31+

687 25 5
                                    

"BAKIT, basang-basa ka?." Bungad na tanong ni Jongdae sa kakapasok lang na si Byun Baekhyun.

Hindi ito sumagot, dumeritso na lang ito sa kwarto ng kaibigan, kumuha ng damit sa drawer ng kaibigan at dumeritso ito sa banyo upang magpalit.

"Wow ang galing mo kaibigan, walang pahintulot ang bakla." Pa-joke na wika ng kaibigan.

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Baekhyun sa banyo. Napakalalim kasi ng kanyang iniisip.

Hindi siya galit kay Chanyeol dahil hindi siya sinundo nito sa Store, dahil mas nabigla siya sa kanyang nakita dahil habang tumatakbo siya nakita niya ang Babaeng sumampal kay Chanyeol, pumasok pa nga ito sa loob ng bahay nila.

"Anong ginagawa ng babaeng yon doon?." Mahinang tanong nito sa sarili.

Kahit hanggang ngayon nagtataka si Baekhyun bakit pumasok yong babaeng yon sa tinitirahan ni Park Chanyeol "Baka saktan niya ang chanyeol ko." Tanong nanaman nito sa sarili kaya't kinuha niya agad kanyang cellphone na asa sahig, upang i-chat si Chanyeol.

"Channie~, chat mo ko kong kailangan mo ko, nandito lang ako kila Jongdae limang bahay lang ang pagitan nito sa papunta sa bahay mo."


Your message has been send to real__pcy

Nang nakasiguro na siya na send niya na ang kanyang chat ay tumayo na to at lumabas.

"Galing mo, baka nakakalimutan mo may pasok tayo bukas." Pag-bungad ni Jongdae sa kalalabas na si Baekhyun.

Sinamaan lang niya ito ng tingin "Oo alam ko Lolo daedae wala naman dede." Nang-aasar na bigkas ni Baekhyun sa kanyang kaibigan na dahilan upang titigan din ni Jondae si Baekhyun ng masama.

Kumuha si Jongdae ng unan at hinampas nang malakas ito kay Baekhyun na kamuntikan na mahulog sa sahig "This is THE WAR." Nakakalokong bigkas ni Jongdae na nakataas pa ang dalawang kamay na para bang nanalo ito sa isang digmaan.

Kong sa tingin niyo magpapatalo si baekhyun, dyan kayo nagkakamali dahil kumuha din ito ng unan na mas matigas pa kaysa pinaghampas ni Jongdae "Yep at hindi pa tapos ang THE WAR." Bigkas nito bago hinampas ang unan kay Jongdae.

Nagtatawanan, nagsasaya sila kahit na dalawa sila at kahit kulang sila na magkakaibigan ay na-enjoy naman nila na silang dalawa lang.

'Sana nandito din sila kyungsoo' Sabi ni baekhyun sa kanyang isipan dahil mukhang hindi sila agad mapapagod, naglalaro pa kasi sila ng cards "Hoy ang daya mo naman, batuhin kita ng bato dyan." Pabirong bigkas ni Jongdae sa kaibigan.

Gumawa ng mukha si Baekhyun "I hate drugs, patayin kita." At ginaya ang boses ng presidente ng pilipinas.

At dahil don nagtawanan nanaman silang dalawa na para bang wala ng bukas para sa kanila.

Habang nagtatawanan may isang tao lagpas ang limang bahay sa kanilang kinauupan ay may taong bakas ang kalungkutan.

Kalungkutan... hindi niya alam kong kailangan matatapos ang kanyang pagdurusa "Wala ka talagang kwentang tao, ilang beses ko na ba sinabi na wag kang pupunta doon?!." Sigaw ng Ina ni Chanyeol sa kanya bago sumagot si Chanyeol ay hinampas na ito ng kahoy.

Naghihimakos sa sakit si Chanyeol, pinipigilan nito wag magkaroon ng ingay, "Sa susunod wag ka ng pupunta doon naiintindihan mo?!." Sigaw ng kanyang ina, bago ito umalis ay hinampas niya muli si Chanyeol sa kanang kamay nito kong saan malapit ang sariwang sugat nito.

Nang nasigurado na si Chanyeol na wala na kanyang ina ay dali dali ito tumayo at dumeritso sa kanyang pintuan upang isarado ito at i-lock, upang wala taong basta-basta makakapasok sa kanyang kwarto.

At ang oras na yon, binuhos niya ang kanyang sama ng loob sa kanyang pamilya, umiyak siya ng para bang wala ng pag-asa sa kanyang buhay.

Tumayo siya at nagtungo sa banyo ng kwarto niya, pagbukas pa lang niya ng pintuan,nakita niya agad ang kanyang repleksyon, ngumiti ito ng kunti "Kunti pa chanyeol." Bulong nito sa sarili.

Send Nudes (ChanBaek)Where stories live. Discover now