TM 8

24 1 0
                                    

The Marriage
Knotmissing

8

Mycaella's Point of view


Nadatnan ko sa komedor si Sean na abala sa pag- aayos ng mga plato sa lamesa. Si Andrex na nakatalikod sa akin, nakaharap siya sa kalan dahil nagluluto ng kung ano. Feeling chef si demonyito.

"Magandang umaga sa inyo!" Nagulat silang pareho sa pagsigaw ko. Muntik pang matumba si Andrex na nakapagpahagikhik sa akin. Ang gwapo niya pa, lalo na sa apron niyang suot na may print na barney sa gitna.

"The fvck, Mycaella Mitchelle." Nagkagatla ang noo niya sa pagsaway sa akin. Napasimangot ako. "Nag-go-good morning lang e."

Nakita ko si Sean. Nginitian ko siya.

"Goodmorning Sean."

"Tss." Sinimangutan lang ako? Manang mana talaga sa kapatid. Walang utang na loob, inalo na nga siya kagabi e. Nagkanda-ngarap ngarap pa ako na nahalikan ako ng kuya niya tapos hindi naman pala. Kakaiyamot!

"Kain na." si demonyitong Andrex sinimangutan rin ako.

"E bakit dalawa lang ang pinggan?"

"Maglagay ka ng sayo." Magkapanabay nilang sagot. Akmang uupo na ako matapos kong makakuha ng pinggan Ko nang tumunog ang doorbell.

"Open the gate." Nagsandok ako ng kanin. Deadma si demonyito.

Manigas kang Andrex ka diyan. Hmmp. Tumigil siya sa pagsubo at hinarap ako.

"I said open the gate." Tiningnan ko siya. Matiim niya akong tinitigan.

"Ay, ako ba ang inuutusan mo?" Tinuro ko pa ang sarili ko. Nakatanga naman si Sean sa sagutan namin ng kuya niyang abno.

"And who the else you think?"

"Ikaw. Akala ko inuutusan mo sarili mo e."

"Tss.." Tumayo ako at inirapan siya. Nakakainis.

Nakakainis talaga ang abnong demonyitong 'yun. Pdarag akong naglakad, rinig na rinig sa kabahayan ang paglagapak ng paa ko sa sahig.

"Stomp your feet, hindi naman ako ang masasaktan."

Nilingon ko si demonyitong abno saka inirapan. He chuckled. Abno talaga.

I open the gate and found KDingot standing there.


OMG si KD. Naka khaki shorts, white t-shirts at fliplops lang siya. Ang fresh niyang tingnan infairness.

"Goodmorning, sweety."

"Sweety mo mukha mo." Iginiya ko siya papasok ng bahay.

"Ang ganda mo naman sweety"

"Bola pa KDingot." Ngumiti siya.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah."

"Tss. Oo na.." Nadatnan namin na masinsinang nag uusap ang magkapatid. Hmm..

"Hey, bro." Umabante si KD at makikipag apir sana kay Andrex na naka kunot ang noo pero di natuloy.

"What are you doing here Kier Drake?" Madilim ang mukhang tanong nito. Problema neto?

"Whooa.. easy bro. Nag promise kasi ako kay sweety na babalik ako rito ngayong umaga e."

Pumiraso pa siya ng tinapay sa lamesa bago tumingin sa direksiyon ko. Baliw na PG pa.

Nakita ko kung pano kumuyom ang palad ni Andrex.

"And when does my WIFE'S name become sweety, huh bastard?"

The MarriageWhere stories live. Discover now