TM 5

30 1 0
                                    

The Marriage
Knotmissing

5

Mycaella's Point of view


Hayys.

Umasa na naman ako. Malungkot kong nilingon si KD. "Asan si Andrex?"

Tumigil si KD sa pag-akyat sa hagdan. "Umalis kanina."

"May kasama ba siya?" Sana wala. Sana wala. Sana wala. Crossfinger.

Antagal bago sumagot si KD. "W-wala."

Napahinga ako ng maluwag. Salamat naman. Hayyyss..

"Fix your self. We'll go somewhere."

Sumunod ako sa kanya. "Saan naman tayo pupunta?" Humarap siya sa akin.

"Somewhere nga di'ba?" Napasimangot ako sa kapilosopohan niya.

"Tss. Magpinsan nga kayo ng demonyitong 'yon." Umuna na ako sa kanya paakyat. Manigas siya. Di ako lalabas sa kwarto ko. Gumala siyang mag-isa niya.

Tuloy tuloy lang ako sa pag-akyat.

"Ibahin mo 'ko sa pinsan ko. Hindi kita papaiyakin Yca, poprotektahan kita..."

Lumingon ako. "May sinasabi ka ba?"

"Tsss. Wala." Napaikot ang mata ko wala daw e bumubuka ang bibig niya kanina.

Ano Myca? May mata ka ba likod ng ulo mo? Sundot ng inner goddess ko. Tss. Epal 'to.

"Can you atleast move a little bit faster?" Nakakunot ang noong mando sa akin ni KD.

Aba! Ang bossy mo ikaw na nga may kailangan sa akin. Napapalatak ako.

"Eto na nga oh. Binibilisan na. Kundangan kasi pinag heels mo pa ako."

Napangisi siya sa itsura ko. Naka black tank top with blazer at white jeans na sira sira plus the heels.

"Wag mo nga akong nginingisian, baliw ka." Nakaingos kong utas. Inalalayan niya ako pababa sa kotse niya. Hmmm.. gentleman naman pala si kups e.

Ang plano kong hindi siya labasin kanina sa bahay ay naunsyami. Tumawag sa landline si Daddy kaya napilitan akong bumaba. Etong si baliw KD (BALIW kasi ngisi siya ng ngisi) kinulit ako ng kinulit. May strawberry daw sa pupuntahan namin, kaya ayon sumama ako. Strawberry is life kaya.

"Ako baliw? Sa gwapo kong 'to baliw lang sa paningin mo? Wow naman."

Namumula ang pisngi niya habang nagpapaliwanag. So, asarin muna natin Myca.

"Wow, gwapo? Asan ang gwapo? Asan? Asan?" Lumingon lingon pa ako sa likuran, tabihan at gilid niya.

"Tss. Nasa harap mo lang."

Siya : -_-

Ako : ^_^

"Ayy, yan na ba yung gwapo mong sinasabi? Nakuu, sabihan mo naman ako wala kasi akong makitang anggulo na gwapo e."

Syempre joke lang yon. Ang gwapo niya, mestizo pa. May dimple pa!

"Tss."

Iniwan niya ako at pumasok sa may isang eskinita. Teka.. san ba talaga kami pupunta?

"Wait lang naman.."

Hindi niya ako pinansin.

"Pikon ka pala e." Nilingon niya ako. "Hindi ako pikon." At naglakad na naman siya ng mabilis.

"Teka.. wait lang naman. Nakahills ako remember? Tsaka ikaw ang nagyaya okay! Hintayin mo 'kong baliw kaa— Arayyy!" Napaluhod ako sa paglalakad. Namura ko si KD sa isip ko. Pinapatay ko na rin siya gamit ang heels na 'to..

"Ahh." I winced in pain. Natapilok pa syete.

"God, ang clumsy mo din pala." He carry me bridal style matapos niyang tanggalin ang heels at labitin na lang.

