49+

607 19 3
                                    

A/N: Last one chapter and Epilogue.

9:30 PM

Nag-aalala si Baekhyun at hindi mapakali sa kanyang kwarto, kasi kanina pa umalis si Chanyeol upang tumungo sa kanilang tahanan at hanggang ngayon ay wala pang chat si Chanyeol sa kanya.

Sobra na itong nag-aalala at sumabay pa ang takot dahil baka nandoon ang nanay ni chanyeol.

"Channie naman." Kinakabahan nitong bigkas.

Nang lumipas na ang tatlong minuto ay tumunog na lang bigla ang kanyang cellphone na ikinagulat nito pero dali-dali din nito kinuha baka kasi galing kay chanyeol ang mensahe.

At hindi nga ito nabigo dahil ang mensahe ay galing talaga kay Chanyeol, ang sinabi nito na papaalis na ito sa kanilang bahay at dederitso na ito patungo sa tahanan ni Baekhyun.

Dali-dali nag-reply si Baekhyun, sinabi niyang maghihintay siya sa labas upang salubongin na nito.

12:46 AM

Mahigit tatlong oras na naghihintay si Baekhyun at hindi pa rin dumadating si Chanyeol, china-chat na nga nito pero hindi pa rin ito nag-rereply.

Doon na kinabahan si Baekhyun at sinubukan ang tawagan ang numero ni Chanyeol pero walang sumasagot, kaya't ang tinawagan niya ay si Kyungsoo.

Nang nakasagot na si Kyungsoo "Soo, samahan mo ko kila Chanyeol oh, sige na oh."

"Madaling araw na baek, mamaya na lang magkikita naman kayo." Pagrereklamo ni Kyungsoo dahil naistorbo ang pag-tulog nito.

"Tulungan mo naman ako, kinakabahan ako para kay chanyeol." At kwinento na ni Baekhyun na sinasaktan si chanyeol sa bahay nila, sinabi niya ang lahat pwera na lang ang moment nila ni chanyeol.

HINDI na rin nag-dalawang isip si kyungsoo at nakipag-kita na ito sa kaibigan, nakita ni Baekhyun naka-pajama pa ito ng penguin, napansin ni Kyungsoo na minagmamasdan siya ng kaibigan "Subukan mong tumawa at makikita mo agad si Satanas." Iritableng wika ni Kyungsoo.

Hindi na lang umimik si Baekhyun at naghintay ng taxi, para mabilis sila makapunta sa villa nila Chanyeol.

Tinawagan na rin ni Baekhyun si jongdae dahil ito ang pinakamalapit sa bahay ni Chanyeol, um-oo ito at lalabas upang pag-masdan niya raw ang bahay ng mga Park.

Nakita ni Kyungsoo na kinakabahan si Baekhyun kaya nagsalita ito "Hindi naman sa nangengeilam ako baekhyun pero bakit hindi mo sinubukan tulungan si Chanyeol? Simula na nakita mo yong duguan niyang kamay?." Tanong ni kyungsoo.

Naka-tingin si baekhyun sa bintana ng taxi, habang ang dalawang nangingig na kamay ay asa mga hita nito na nagka-dikit "Dahil alam ko kong gaano kasakit yon, base sa mga nakita ko kitang-kita ko na malungkot na non si chanyeol." Mahina pero rinig pa rin nito ni Kyungsoo.

Lumingon na rin si Kyungsoo sa kabilang bintana "Kong alam mo na masakit ang mga pinag-dadaanan niya, bakit hindi mo siya tinulungan? Diba nga diba? Alam mong gaano kalungkot non pero pinabayaan mo ang isang taong suicidal." Mahina rin nitong bigkas, sa totoo lang naiinis si Kyungsoo sa kaibigan dahil sa kapapabayaan nito, hindi niya kilala si chanyeol sa personal. Alam ni kyungsoo na mahalaga si chanyeol para kay baekhyun, kaya nga kahit na hindi personal na kilala ni Kyungsoo si chanyeol ay tinuturing na nitong kaibigan.

Lumingon si Baekhyun kay kyungsoo na ngayon naka-tingin sa bintana ng taxi "Aaminin ko natakot, natakot ako kasi nakita ko yong sarili ko sa kanya, yong mga panahon na sukong-suko na ako at wala ng makapitan, alam mo yon kyungsoo kasi ikaw pa mismo na nakakita saakin kong paano ko saktan ang sarili ko noon pero nagbago diba? Naging kaklase natin si Chanyeol sa business class alam mo yan, narinig ko ang mga binitawan niyang salita sa isa nating kaklase, at ano yong sinabi niya? Ang sabi niya 'Isang malaking kaduwagan ang pag-patay sa sarili, hindi mo pa nalilibot ang mundo sasayangin mo ba ang buhay mo?' Napaka-simple pero napaka-lalim ng mga salita na yon kyungsoo." Mahabang saad ni baekhyun at hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya.

