TM 13

22 1 0
                                    

The Marriage
Knotmissing

13

Mycaella's Point of view

"True best?"

Tumango ako. Sabay pa kaming umirit ni Jordina.

"Hahaha. Buti nga sa Melonditang 'yon. Ikaw na siguro ang gusto ni Andrex. Gosh!"

Ngumiti lang ako pero kinikilig pa rin. Mahirap umasa e pero choosy pa ba ako e si Andrex Pierre Adams na ang nagsabi na susunduin niya daw ako.

"Wohooo! Gosh! Di ako makamove on kanina."

Umirit na naman kami ni Jordina.

Hanggang sa mag-uwian na.

"Hey best. Balitaan mo 'ko bukas ha?"

"Yes naman. Yie, kinikilig na naman ako." Tinanguan niya ako saka kami nagbeso. Nauna na siyang lumabas, sa front gate pati ang daan niya e ako sa back gate.

I understand naman na pinapangalagaan ni Andrex ang image niya sa school. Thats how it used to be. At natutuwa naman ako na nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin.

Naglalakad na ako palabas ng tumunog ang cellphone ko. Si Kier Drake, nagtext.

KDingot

+++

Susunduin kita.

+++

I texted him.

+++

No need. Isasabay ako ni Andrex :)

+++

KDingot

+++

Okay. Saan kayo magkikita? I know the status of the two of you in school.

+++

++

Sa back gate.

++

Itinabi ko na ang cellphone ko. Nakarating rin ako sa backgate. Tumayo ako roo at inintay ang sedan ni Andrex na pumarada.

Pangiti ngiti pa ako kasi first time ko makakasakay sa sasakyan niya. Maybe this is the time na matatanggap na niya ako.. na ako na ang asawa niya. Impokrita ako kung hindi ko aamining gusto ko rin na mahalin niya ako pabalik.. pero may oras naman siguro doon. Si Lord na ang bahala.

Tumingin ako sa wristwatch ko. Mag aalas- singko na pala ng hapon. Siguro nagpapractice pa siya?

Waka na rin akong makita na mga estudyante sa loob ng campus.

Inilabas ko ang cellphone ko at baka may mensahe galing sa kanya kaso naalala ko, wala nga pala siyang numero ko.

Pero meron kang number niya diba?

Alangan naman na ako ang unang magtext diba? Nakakahiya naman.

Nangangalay na ang binti ko sa kakatayo. Magsi- six na wala pa ring Andrex? Nagsimula na akong malungkot.

Baka naman may emergency di'ba? Hayys, yaan na. May next time pa naman siguro.

Laglag ang balikat na naglakad na ako palabas. May tumigil na sasakyan sa tabi ko, agad na umaliwalas ang mukha ko, nilingin ko ang sasakyan, only to know na si Kier Drake yon.

Bumaba ang salamin niyon at sumilip si KD. Pinilit kong ngumiti.

"Uyy, KD. Si Andrex kasi nagtext, may dumating daw na emergency. Hehehe. Okay lang naman sakin, magta- taxi na lang ako pauwi.."

The MarriageWhere stories live. Discover now