Stephen: Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga. Hindi ako nag-iisip, nauuna ang galit sorry na talaga sa aking nagawa, tanggap ko na mali ako wag sana magtampo, sorry na. Sorry na wag kang madadala, alam kong medyo nahihirapan ka, na ibigin ang isang katulad kong parang timang na paulit-ulit kang hindi sadyang sinasaktan, Sorry na. Saan ka pupunta? Please naman, wag kang mawawala. Kapag ako ay iwan mo, mamamatay ako, pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko. Mahal kita, sobrang mahal kita. Wala na akong pwedeng sabihin pang iba kundi sorry talaga, di ko sinasadya, talagang sobrang mahal kita wag kang mawawala, sorry na. Ate ko, sorry na po talaga. Please? Sorry na ate ko. Hindi ko po sinasadya yung mga sinabi ko, wag ka na magalit please ate?

Krish: sino ba to?

I tried to pretend I don't know him. Ang sakit naman kasi nung sinabi niya sakin the last time we talked.

Stephen: Ate ko, ako to. Sorry na. Wag ka na po magalit sakin. Si Stephen to, best friend mo. Ate kausapin mo naman ako.

Krish: Sorry, wala po akong best friend na Stephen na sasabihan ako ng masasakit na salita, at nakakapikon pa ako. Baka wrong number ka po. Bye.

I hanged up the phone. 

But I can't stand it. Hindi ko siya kayang tiisin. The whole week na hindi ko siya kinausap, pinilit ko lang na tiisin siya. Pero hindi ko talaga kaya. Kaya lang, para hindi naman masyadong nakakababa ng pride ko, hinintay ko siyang siya ang maunang mag-sorry.

I'm waiting for him to call again. 30 seconds, 1 minute, 2 minutes.. He didn't call back.

Kinabahan na ako.

So I called him back.

Stephen: Hello?

Krish: Hello. *I said softly*

Stephen: Ano???

Krish: Kuya...

Stephen: Ano, bababaan mo ako tapos ngayon lalambing lambing ka ng boses dyan. Ano bang gusto mo? 

Krish: Ang sungit mo naman.

Stephen: Ikaw naman kasi ate....

Krish: Sige na po, kung ayaw mo ako kausap, ibababa ko na lang ulit..

Stephen: Hindi po, gusto kitang kausap. Ate, wag ka na po magalit sakin? Please? Mahal na mahal kita ate. Pasensya ka na kung pinatagal ko pa ng isang linggo. Ate hirap akong makatulog. Alam ko nasaktan kita sa mga sinabi ko. Binabawi ko na yun ate ko. Please wag mo po ako iiwan.

Krish: Sige na nga. Alam mo namang hindi kita kayang tiisin e.

Stephen: Ate, promise babawi ako sayo.

Ganun ako kalambot pagdating sa kanya. Hirap akong tiisin siya. Kaya isang sorry lang, nakukuha na niya ako agad. Hindi ko kayang pahirapan siya na magsorry sakin. Ewan ko. Matapang ako pagdating sa ibang tao, pero pagdating sa kanya, mahina ako.

___

STEPHEN'S  POINT OF VIEW


Ang hirap humingi ng sorry sa ate ko. Minsan ko na siyang nasaktan noon. Isang beses ko lang siyang kinantahan ng Sorry na ,  at ito ang pangalawang beses. Alam kong tanga ako nung sinabi ko sa kanya ang mga katagang iyon. She was the best best friend ever. Pinalamig ko na lang muna yung sitwasyon, bago ako mag-sorry. Hindi ko kayang mawala yung best friend ko sakin. But she hanged up the phone.

Ang sakit, kasi nag-effort na nga akong kantahan at gitarahan siya sa telepono, binabaan pa niya ako. Bahala siyang tumawag ngayon. 

phone ringing...


O ano, tatawag tawag ka ulit ngayon? Matapos mo akong babaan?

Ok. Pero ang sarap sa pakiramdam na hindi niya pa rin ako ma-let go.

Stephen: Hello?

Krish: Hello. *I said softly*

Stephen: Ano???

Krish: Kuya...

Stephen: Ano, bababaan mo ako tapos ngayon lalambing lambing ka ng boses dyan. Ano bang gusto mo? 

Krish: Ang sungit mo naman.

Stephen: Ikaw naman kasi ate....

Krish: Sige na po, kung ayaw mo ako kausap, ibababa ko na lang ulit..

Stephen: Hindi po, gusto kitang kausap. Ate, wag ka na po magalit sakin? Please? Mahal na mahal kita ate. Pasensya ka na kung pinatagal ko pa ng isang linggo. Ate hirap akong makatulog. Alam ko nasaktan kita sa mga sinabi ko. Binabawi ko na yun ate ko. Please wag mo po ako iiwan.

Krish: Sige na nga. Alam mo namang hindi kita kayang tiisin e.

Stephen: Ate, promise babawi ako sayo.

When i said na babawi ako sa kanya, I mean it. She's been my best friend for 6 long years. And I wouldn't throw it all away. Kinakain ko na lahat ng sinabi ko sa kanya nung huling gabing nagkausap kami. Napikon lang talaga ako na minsan, hirap siyang umintindi. Pakiramdam kasi niya, kulang ako sa effort sa kanya. E kung alam lang niyang siya lang ang pinagtutuunan ko ng pansin. Kaso sabagay, ang hirap nga namang ipaintindi sa kanya ang mga bagay bagay lalo na at magkalayo kami. Kaya nga sana, magkita na kami ulit eh. At pag nagkita kami, hindi ko na siya hahayaan pang malayo sakin.

Excited ako sa debut niya. Kasi ako ang pinili niyang escort. Isang karangalan para sakin na maging kapareha niya sa gabing pinakahihintay niya. Magiging isa na siyang ganap na dalaga. I can't wait to see her on her birthday gown. Malamang, prinsesang prinsesa siya sa gabing yun. And I would make her a queen. Iyon ang gabing lahat ng plano ko, at lahat ng pangako ko sa kanya, tutuparin ko. I will make her the happiest girl in the world. And I hope, the she'll make me the happiest guy in the world too.

___

END OF CHAPTER

STATUS: Friendzoned [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon