TM 17

21 1 0
                                    

The Marriage
Knotmissing

17

Mycaella's Point of view


Get down. Get down. And move it all around. Yeah, get down. Get down and move it all around yeah.

Pumailanlang sa Cr ang kanta ng backstreet boys. Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag.

"Hey, KD." malat ang boses ko dahil sa kakaiyak. Sana naman hindi niya iyon mapansin.

"Yo. Kamusta ka?"

Lumunok ako. "Uhh- okay lang. Okay lang naman ako, bakit mo natanong?"

"Sure ka ba? Bakit parang malat ang boses mo?"

Anlakas naman nitong makapansin.

"Nagkakanta kasi ako kanina tapos sinabayan ko naman ng inom ng cold water kaya ayon. Minalat."

Ang galing ko palang magsinungaling. Sa wakas, nagkatalent na rin ako. Thank you kay Andrex! Insert sarcasm there. Umirap ako.

"Ahh. Ganun ba? Pupunta ako diyan—"

"Yeah, babye na. May klase na ako e. See you later." I ended the call.

Mahirap na, malakas ang pakiramdam non e.

Inayos ko muna ang mukha ko. Naghilamos rin ako para mawala ang pamamaga ng mata ko.

I hope lang na hindi mapansin ni Jordina ang mga mata ko. Isa pa rin yun e, kalalakas makiramdam. Siya lang sadya ang manhid.

Nalukot na rin ang uniform ko pero keri na.

Paglabas ko ng Cr e nakasalubong ko si Melody. Yung tingin niyang mapang uyam. Nginitian niya pa ako, friends na ba kami?

"May problema ka ba Melody?" Hindi ko mapigilang magtanong.

Nilakihan niya pa lalo ang ngiti niya. "Wala akong problema, baka ikaw meron.." with that, she smirks, and left me.

Nasundan ko na lamang siya ng tingin.

Napigilan ang sana'y paglalakad ko paiba ng direksyon ng magsalita ulit siya.

"One thing lang Mycaella, Andrex will never ever laid his eyes on you, tingnan mo tuloy ang nangyari sa pag iilusyon mo, nasaktan ka. Ako na ang magsosorry sa ginawa ng boyfriend ko kanina.. sorry ha." she smirks again.

So all this time nasa loob siya ng gym? Akala ko ba players lang ang pwede don?

Napangiti ako ng hilaw. Girlfriend nga pala niya si Melody.

Okay, I get it.

I now know my place.

Muli na namang bumukal ang luha sa aking mata.

"OY, ayos ka lang ba?"

Napakurap akong maigi pagkarinig ng boses ni Jordina. Kahit maingay na masyado sa cafeteria rinig na rinig ko pa rin ang boses niya..

"Huh?"

"May nangyari ba sayong hindi ko alam? Kahapon lang ang saya saya mo e.."

"Maraming pwedeng magbago sa loob ng isang araw lang.." katulad ng demonyitong 'yon.

-_-

"Ay hugot of the day mo ba 'yan?"

"Kumain ka na nga lang Jordina."

Binuksan ko ang monde sa tray ko.

"Seryoso lang hindi ka kakain? Lunch na ha." Ani Jordina saka sumubo na ng kanin.

The MarriageHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin