27+

703 24 6
                                    

            NAPA-isip si Baekhyun kong sino yong babaeng sumampal kay chanyeol. Imposibleng girlfriend niya ito dahil may katandaan na ang babae.

Pala-isipan din kay Baekhyun kong bakit nakikita niya si Chanyeol sa may kanto nila "Hindi kaya dahil talaga doon sa babaeng yon?." bulong na wika ni Baekhyun sa sarili, habang inaayos niya ang zipper ng kanyang bag.

Naglalakad na si Baekhyun sa susunod niyang klase pero balisa siya, at mukhang napuyat, kitang-kita naman sa mukha niya ang pagod kaya hindi na kataka-taka kong bakit pinagtawanan siya ng mga kaibigan niya kanina.

Napahinto si Baekhyun dahil sa higanteng papalapit sa kanya "Chanyeol." Bulong niya.

Iimik na sana to ng lagpasin siya nito.

Masakit, masakit para sa kanya dahil kunting-kunti na lang mapapalapit na siya sa taong gusto niya, pero parang ayaw ata ng tadhana na pag-lapitin sila dahil kong kailangan nag-usap ulit sila may dumating na problema nanaman.

"Hindi nanaman tuloy ang lunch date namin kainis." Bulong niya nanaman sa kanyang sarili at nagpatuloy na ito sa pag-lakad upang marating niya na ang kanyang classroom.

              "ATE jisoo? Saan ko ito ilalagay?." Tanong ni baekhyun sa kanyang ka-trabaho.

Sinabi naman sa kanya kong saan niya ito ilalagay.

Pagod na si Baekhyun sa totoo lang dahil kakapasok niya pa lang pinag-buhat na siya agad ng mabigat. Lalaki si baekhyun, Oo pero may limitasyon ang kanyang katawan dahil kong hindi kulang sa pagkain ay payat ito.

Nang asa labas na si Baekhyun at nailapag na ang kahon na bitbit niya bumalik na ito ulit sa loob upang taposin ang mga inaayos niyang produkto.

              PAGOD at gusto ng matulog ni Baekhyun kaya nagmamadali na ito umuwi upang maka-tulog na ng maaga.

Nang paikot na ito sa may kanto nila, nagulat siya at nahulog ang mga dala niyang pagkain dahil kitang-kita ngayon si Chanyeol.

Duguan ang kanang kamay nito.

Kaya nawala na sa isipan ni Baekhyun ang mga pagkain na nahulog at pagod. Dumeritso ito kay Chanyeol, hinawakan ang nagdudugong kanang kamay "Tarantado ka ba chanyeol?." Tanong nito sa binata habang naka-tingin sa kanang kamay nito.

Napataas ng isang kilay si Chanyeol "Ilang beses ko na bang sinabi sayo na wag mo akong sundan!." Pa-sigaw nitong wika at hinugot niya ang kanyang kamay na malakas.

Hindi na nagulat si Baekhyun sa pag-sigaw nito "FYI malapit lang dito bahay ko, taong to maka-sigaw, may tenga po ako hindi nga lang kasing laki ng iyo." Proud nitong sinabi sa higante.

"Alam mo pwede mo naman sabihin saakin, makikinig ako chanyeol." Pagpapa-tuloy ni Baekhyun.

"Shut up."

"Wag ka na ngang ay ewan! Sino yong babaeng sumampal sayo."

"Paki mo?." Iritang binigkas ni Chanyeol.

Balot-man sa dugo ang kamay ni chanyeol pero kitang-kita ni Baekhyun ngayon na hindi pala galing ang mga dugo sa kamay nito kundi sa may mga maliit na slice na sugat sa may baba ng kamay nito.

"Chanyeol, naglalaslas ka ba? Iniisip mo ba na tapusin ang buhay mo?." Tanong ni baekhyun kay Chanyeol na ngayon na umiiwas sa kanya ng tingin.

"Please go." Ma-durog? Na-durog? Dahil ang mga binitawan na salita ni Chanyeol kay Baekhun parang madurog siya.

Hindi dahil pinapaalis siya, kundi sa boses ni chanyeol na malapit na umiyak.

"Hindi yan ang sagot sa mga problema mo chanyeol, that's a plain bullshit! Kong iniisip mong mag-pakamatay dahil sa babaeng yon, dyan ka nagkakamali, kong iniisip mo na siya na lang ang nagiisang babae sa mundo, nagkakamali ka nanaman! Maraming babae dyan chanyeol wag kang ma-stock sa isang matanda na." Bulalas ni Baekhyun, hindi niya rin alam kong saan siya humugot ng lakas upang sabihin yon kay Chanyeol.

Tinignan siya ni Chanyeol "Hindi lang siya basta babae sa buhay ko, tapos pwede ba baekhyun? Umalis ka na hindi ko kailangan ang tulong mo..."

"... kong ayaw mong umalis, ako na lang." Pagpapatuloy ni chanyeol at tumalikod na.

Naiiwan si Baekhyun na nakatingin na lamang ito sa likod na umaalis na si Park Chanyeol.

Send Nudes (ChanBaek)Where stories live. Discover now