Chapter Three : Dark Encounter

4 2 0
                                    

Akira's POV

Nagising ako dahil sa malagkit na dumampi sa'king pisngi. Dumilat ako at muli pa akong dinilaan ng isang pusa. Gray at makapal ang mga balahibo nito. Tumalon ito mula sa kama at lumabas ng kwarto.

Nilibot ko ang aking tingin sa hindi pamilyar na kwarto. Malambot at malaki ang kama. May mga puting maninipis na kurtina na nililipad ng hangin. Tumatagos ang sinag ng araw sa bintana na nagdudulot ng liwanag at init sa loob ng kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama.

Pilit kong inaalala kung paano ako napunta dito. Ang huli kong natatandaan ay hinila ako ni Mama pababa ng hagdan. Tinignan ko ang sugat sa kaliwa kong braso ng ma-alalang nagdugo ito ng higpitan ni Mama ang hawak n'ya sa'kin. Kinapa ko ang kaliwa kong braso. Bago na ang bandage nito. Wala ng mga dugo.

Tumayo ako palapit sa isang malaking salamin. Pinihit ko ang aking katawan para tignan ang balikat ko. Ang marka ko sa likod, apat na ang tuldok na ito. Pinuntahan ko ang isang malaking cabinet para tumingin ng damit. May isang bistida dito.

Nagpasya akong maligo muna bago ako lumabas ng kwarto. Tinanggal ko ang bandage at naghubad na ng damit. Pumasok ako sa banyo. Binuksan ko ang shower. Nagising ng tuluyan ang aking diwa ng tumama sa balat ko ang malamig na tubig. Narinig ko ang pag bukas ng pinto. Siguro si Mama na 'yon. "Mama?", sigaw ko pero hindi s'ya sumagot. Maya maya ay narinig kong kumatok s'ya sa pintuan. "Ma, wait lang po, naliligo lang po ako." Hindi pa din s'ya nagsasalita kaya inisip ko na baka 'di n'ya lang ako naririnig. Madali kong tinapos ang paliligo.

"Hala. Wala pala akong dalang tuwalya," bulong ko sa sarili ko. Ini-awang ko ang pinto ng banyo at nagtago sa likod ng pinto, "Ma! Paabot naman po ng tuwalya. Nakalimutan ko po magdala." Di pa rin sumasagot si Mama pero inabot n'ya ang tuwalya mula sa awang ng pintuan. Nagtuyo muna ako ng katawan at saka nagtapis bago lumabas ng banyo.

Nanlaki pareho ang mata namin ng magtama ang mga tingin namin sa isa't isa.

"Teo! Ano bang ginagawa mo dito?!" Hinila ko ang kumot ko sa kama para takpan ang katawan ko.

"Ah... Ano... Kasi, pinapatawag ka na sa'kin ni Haring Arthur," nauutal na sabi ni Teo at nagiwas ng tingin.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Maya maya pa ay may narinig kaming papalapit na yapak. "Sige, mauuna na ko. Sumunod ka na agad. Dalian mo." Matigas na sabi ni Teo at nagbalik na naman ang kasungitan n'ya.

"Ang tagal mo naman Teo. Pinasunod na ko dito ni Tita Arra para sunduin kayo. Gising na ba si Kira?" Boses ni Mica ang narinig ko. Hindi ko narinig na sumagot si Teo.

Binuksan ni Mica ang pinto ng kwarto ko at nagulat sa nakita. Nakatapis pa din ako ng tuwalya at ng kumot dahil baka bumalik pa si Teo.

"Galing ba dito si Teo?" Bati sa'kin ni Mica.

"Oo." Tinanggal ko na ang kumot at nagpunta sa cabinet para kuhanin ang bistidang susuotin ko.

"Kaya pala..." Humalinghing si Mica. "Ayusin ko na muna yang sugat mo. Lagyan naten ng bagong bandage para di maimpeksyon."

Inabot ko kay Mica yung mga gamit sa lamesa at umupo kami sa gilid ng kama.

"Nasaan ba tayo Mica?" Kanina ko pa gustong malaman kung nasaan ako.

"Nasa palasyo tayo," saka s'ya ngumiti sa'kin.

"Bakit tayo nandito?" Napahinto s'ya sa tanong ko.

"Hmmm. Dito nakatira ang mga Royals. 'Di pa ba nasasabi sa'yo ng Mama mo na apo ka ni Haring Arthur? Lolo mo s'ya Kira. Isa kang dugong bughaw." Pagpapaliwanag ni Mica habang nilalagyan ng bandage ang sugat ko.

Heroes of ArramWhere stories live. Discover now