Nakatingin lang ako sa mukha niya. Mabait pala 'tong si baliw.

Hanggang sa magkatinginan kami. Eye to eye. Hindi ako kumukurap. Nakatigil narin siya sa paglalakad. Omg, that deep brown orbs. Nilulunod ako.

"Tss. Naiinlove ka na ba sakin?" Ngumise na naman siya dahilan para mabalik ako sa realidad.

"Teka lang.. are you.. are you hitting on me?" Taas noo kong tiningnan siya.

Ngumise na naman ang baliw. "What do you think?"

*****

"WAAAAH! WAAAHH! WAAAAAH"

-_-

Let me tell, si KD yon. Kami? Nandito sa Anchor's away. Saan 'to? Amusement park.

Pinag heels pa ako dito lang pala ako dadalhin. Nakakainis 'tong baliw na 'to.

"Waaaah! Ayoko naaaaaa!"

-_-

Kabukod tangi naman siyang sigaw ng sigaw. Karamihan, nagse- selfie..

Ang cellphone ko pala.. hayys, nakalimutan ko pa. Hayan, di ko pa natetext si Andrex kung nakauwi na ba siya. Wala pa naman akong naluluto para pagdating niya kakain na lang siya.

Nung bumaba kami ni KD para siyang lantang gulay. May gana pang magtanong.

"Natuwa ka ba?"

"Sa kakasigaw mo? Hindi. Nainis ako. Nakakarindi ka na."

Sumakay rin kami sa space shuttle at ano pa nga ba? Sigaw pa rin siya ng sigaw.

Wang buhay na pumasok kami sa isang fast food chain. "Ako na ang oorder." Nakakahiya naman, pagod na pagod siya kakasigaw tapos siya pa pag oorderin ko diba?

"Pasensiya ka na.." pawis na pawis siya. Sumigaw ba naman ng sumigaw e.

Ang haba ng pila sa counter. Mabuti na lang at mabilis kumuha ng order ang mga crew. Hmmm.. si KD iba siya. Wala siyang pakialam sa paligid niya.. para na nga siyang bakla kanina e pero hindi niya ininda ang tingin ng karamihan. Carefree siya.. pero baliw. Napahalakhak ako sa naisip ko.

Tanaw ko na ang mesa na kinaroroonan ni KD. Teka.. sino ang mga yon? May mga kausap kasi siya.. tas may bata? Sean?

Natulos ako pagdating ko sa lamesa namin.

Napako ang tingin sakin ni Andrex at kay KD.

"Oww.. the flirt maid is here huh?" Sino pa nga ba? -_-

"..." si demonyito.

Si Sean naman naglalaro sa cellphone niya.

"Maid? Who?" Si KD.

"That girl." Tinuro ako ni Melody.

Nako! Mabubuko na.

"She's Andrex wi— Aww!" Kinurot ko sa braso si KD. Syempre patago.

"Yeah. Im Andrex maid. Hehe. Sige, alis na kami." Hinila ko na si KD paalis pero ang baliw nagpapabigat.

"Where are you two going?" Si Andrex the demon 'yon. Nakakunot ang noo niya sa magkahugpong na kamay namin ni KD. Nagseselos ka ba ha Andrex Pierre? Aasa na naman ba ako? Hayys.

"Bakit mo tinatanong?" matapang kong sinalubong ang mata niya.

"What a mouth for just a maid huh!" Si Melonditang ahas ayun nakalingkis sa asawa ko.

"Nothing. You two can go. Let's go hon. Bro." Umalis na sila.

Para akong mabubuway sa nangyari. Naramdaman ko ang bisig ni KD sa baywang ko.

"Im sorry."

Parang alam ko na kung bakit siya nag sorry.. bakit ba naman kasi napaka demonyo ng Andrex na 'yon. Actually wala nang paglagyan ang sungay niya.

The hell with him.



The MarriageKde žijí příběhy. Začni objevovat