. Namula naman ako dahil nakita kami ni Luna at yung mukha ni Luna halos tumirik na ang mata sa kilig. Dumating naman si Yuki na nakataas pa talaga ang kilay sa akin at yung mukha niya parang sinasabing explain yourself now! look.

Naglakad kami ni Luna at Yuki dahil tapos na ang mga ito sa kanilang mga parte. Dinala lang naman ako ng mga ito sa kagubatan para walang ibang istorbo.

"I saw that." Agad na saad ni Luna.

"I know you did." Sagot ko naman.

"Anong you saw it?" She asked Luna and then she directed her stare towards me. "Ano ba talaga nangyari, bakit asikasong asikaso ni Prince Yuan sayo?" Nagtatakang tanong ni Yuki sa akin.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now