#3 Lost Chapter

734 17 15
                                    

A/N: Ito yong Chapter 45|100 kong saan hindi nagcha-chat back si Chanyeol kay Baekhyun.
-

You have message from baekhyunee_exo

Nabasa ni Park Chanyeol sa kanyang cellphone dahil tumunog ito, napag-isipan niya na wag niya na munang buksan ito at pabayaan muna dahil kausap niya ngayon ang tatay niya.

Tumingin nh deritso si Chanyeol sa kanyang tatay "Bakit? Para saan pa ang pagpunta ko sa America?." Tanong ni Chanyeol.

Ngumiting patipid ang kanyang tatay bago sumagot "Noon pa lang sana nadala ko na kayo ng Noona mo, tinanong ko si Ate mo kong gusto niya sumama saakin kasama ka pero tumanggi siya..." Paputol-putol nitong bigkas "... Hindi daw niya kayang iwanan ang nanay niyo pero ng tumagal-tagal nabalitaan ko na wala na sa puder ng nanay niyo si Ate mo, ikaw agad ang naisip ko kasi, ikaw ang bunso ko."

You have a message (8) from baekhyunee_exo

Hindi siya makatingin sa kanya ng deritso, lalo't na at may baekhyun na siya sa kanyang tabi kaya't napag-isipan niya na hindi siya aalis ng pinas, ayaw niyang iwan si Byun Baekhyun.

"Nanay niyo? Is it me parang kinahihiya niyo na naging asawa mo ang nanay namin?." Bigkas ni Chanyeol.

"Hindi ko siya kinahihiya, asawa ko pa rin siya pero minsan sa buhay kailangan mo din mawala para malaman ng mga tao sa paligid mo na napapagod ka rin sa kakaintindi, Sa tingin mo ba chanyeol hindi ko minahal ang nanay mo?..." bumaba ang tingin ni Mr. Park "... Hinintay ko ang tawag niya, hanggang ngayon naghihintay lang ako ng tawag niya, kasi kong gusto niya na ako pabalikin, ay babalik din naman ako." Pagpapatuloy ng ama ni Chanyeol.

Hindi inaakala ni Chanyeol na halos matagal na panahon ay naghihintay lang pala ang tatay niya sa kanila.

Tumunog nanaman ang kanyang cellphone, tinignan niya yon at galing kay Byun Baekhyun ang mensahe, kaya't binuksan na niya ito at sumagot na rin.

12:35 AM
real__pcy seen
"Chanyeol pupunta ako dyan ngayon, hindi ako nagbibiro."

12:37 AM
baekhyunee_exo  seen
"Sorry, bukas na lang tayo mag-chat good night baek."

At pinatay na niya ang kanyang cellphone, tumingin ulit siya sa kanyang tatay na ngayon umiinom ng tubig "Pag-iisipan ko po... pa, kong sasama ako sayo." At ngumiti na ito sa kanya na iknatuwa din ng kanyang tatay.

You have message (1) from baekhyunee_exo

Send Nudes (ChanBaek)Where stories live. Discover now