Chapter Six : Amarte

1 0 0
                                    

"Akira, gising!", inuuga ni Mica si Akira para magising.

"Haaay... Bahala kayo. Mauuna na ko sa room bago pa man ako ma-late. Bye!", umirap at umalis na si Ava papunta sa unang subject nila.

Nagbukas ang mga mapupungay na mata ni Akira. Dumiretso ang tingin n'ya sa orasang nasa dingding.

"Oh! Shit!" Dali daling nagpunta ng banyo si Akira. Limang minuto lang ay natapos na itong maligo at nagmadaling magbihis. Napanganga na lamang si Mica sa mga ikinilos ni Akira. Habang nagsusuot ng sapatos ay may subo subo itong tinapay.

"Tara?", yaya ni Akira kay Mica.

"Grabe Akira! 8 minutes mo lahat nagawa 'yon? Dinaig mo pa si Carl."

Nagsuklay lamang ng buhok si Akira habang naglalakad patungo sa unang subject nila. Dalawang minuto nalang ay male-late na sila.

Nang makarating sila noong hapon galing sa mga bahay nila, dinala na sila sa bawat kwarto nila sa dormitory. Dalawang kwarto lamang ang na-assign sa kanila kaya magkakasama ang tatlong lalaki, at magkasama naman sila Mica, Akira at Ava. Double deck ang mga kwarto na malapad ang higaan sa ibaba. Pinili ni Avah ang itaas na kama. Magkatabi si Mica at Akira sa ibaba. Hindi nakatulog ng maayos si Akira. Dinalaw lamang s'ya ng antok dalawang oras bago nagising si Mica.

"Inaantok pa ko, anong subject pala natin?", panay ang hijab ni Akira.

"History," sagot ni Mica habang tinitignan ang schedules nila.

Nakarating sila sa silid nila ilang segundo bago magsimula ang kanilang subject. Hindi nagtagal dumating na si Hana, ang magtuturo sa kanila ng History.

"Good morning guys," bati sa kanila nito. "Everybody sit down." Hindi pa nakakaupo sila Akira ng dumating si Hana. Ang bakanteng upuan ay ang nasa tabi ni Yuri at ni Teo lamang. Nauna ng umupo si Mica sa tabi ni Yuri. Tinignan ni Akira ang mga kaklase at nakitang masama ang tingin ni Ava. Wala naman akong magagawa, yun lang ang bakante. Bakit ba kasi ang daming umaaligid sa lalaking 'to. Ilang man si Akira, wala s'yang nagawa kung hindi umupo sa tabi ni Teo.

"Ok. Now that you're all settled down, let's start." Malumanay ang pagsasalita ni Hana pero may diin. Mahinhin si Hana kung titignan, pero halata sa kanya na sanay s'ya sa ginagawa at dahil s'ya ang pinuno ng grupo nila di maikakaila na may otoridad sa bawat kilos at salita n'ya.

Sinulat ni Hana ang apat na pangkat sa white board. Wala dito ang Kyōjin.

"Alam kong alam n'yo na kung ano ang sinulat ko," turo ni Hana sa mga sinulat sa white board.

"Royal Blood, sila ang dahilan kaya nageexist tayong mga Eiyū. Para maprotektahan ang kaisa-isa nilang bloodline, nagsagawa ng pagsusuri ang mga piling scientist ng bansa para gumawa ng makapangyarihang mga tao, at ang resulta ay ang mga Eiyū. Ang tanong, mula kanino natin kailangang protektahan ang mga royal blood?"

Tahimik lamang na nakikinig ang anim. Napaisip si Akira dahil ang alam n'ya ay mga Kyōjin lamang ang gustong kumuha ng trono. Pero naisip n'yang hindi naman mageexist ang Kyōjin kung hindi dahil sa Eiyū.

"They are the Yamans. They live in Naraka, an abyss in the mountains of Shinto. They are called Yamans because they worship Yama, the God of Death."

Nangilabot ang katawan ng anim dahil sa narinig. Nung nabanggit ang God of Death, parang may kakaibang kuryente ang dumaloy kay Akira, tumayo ang mga balahibo n'ya sa braso.

"Why are they after the royals?", tanong ni Ava.

"Because Amartes put Yama into deep sleep and only a descendant of Amarte can lift it." si Yuri ang sumagot habang may sinusulat sa kanyang notebook at hindi nagtataas ng tingin. Napatingin ang lahat kay Yuri. Tumingin s'ya sa mga kasamahan n'ya, "What? I did my research." Umiling s'ya at nagpatuloy sa ginagawa.

Ang mga Amarte ay ang mga ninuno ng mga royals. Sila ang mga unang taong namuno sa bansa ng Ebrea —ang bansa kung nasaan ang Arram.

"He's right. But not just only a descendant, but a descendant who can manipulate light," dagdag ni Hana. "To complete the ritual, they need to bend the light from the moon and form something like this," may dinrawing si Hana sa white board. "And only an Amarte can bend light. The light that will open once again the nightmare our ancestors fought. We don't want to live in abyss. Never again."

"Pero, wala na sa mga royals ang kayang mag-manipula ng liwanag." Si Mica naman ang sumali sa diskusyon.

"Not unless..." Tumingin si Teo kay Akira. Napatingin ang lahat sa gawi nila.

"What do you mean?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ava. Si Teo, Mica at Carl palang ang nakaka alam na isang dugong bughaw ang kasama nila, bukod kay Hana. Napako ang matatalim na tingin ni Yuri kay Akira at hininto ang ginagawa.

"Akira is the daughter of the lost Lady Arra." Si Hana na ang sumagot sa tanong ni Ava. Tumaas ang kilay ni Ava. Di n'ya inaasahan ang mga naririnig. Maging si Yuri, nakuha ang atensyon ng diskusyon sa klase.

"But we don't know," nagpatuloy si Hana sa pagsasalita. "Queen Victoria was the last known descendant of Amarte who possesses the ability of light manipulation. Akira, on the other hand, manipulates darkness."

"Wait...," may naalala si Hana, tumingin ito kay Akira bago nagsalita. "You are the grand daughter of Queen Victoria, so ibig sabihin may possibility, kase lumalabas ang traits ng Amarte every third generations. Pero imposible, kasi darkness ang kaya mong i-manipulate. Muka namang walang special abilities si Rian, your cousin."

"May nakikita akong kakaibang kay Rian," si Teo ang nagsalita. "Pero di ako sigurado kung Amarte's trait or not. May kakaiba akong nararamdaman sa kanila ng Governor."

"Actually, CISU knows his secret too. Di lang namin sinasabi sa iba, after all he's still the Governor. Hindi manghihimasok ang Unit sa buhay n'ya, unless may gawin s'yang labag sa batas ng mga Eiyū." Natahimik ng ilang segundo ang silid.

"Just don't keep your guards down. Always be alert. And trust your instincts.", pagpapa-alala ni Hana sa anim.

"Anyway, we still need to take extra precautions. Hindi lamang ang mga Kyōjin ang after sa'tin. Tomorow, you will start your personal trainings. Binago ng council ang schedules n'yo, because you will start your field works after your training with Master Riyu."

Heroes of ArramWhere stories live. Discover now