"Okay na po, ma'am. Saan po ba ang punta mo?" Tanong niya.

"Saan po rito ang HR office niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Sa fifteenth floor po ang HR office, ma'am. Gumamit na lang po kayo ng elevator." Sabi niya at tinuro ang elevator.

"Sige, salamat po." Sagot ko.

"Walang ano man po, ma'am." Sabi ng guard. Agad na akong naglakad papunta sa elevator na itinuro ng security guard na nakausap ko.

Marami akong kasabay na nag-aabang din sa elevator. At nang bumukas iyon ay may lumabas na apat na babae roon. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila. .

"Akala ko ba hiring sila? Tapos sinabihan lang tayo na bawal na raw." Naiinis na sabi ng isang babae sa mga kasama niya. Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na lang ako sa elevator. Paano kung pauwiin din ako? Wala na akong pera pauwi!

Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto ng elevator at nakita ko roon ang fifteenth floor kaya lumabas na ako kasabay ng iba na lumabas rin. Agad kong hinanap kung saang pinto ang nakalagay na HR office. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.

"Good morning po, ma'am." Batii ko sa isang medyo matanda ng babae.

"Good morning din. Ikaw ba si Abigael Mendez?" Taong niya. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ngayon pa lang naman ako nakapunta rito.

"O-opo, ma'am. Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.

"S-sinabi k-kasi ni…Kyle. O-oo, tama ni Kyle." Sagot niya at ngumiti sa akin. 

"Ganon po ba. Sinabi na po pala ni Kyle sa inyo." Nahihiya kong sabi.

"Ah, oo. Kanina ka pa hinihintay ng CEO, Miss Abigael." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ako hinihintay ng CEO? Hindi ba dapat siya ang kakausap sa akin muna?.

"Po? CEO po ba ang magi-interview sa 'kin?" Tanong ko.

"Yes, Miss Abigael. Siya ang mag i-interview sa 'yo. Tara na at ihahatid kita sa office niya." Seryoso talaga siya. Baka nga CEO talaga kasi secretary niya ako e. Siguro nga ganon sila rito. Para mas lalo akong makilala pa ng amo ko. Sumunod ako sa kanya palabas ng kanyang office. Ang akala ko ay sasakay pa kamu ulit ng elevator ngunit naglakad kang kami hanggang sa makarating sa dulo kung saan may isang pinto roon.

"Ikaw na ang kumatok ng pinto, Miss Abigael. Maiwan na kita rito." Sabi niya at iniwan nga ako rito sa harap ng pinuan ng CEO.

Nag-aalinlangan pa ako kung kakatok ba ako. Baka kasi abala pa ang magiging amo ko at nakaka-istorbo ako sa kanya. Mahina kong kinatok ang pinto. Ilang saglit lang ay may narinig akong sigaw mula sa loob.

"Come in." Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Nagsisimula ng bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at may nakita akong isang lalaki na nakatayo at nakatalikod habang nakatingin sa may glass wall. Bakit parang pamilyar ang likod niya? Nakita ko na ba siya dati?

"G-good morning po, sir." Pagbati ko sa kanya kahit nakatalikod siya sa akin. Mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko kaya huminga muna ako nang malalim. 

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon