Nang sumapit ang katanghalian at pagkatapos kong kumain ay lumabas si Harvey ng office niya kaya napatingin ako sa kanya.

"You can go home now and pack your things, love. Naghihintay ang driver mo sa labas para ihatid ka." Sabi niya.

"Hindi na kailangan pang ihatid ako. Kaya ko naman umuwi mag-isa." Sagot ko.

"Don't be stubborn, love. Mas magiging panatag ako kapag ihahatid ka." Sabi niya. Halata sa mukha niya ang pagod. Ikaw ba naman panay ang alis, ewan ko lang kung hindi ka mapapagod. Hindi na ako nakipag bangayan pa sa kanya. Agad ko ng inayos ang mga gamit ko at tumayo na.

"You forgot something, love." Napatingin ako sa kanya. Ano ba ang nakalimutan ko?

"Where's my kiss?" Tanong njya at tumayo. Agad siyang lumapit sa kinatatayuan ko at mabilis akong hinalikan sa labi na ikinagulat ko. Bigla ko siyang tinulak palayo sa akin.

"Uwi na ako." Paalam ko at mabilis na lumabas ng office niya. Pagpasok ko aa elevator ay parang ramdam ko pa rin ang labi niya sa labi ko. Saglit lang 'yon ngunit ang lakas nang epekto sa akin.

"Ma'am Abigael, sakay na po kayo." Hindi ko namalayan na nasa labas na ako at nasa harap ko na ang driver na maghahatid sa akin sa bahay. Pinagbuksan niya ako sa back seat kaya agad na akong sumakay.

At pagdating ko sa bahay nadatnan ko si tita na abala sa kusina. Napahinto siya sa kanyang ginagawa nang makita niya ako.

"Abby, tanghali pa lang ay umuwi ka na?" Nagtatakang tanong niya. 

"Si Harvey po kasi, tita, isasama niya raw po ako sa Boracay at isang linggo raw po kami roon. Sagot ko.

"Boracay? Ano naman ang gagawin niyo roon?" Tanong niya.

"Meron po siyang titingnan na bagong negosyo roon, tita. At isasama niya ako bilang personal assistant niya raw po." Pagpapaliwanag ko.

"Mag-ingat ka roon, Abby. Baka kung ano na naman ang gawin niya sa 'yo." Nag-aalalang sabi niya.

"Opo, tita." Sagot ko. Pagkatapos namin mag-usap ni tita ay pumunta na ako sa kwarto upang ayusin ang mga dadalhin kong gamit. Kaunti lang naman ang dala kong mga damit. Sakto lang para sa isang linggo namin doon. Ilang minuto lang ay tapos na ako sa pag-aayos ng mga dadalhin ko. Agad kong dinala iyon sa sala upang doon na hintayin ang susundo sa akin mamaya.

"Kapag may ginawa siya sa 'yo roon ay tumawag ka agad kay Jarenze." Sabi ni tita.

"Opo, tita. Huwag po kayong mag-alala at hindi ko hahayaan na may gawin na naman sa akin si Harvey." Sagot ko.

Halos isang oras din ang hinintay ko bago dumating ang sumundo sa akin. Ngunit laking gulat ko nang pumasok ako sa loob ng kotse ay naroon na si Harvey. Nakaupo siya at nakatingin sa akin habang inaayos ko ang paglagay ng mga gamit ko sa likod.

Nang matapos ay pinagbuksan ako ng driver sa back seat kung saan naroon si Harvey. Agad na akong pumasok at inayos ang seat belt ko.

Habang bumabyahe ay nakakaramdam ako ng antok ngunit pinipigilan kong pumikit dahil gusto kong makita ang tanawin na dinadaanan namin papunta sa airport. Sa katulad ko na minsan lang lumabas at gumala ay talagang gusto kong sulitin ang bawat lugar na napupuntahan ko.

Ilang oras din ang naging byahe namin bago nakarating sa airport. Para akong bata na namamangha sa mga naglalakihang mga eroplano. Ganito pala kalaki ang mga 'to kapag sa malapitan.

Nang lumabas kami ng sasakyan ay napatingin ako sa dalawang lalaki na naka-itim din. Kinuha nila ang mga gamit namin at hindi ko alam kung saan nila dadalhin ang mga 'yon.

"Let's go." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming naglalakad at minsan ay hinahabol ko pa siya dahil ang bilis niyang maglakad. Nang makapasok kami sa loob ng airport ay pinagtitinginan pa kami ng ibang tao dahil sa dami ng mga tauhan ni Harvtna nakasunod sa likod namin. Para tuloy kaming may-ari ng airport. Yumuko na lang ako habang naka sunod kay Harvey.

May binigay naman si Harvey na mga papel sa isang tauhan niya at pagkatapos ay umupo kami sa mga bakanteng upuan na naroon. Ilang minuto rin ang hinintay namin at may lumapit kay Harvey na isang lalaki at may pinag-uusapan sila. Maya-maya lang ay tumayo na si Harvey kaya tumayo na rin ako. Naunang naglakad ang lumapit sa amin kanina na lalaki at sumunod si Harvey habang hawak ang kamay ko. Napansin ko rin na iba ang dinadaanan namin kay sa dinadaanan ng karamihan.

At habang naglalakad kami ay tanaw ko ang isang eroplano. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa laki. Ngunit napahinto ako sa paglalakad nang nalaman ko na roon pala kami sasakay. Ito ang kauna unahan kong pagsakay sa eroplano kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Why?" Takang tanong ni Harvey nang huminto kami sa paglalakad.

"F-first time ko kasing sumakay ng eroplano. Kinakabahan ako." Pag-amin ko. Napatingin naman ako sa kamay namin na magka-hawak. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Don't worry, okay? I'm here." Sagot niya at hinalikan ako sa noo. Inalalayan niya ako sa pag-akyat sa hagdan papasok ng eroplano. At sa may pinto pa lang ay may sumalubong sa amin na isang babae na sa tingin ko ay stewardess.

"Good day, ma'am and sir." Pagbati niya sa amin kaya ngumiti ako sa kanya.

Kaunti lang ang upuan sa loob at naghanap pa ako ng pwede kong upuan. Gusto kong umupo malapit sa bintana ngunit natatakot ako.

"You will seat here beside me." Sabi ni Harvey. Nakaupo na siya sa bandang bintana at pinapaupo niya ako sa tabi niya. Ayaw ko sana sa tabi niya ngunit natatakot akong mag-isa.

Umupo ako sa tabi niya ngunit hindi ko alam kung paano aayusin ang seat belt ko. At nagulat ako nang lumapit ang mukha ni Harvey sa akin at agad na inayos ang seat belt ko.

"Are you alright? You can sleep if you want." Nag-aalalang sabi niya. Nang maramdaman ko na ang tumatakbo na ang sinasakyan naming eroplano ay agad akong pumikit. Naramdaman ko pa ang kamay ni Harvey na hinawakan ang aking kamay.


Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora