Ramdam kong pinisil niya ang kamay ko. "Oo, nag-aalala ako sa'yo... sobra," mahinang sagot niya.

Pakiramdam ko tumigil ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya tapos biglang bumilis agad. Parang tumigil siya para bumwelo sa mas malupit, mas malakas at mas mabilis na pagtibok.

What the hell am I saying?!

Tumikhim ako bago muling magsalita. "Wow, ang sarap naman pakinggan non," pabirong saad ko.

"Himala na nagsasalita ka ng Filipino ngayon," pabiro ring tugon niya dahilan para magsalubong ang kilay ko.

Tsk. Nako-conscious ako sa kaniya at ayaw kong sinisita niya ako o binibiro kaya pinipilit kong huwag magsalita gamit ang English. Pero ayos na rin naman, para masanay na ulit ako sa paggamit ng Filipino.

"Leeam, may gusto akong sabihin sa'yo," saad niya na pumutol sa iniisip ko kaya agad akong napatingin sa mga mata niya.

"Ano 'yon?"

Tinitigan niya ako mabuti, lalo na sa mga mata ko. Naiilang na nga ako sa ginagawa niya at iiwas na sana ako ng tingin pero bigla siyang nagsalita. "Leeam... I'm sorry,"

Naguluhan ako sa sinabi niya. 'Yon na ba ang gusto niyang sabihin sa akin? Para saan naman ang 'sorry' na 'yon? Wala naman akong matandaang may nagawa siyang mali sa akin. Ngayon na nga lang ulit kami nagkita, e. Ngayon lang rin naman kami ulit nagka-usap. Ano bang sinasabi niya?

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora