Chapter Two : Castle on Top of a Hill

10 2 0
                                    


Kira's POV

Sinalubong ako ng tumatakbong si Mica.

"Kira!", napatigil sa pagsigaw si Mica ng mapansin na nasa tapat kami ng library. Sabi ko kasi sa kan'ya dito kami magkita pag natapos s'ya sa inuutos sa kanya ng professor namin sa bio bago kami umuwi. 5pm na ng nakabalik si Mica, kaya halos wala ng tao sa school, bukod sa mga staffs at ilang estudyante na nag-aaral pa sa Library. Nainip na ko kaya naman lumabas na ako ng library. "Lumabas na yung announcement tungkol sa Acquaintance Party!", excited pero pabulong  na sabi  n'ya sakin sabay abot ng isang invitation ;

Welcome Students of  Central High!
To welcome the Academic Year of 2017
We are pleased to invite you to our Annual Acquaintance Party
on September 15, Friday
that will be held at the Central High Gymnasium.
The party will start exactly at 8:00 PM
Come and join us the fun filled party together with your friends and date.

******

"Find a mask and wear it well
So your true identity
No one can tell"

"OMG! It's a masquerade party!", excited na sabi ni Mica.

Doon sa isang part napako ang mga tingin ko— ...friends and date. "Friends and d-date?"

Napahinto si Mica sa pag de-day dream. "Oh shit! Oo nga noh?!", bulalas n'ya, "Pero I don't think it's mandatory. Let us just hope it's not."

"Yep. Let's hope," at sana nga hindi talaga dahil wala pa naman akong kilalang mga lalaki dito sa school. Isang linggo palang ako dito sa school at si Mica palang ang close friend ko.

Palabas na kami ni Mica sa gate papunta sa lugar kung saan iniiwan ang mga bike ng...

"Tabi!", sigaw ng isang pamilyar na boses hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ni Mica.

Lumingon ako ng makitang may isang mabilis na lalaki ang papunta sa direksyon ko. Di ako nakagalaw. Isang malakas na impact ang tumama sa'kin —dahilan para matumba ako at mapahiga sa daan. Buti nalang at may backpack akong suot at hindi tumama ang likod ko sa sahig. Tumapon ang mga hawak kong libro. Nag angat ako ng tingin at nakita ang isang pamilyar na mukha. Mamula mula ang buhok. Ang tirintas n'ya sa gilid ay sumayad sa aking mga pisngi. Naitukod n'ya ang kanang braso sa sahig. Ang kaliwang braso n'ya naman ay pinigilan ang pag tama ng skateboard sa aking mukha. Ilang segundo kami sa ganoong posisyon. Umiwas ako ng tingin dahil parang nakakatunaw ang mga titig n'ya. Nakita kong may palapit na lalaki sa'min at inilahad ang kamay sa kanya. Nilapitan naman ako ni Mica para tulungan ding tumayo.

"Teo, are you ok?", pag-aalala ng lalaki.

"Do I look like ok? Haharang harang kase sa daan eh."

Napapailing nalang ang lalaki na humarap sa direksyon namin habang hinahawi ang buhok. "Miss, ok ka lang ba?", tanong n'ya sa'kin. Hindi pa ako nakakasagot ng ulit s'yang nagsalita, "Here, let me help you with these books." Isa isa n'yang kinuha ang mga libro ko na nagkalat sa daan. Napahinto s'ya ng kaunti ng damputin ang invitation ng acquaintance party na parang binabasa. Inabot n'ya kay Mica ang mga libro ko.

"Carl, kailangan natin silang dalhin sa clinic. Kailangang linisan ang mga sugat nila," pag-aalok ni Mica. "Nasa clinic pa naman siguro si Mommy."

"Mommy?", nagtataka kong tanong kay Mica.

"Oh! Right! Di ko pala nasabi na ang School Physician ay ang Mommy ko.", pagkla-klaro ni Mica. "Let's go?"

Heroes of ArramWhere stories live. Discover now