I cleared the browsing history then turned the computer off.

I need to find him. He's up to something.

Pero bakit ang sama ng kutob ko na may tinatago sya?

May tinatago rin pala ako. Pero that's out of pure curiosity.

Liliko na sana ako sa may hagdan nang may marinig akong boses ng dalawang babae.

"Yun daw ang sabi nya."

"Paano naman natin gagawin yun?"

"Yun nga eh. Akala ba nya madali lang ang pinapagawa nya? Eh halos mamatay na ako sa babaeng yun kahapon."

"Wala. We just have to think of something. We aren't part of Silent Killers for nothing."

Matapos nun ay narinig ko ang tunog ng mga takong nila na unti-unting nawawala.

Sinong tinutukoy nila? Anong gagawin nila?

Ay shit si Zeb nga pala!

Binalewala ko na lang ang narinig ko kanina at tumuloy na sa paghahanap kay Zeb. Baka nagpaplano lang sila para sa laban nila mamaya.

**

Wala. Hindi ko sya nakita. Kanina pa nag Simula na ng klase namin pero wala pa rin sya. Asan na kaya yun?

*KRIIIIIIING*

"Okay you may have your lunch." Sabi ng teacher namin kaya lumabas na kami papunta sa cafeteria.

As usual ay nagtilian na naman ang mga babae. Parang hindi mga gangster eh noh?

"Ay! Guys nood pala tayo ng laban mamaya." -Keith

"Yung sa Fallen Angels at Silent Killers?" -Axel

"Malamang. Yun lang naman ang laban ngayon." -Keith

"Ha? Diba marami yun?" -Axel

"Nope. Nag back out yung ibang gang fights dahil gusto rin nila mapanood yung laban." -Keith.

"Mukhang mapupuno ang arena mamaya." -Axel

**

3:00 pm pa lang ay umalis na kami. Nasuspend ang klase ng lahat. Sa school nanggaling ang suspension.

Dahil yata sa laban mamaya.

Pero hindi alam ng iba na iyon ang dahilan. Ang akala nila ay faculty meeting na naman.

Umuwi na kami sa bahay at nagbihis na ng mga maskara namin. Hindi pang masquerade.

Pangtakip lang sa kalahati ng mukha namin.

Kita ang labi at ilong namin. Ang mga mask namin ay may halong black at isang kulay na gusto namin.

Ang akin ay may red at black. Lahat ng mga buhok namin ay magulo. May suot kaming black shirt, Black leather jacket at itim na pantalon.

Ang mga leather jacket namin ay may logo ng gang namin na nakatapat sa right chest namin.

Naka black na combat boots kami dahil ang terrain ng arena ay muddy.

May mga terrain sa gangster world, may muddy, mayroong may snow, may buhangin, gubat at iba pa.

Hindi ko alam kung paano nila nagawa yung sa snow pero wala na akong pakialam dun.

Nagkita-kita na kami sa labas at kinuha ang kotse na ginagamit namin kapag lalabas kami as the Seven Deadly Sins.

May mga codename kami.
Ako si Furor, representing anger.

Gehenna University: School of GangstersWhere stories live. Discover now