Chapter Seven : The Sorceress

4 1 0
                                    

Pagpasok nila sa puting kwarto, lumabas ang isang matandang lalaki.

"You're just in time."

"Master Riyu," bulong ni Teo. Si Master Riyu ang nagtraining sa mga malalakas at panglaban na mga Eiyū. Kabilang sa mga naturuan ni Riyu ang Papa ni Teo.

"May anim na cubicle sa kwartong ito. Ang training room ay nakadisenyo para mag-adapt sa mga abilities ng bawat magtretraining dito."

Bumukas ang mga pinto ng cubicle. Sinenyasan sila ni Master Riyu na pumasok na sa loob. Bukod doon ay wala na silang narinig pa mula dito.

Pumasok ang bawat isa sa kanya kanyang cubicle. Wala ni isa sa kanila ang may ideya kung ano ang gagawin nila.

Puting puti ang loob ng kwarto. Di mo maiisip kung may hangganan ba ito.




Naglakad lakad si Mica sa loob at unti unting nagiiba ang paligid n'ya. May sumusulpot na mga malalaking puno, mga halaman, may maririnig kang lagaslas ng tubig, mga ibon. Nasa gitna s'ya ng isang kagubatan.

Nanginginig si Mica sa takot, dahil di pa s'ya nakakapunta sa ganitong klaseng lugar. Takot s'ya na baka may mabangis na hayop s'yang makasalamuha.

Kumuha ng isang sanga si Mica, nagbabakasakaling maililigtas s'ya nito kung may lalabas man na mabangis na hayop.

Nagsimulang maglakad si Mica papunta sa ilog. Sinundan n'ya ang tunog ng lagaslas ng tubig. Uhaw na uhaw na s'ya.

Nang makarating s'ya sa tabi ng ilog, agad s'yang sumalok gamit ang dalawang kamay at uminom. Malinaw ang tubig. Kita ang mga bato sa ilalim. May mangilan ngilang isdang maliliit ang lumalangoy. Nagsilayuan ang mga ito ng dumampi ang mga kamay n'ya sa tubig. Malamig. Naghilamos s'ya para mapawi ang init na dulot ng tirik na tirik na araw.

Napatingin s'ya sa suot na relo. Hindi pa ito gumagalaw. Pero halos isang araw na ang ginugugol n'ya sa loob ng gubat.

Naka amoy si Mica ng usok. Napatingin s'ya sa itaas ng mga puno sa kabilang ibayo ng ilog. Doon. Doon nanggagaling ang usok. Naisip ni Mica na baka may tao. Hinanda n'ya ang sanga ng puno na dala dala n'ya.

Lumusong si Mica sa ilog. Hanggang baywang ang lalim nito. Mabato, kaya dahan dahan s'yang lumakad. Madulas at malumot.

Nakarating s'ya sa kabilang parte ng kagubatan. Sinundan n'ya ang pinanggagalingan ng usok.

Nakaramdam s'ya ng pagkalam ng sikmura. Napahinto s'ya sa isang mababang puno na puno ng maliliit na prutas na pula. Pumitas s'ya ng ilan. Sinuri n'ya ang punong kahoy at ang bunga at inamoy.

Kumalam muli ang sikmura n'ya. Napahawak s'ya sa t'yan n'ya at pikit matang sinubo ang bungang hawak. Hindi n'ya na inisip kung may lason ba ang bunga. Naisip n'ya lang na di n'ya na kayang maglakad pa at nanghihina na ang mga tuhod n'ya.

Nagbukas s'ya ng mata ng malasahang masarap ang bungang pinitas n'ya. Maasim asim ito na matamis. Pumitas pa s'yang muli at nanginginig na sinubo isa isa ang prutas. Halos maubos n'ya ang laman ng puno.

Pagkapahinga, naglakad na ulit si Mica. Mga ilang metro lamang ay natanaw n'ya na ang pinanggagalingan ng usok. Isa 'tong bahay. Gawa sa kahoy. Pero mapupuna mong pulido ang pagkakagawa. Maganda ang pang labas na anyo. Nakaka-akit. Mukang rest house. Dahan dahan s'yang naglakad palapit dito. Narinig n'ya ang tunog ng pagpihit ng busol. Napatago s'ya sa likod ng isang puno. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa sanga ng punong hinanda n'ya kung sakali mang kailanganin n'ya ng pang opensa.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Feb 06, 2018 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Heroes of ArramDove le storie prendono vita. Scoprilo ora