"Sabi ko naman sa 'yo na kaya ko ng umuwi mag-isa." Sabi ko nang nakasakay na ako sa kotse niya.

"Mas safe kung ihahatid kita sa inyo." Sagot niya at pinaandar na ang kotse niya. Hindi na lang ako sumagot pa. Wala na rin namang saysay dahil narito na ako sa loob ng kotse niya.

"So, do you have a work?" Tanong niya habang nagba-byahe kami pauwi.

"Wala. Kasasarado nga lang ng hotel na pinagtatrabahuhan ko kahapon." Walang gana kong sagot. Kapag naiisip ko ang nangyari kahapon ay nakokonsensya ako. Dahil ako ang dahilan nang lahat.

"Ganon ba? Gusto mo ba ng trabaho?" Napatingin ako bigla sa kanya. Sino ba naman ang tatanggi kapag inalok ng trabaho 'di ba? Siguro 'yong tamad mag trabaho ay tatanggi. Pero sa katulad ko na uhaw na uhaw sa trabaho ay ay hinding hindi ko tatanggihan 'yan.

"Oo naman. Pwede mo ba akong tulungan?" Tanong ko sa kanya.

"Sure! Meron akong kaibigan na naghahanap ng bagong secretary." Nakangiti niyang sagot. Agad namang nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niyang trabaho. Waitress at taga linis ng hotel room lang ang experience ko sa trabaho tapos secretary ang ino-offer niyang trabaho sa akin?

"W-wala na bang mas mababang position? Baka kasi hindi ko kaya maging secretary." Sabi ko. Hindi naman sa ayaw kong maging secretary pero baka hindi ko kaya 'yong gano'n kataas na job position.

"Wala na e. Alam ko kaya mo 'yan. Ikaw pa ba?" Sagot niya. Hindi ko alam kung kaya ko ang ganoong trabaho. Pero hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.

"Sige. Kailan ba ang hiring nila?" Tanong ko. Agad namang sumilay ang ngiti niya sa naging tanong ko.

"Tomorrow morning." Mabilis niyang sagot.

"Sige, pupunta ako bukas. Bigay mo na lang s 'akin ang address ng company." Sabi ko. May kinuha siya sa kanyang bulsa na isang maliit na card.

"Here." Sabi niya inabot sa akin iyon. Naroon ang pangalan at address ng kompanya na sinasabi niya.

Halos kalahating oras din ang ibinyahe namin bago makarating sa bahay.
"Salamat, Kyle." Sabi ko.

"Wala 'yon. Huwag mo ng uulitin 'yon." Sagot niya. Tumango lang ako at lumabas na ng kotse niya. Kumaway muna siya sa akin bago pinaharurot ang kotse niya.

Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko si tita na nagluluto ng paborito kong sinigang na bangus. Wala na rin si Jarenze sa bahay. Siguro ay pumasok na sa trabaho niya. 

"Ang bango naman niyan, tita." Sabi ko. Nang makita niya ako ay agad niyang inwan ang niluluto niya at naglakad papunta sa akin at bigla akong niyakap.

"Nako, ikaw na bata ka pinag-alala mo ako nang sobra." Sabi niya at pinalo pa ako sa braso na ikinatawa ko.

"Tita, buhay pa naman po ako. Tingnan mo nayakap mo pa nga po ako e." Pagbibiro ko.

"Kahit na. Huwag mo ng ulitin 'yon at baka ako ang unang mamamatay sa ginagawa mong bata ka. Gutom ka na ba? Nagluto ako ng paborito mong sinigang na bangus." Sabi niya at bumalik sa pagluluto.

"Tamang tama po, tita, gutom na po ako." Nakangiti kong sagot at umupo na. Agad niyang inilapag ang niluto niyang sinigang na bangus at ang kanin.

"Kulang sa sahog 'yan pero tama naman sa asim." Pagbibiro niya na ikinatawa ko. Agad na akong nagsandok ng kanin at pagkatapos ay nagsandok ng sabaw ng sinigang.

Unang subo ko pa lang ay agad nang bumaliktad ang sikmura ko. Napahawak ako sa aking bibig at pilit na huwag ipahalata kay tita ngunit hindi ko talaga kaya. Kailangan kong iluwa ang kinain ko. Bakit ganito? Dati naman paborito ko ang sinigang na bangus ngunit ngayon ay hindi ko na nagugustuhan ang lasa.

"Okay ka lang ba, Abby?" Nag-aalalang tanong sa 'kin ni tita.

Dali-dali akong pumunta sa lababo at doon sumuka. Ganito ba talaga kapag buntis? Nag-iiba ang pang lasa ng kinakain? Naramdaman ko ang kamay ni tita na hinahagod ang likod ko.

"Tapatin mo nga ako, Abby.  Buntis ka ba?" Seryosong tanong ni tita. Nakayuko lang ako habang kaharap siya. Natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo. Natatakot ako sa maaari niyang sabihin sa akin. Na isa akong disgrasyadang babae. Kaladkarin. Ayokong marinig iyon sa kanya.

"T-tita, sorry po." Umiiyak kong sabi. Ngunit nagulat ako nang niyakap niya ako.

"Tama na, huwag ka ng umiyak. Makakasama 'yan sa apo ko." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Wala akong nakikitang galit sa mga mata niya.

"H-hindi ka po ba g-galit?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Bakit naman ako magagalit? Masaya nga ako dahil magkakaroon na ako ng  apo." Napangiti ako sa sinabi niya. Tanggap niya ang baby ko. Wala akong narinig na mga masasakit na salita mula sa kanya.

"Sorry po, tita." Sabi ko at niyakap siya. Mali lahat nang hinala ko.

"Tama na, okay? Palalakihin natin 'yang anak mo." Nakangiti niyang sabi at hinawakan pa ang tiyan ko.

"Salamat, tita." Nakangiti kong sabi.

"Pero sino ba ang ama niyan?" Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. Siguro nga ito na ang tamang panahon upang sabihin na kay tita ang totoo.

"Tita....i-isa po siyang M-mafia." Sagot ko.

"Mafia? Ano iyon?" Tanong niya.

"Tita, masama siya. I-isa siyang criminal." Sabi ko.

"Diyos ko!" Tanging nasabi ni tita at napatakip sa kanyang bibig.

"Tita, ayaw ko pong ipaalam sa kanya na buntis ako. Hindi ako paoayag na isang mamamatay tao ang ama ng anak ko." Umiiyak kong sabi. Tumango lang si tita at nagsimula na ring umiyak.

"Tama na ang iyak, Abby. Nakakasama 'yan sa anak mo." Pagpapatahan sa akin ni tita. Inalalayan niya ako na umupo muli. Ngunit inalis niya ang pinggan ko at pinalitan ng panibago.

At habang kumakain kami ni tita ay roon ko ikinuwento lahat nang nangyari sa akin nang mawala ako. Na isang mafia ang dumukot sa akin. Sinabi ko na rin na nagsampa ako ng kaso laban kay Harvey ngunit mabagal ang usad ng kaso dahil walang matibay na ebidensiya dahil sa pagkabura ng cctv record kung saan ako dinukot.


Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now