TM 10

19 1 0
                                    

The Marriage
Knotmissing

10

Mycaella's Point of view



"Oy, Myca malapit nang mag time. Di ka pa ba papasok sa loob?"

Napaangat ang tingin ko kay Brylle, kaklase ko sa isang major subject na first class ko pala ngayon. Lumingon ako kaliwa't kanan pero wala na halos akong matanaw na mga estudyante.

Hinarap ko siya. "Uhh, wala pa ba si Jordina?" Tumingin ako sa wristwatch ko. Mag e- eight thirty na.

"Wala pa nga e. Di ba siya nagpasabi sayo na a- absent siya?" Tanong niya na nakapagpakunot ng noo ko. Late na si Jordeng! Kuu, kainis ang babaitang yon.

"Huh? Wala kasi akong natatanggap na text mula sa kanya." Tumango lang siya at umupo pa sa tabi ko. Nilapag niya ang dala niyang libro sa tabi lang ng libro ko.

"Ha?"

Parang nabasa niya bigla ang pag 'huh' ko. "Intayin na lang natin pareho si Jorge. Okay lang sakin kung male- late ako."

Napatango ako ng mabagal. Aba! Parang may tinatago ata sakin si Jordina ha. Bakit concern na concern itong si Brylle?

Sinulyapan ko si Brylle. Nahuli kong nakatingin din siya. Tumawa ako ng awkward. Ngumiti naman siya. He tapped the table maybe to ease the boredom.

Well, gwapo din naman si Brylle. Kasama kaya 'to sa varsity ng school. Matangkad rin syempre, basketball player e. Sure rin naman ako na may panlaban siyang katawan. Ang nakakapagtaka lang, anong koneksiyon niya kay Jordina diba? At may palayaw pa siya kay best, Jorge daw? Hmmm.

Tumunog ang cellphone ko kaya naman naputol ang katahimikang bumabalot sa amin.

"Uhh, malapit na daw siya. Traffic daw kasi e. Luka luka talaga."

Tumikhim siya at tumango.

Nang matanaw kong tumatakbo na palapit ang babaita e nilikom ko na ang mga gamit ko. Pero kinuha ni Brylle ang tatlong libro kong dala. Napatanga ako.

Ngumiti siya ng hilaw. "Uhh, ako na. Pareho lang naman ang klase natin e."

"U- uhh.. sige.."

"BESTIEEEEEEEE!"

Hingal na hingal na lumapit sakin si Jordina. "May dapat kang sabihin sakin laturr!" Kinurot ko ang tagiliran niya bago siya hinila papunta sa first class namin.

Ramdam ko namang nakasunod rin si Brylle sa amin. Napakibit balikat na lamang ako.

MAINGAY ang classroom namin ng pumasok kami. Patay!

Si Mam Chupenco pala ang prof namin ngayon. Shit!

Napatungo kaming tatlo ng lapatan niya kami ng matarak niyang mata.

"The three of you, why are you all late?" pati ako e nanginig dahil sa boses niya.

"I know Mr. Devian have a reasonable side, he's a varsity afterall," sabi ni Ma'am na tinutukoy si Brylle sa likod.

Tinitigan niya kami ni Jordina, lalo kaming tumungo.

"But the two of you, Ms. Meledes and you Ms. Adams, kaapelyido mo pa naman si Mr. Andrex na kilala sa buong school, what are your reasons?"

Naumid ang dila ko. Yeah, magmula ng ikasal kami gamit gamit ko na ang apelyido ni Andrex. Wala namang nakakapansin kasi hindi naman ako sikat sa school na 'to. Ordinaryong estudyante lang ako na nakaagaw sa atensiyon ng bully na si Melody. In terms of my last surname, Reyes, hindi ko alam kung paanong napalitan nina Tita Dorice ang papers ko sa school.

The MarriageWhere stories live. Discover now