Lumingon na rin si Kyungsoo sa kanya at niyakap siya "At hindi lang yon, nakakatawang isipin na binigyan niya ako ng tinapay noon sa may poste dahil akala niya pulubi ako, hindi niya yon binawi at mas lalo lang niya dinagdagan ang mga tinapay, magpa-kabusog daw ako..." Tuloy-tuloy bigkas ni Baekhyun habang asa balikat siya ni Kyungsoo, tuloy tuloy rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha "... at saktong din na wala na akong makain dahil halos lahat ng pera namin ay pinag-bayad para sa tuition ko, gutom na gutom ako non at saktong nagsilbi siyang anghel saakin." Pagpapatuloy niya.

Kumalas si Kyungsoo sa yakap niya kay Baekhyun upang harapin ang kaibigan "Mahal kita baekhyun alam mo yan nandito lang ako at ang mga baeklanatics para suportahan ka." Naka-ngiti na nitong bigkas, halos mamatay sa kakatawa si Baekhyun sa mga narinig niya "Salamat Soo, i love you too." Sabay yakap nanaman nito sa kaibigan.

Yumakap pabalik si Kyungsoo "So ililigtas mo na ba si prince charming?." Pabirong wika nito sa kaibigan, tinapik lang ni Baekhyun ang likod ni kyungsoo.

Hanggang sa kumalas na sila sa isa't isa "Pero hindi ko siya tinigilan non soo, kahit ilang beses niya akong pagtabuyan hindi pa rin ako umalis, dahil nagdilang anghel siya saakin non at dahil kailangan niya ako ngayon ako naman ang magiging Anghel niya..." Sabi nito at tumango na lang si Kyungsoo sa kanya "Pero infairness ang galing ni camel mag advice." At nagtawana na silang dalawa non.

Hanggang sa tumunog na ang cellphone ni Baekhyun, tinignan niya ito at galing kay Jongdae.

1:10 AM
"Baekhyun! Ang ingay sa loob ng bahay nila, at nagsilabasan na rin ang mga kapit-bahay, paki dalian!!!."

Patong-patong na at kong ano ano na ang iniisip ni Baekhyun, tinignan niya ang driver "Kuya paki-dalian po." Natatarantang bigkas nito sa driver, tumango lang ito at binilisan na ang pagtakbo.

ANG bilis ng takbo nila Baekhyun at Kyungsoo, walang hinto hinto ay nagpatuloy na sila.

Hanggang sa tumambad sa kanila ang maraming tao at napapalibotan na ng mga pulis ang bahay nila Chanyeol.

Tarantang-taranta na siya ng tatakbo na sana ito upang pumasok na rin sa bahay nila ay napahinto siya dahil karga-karga na ng isang pulis si Chanyeol kaya tumakbo na ito dito "Kuya, kuya ayos lang siya?." Tarantang bigkas ni Baekhyun.

Um-oo ang pulis kaya napa-buntong hininga si Baekhyun, nagsisigawan ang mga tao dahil lumabas na ang Ina ni Chanyeol, hawak-hawak ng dalawang pulis.

Nakatayo lang si Baekhyun nang malapit na ang ina ni chanyeol ay tumingin siya dito "Ikaw yong boyfriend ng anak ko? Iwanan mo na siya wala yang silbi." Matigas nitong sinabi kay Baekhyun.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Baekhyun pero ang totoo niyan ay kating-kati na siya na sabunutan ito at pagsisipain sa mukha "Sinayang mo, wag kang mag-alala tita, hindi ko hihiwalayan si Chanyeol, mamahalin ko siya ng boung puso ko, ibibigay ko ang lahat para lang maging masaya siya at yon yong mga hindi mo naibigay sa kanya." Mahinahon pero may hinanakit sa mga bawat salita ni Baekhyun at tuluyan nang pinapasok ang nanay ni chanyeol sa kotse ng nga police.

Lumingon si Baekhyun sa kilalagyan ni Chanyeol pero huli na dahil sinarado na ang kotse at tuluyan ng umalis ang van patungo sa hospital.

Gusto niya sana itong habulin ng nakita niya ang dalawang kaibigan na nakatingin sa kanya habang umiiling.

"Susunod ako chanyeol." Bulong ni Baekhyun.

Send Nudes (ChanBaek)Where stories live. Discover now