Chapter 13

580 15 1
                                    

Hello readers :) 

Hehehe okay sorry! alam kong galit kayo sakin dahil hindi na ko nag-update pero eto na pows, after 21764871987837897198731 years nakapag-update na ulit ako sa wakas! Iba na nga yung itsura ng Wattpad eh. hahaha ibig sabihin ang tagal ko na pala talagang hindi bumibisita :p

Sorry talaga!!! Masyado akong na-obsessed kay KIM SOO HYUN! Kilala niyo siya? HAHAHA Masyado kong na-obsessed sa kanya eh. Kaya kasalanan niya kasi wala ko ginawa kundi manood ng dream high at THE MOON THAT EMBRACES THE SUN sa net. Kaya sorry talaga! 

So eto na po ang pinakahihintay natin! at dahil malaki ang kasalanan ko sa inyo, medyo hinabaan ko tong chapter na ito :)

Bati tayo ah! peace ^___^v

XXX

"Hala grabe. Sobrang maga ng mata ko. Kasalanan to ni Red! Pinaiyak niya ko." sabi ko sa sarili ko habang hinihimashimas yun mata ko sa harap ng salamin.

                Tinry kong suotin yung salamin ko, "Hmm. Ayan di naman pala masyado halata pag may salamin eh! Keri lang!"

                Bumaba na muna ko para magbreakfast. Kain, kain, kain. Oooops ang diet! Hmp. Mamaya na lang ang diet. Kain lang. Yummy! Sarap talaga luto ni mama. Kaya ko tumataba ng ganito eh. Hay. Umaga pa lang, bundat na ko.

                Paakyat na ko sa kwarto ko para maligo nang tinawag ako ni kuya, "Baby (oo baby din tawag sakin ng kuya ko -____-) sakin ka na sumabay papunta sa school ah. Hatid na kita!"

                Nag-okay naman ako sa kanya at dumiretso na sa taas. Baka pagalitan ako ni kuya. Matagal kasi ako maligo eh :")

..........

.........

........

.......

......

.....

....

...

..

.

Tok tok

                "Baby girl tara na. Ayusin ko na gamit ko tas alis na tayo"

                "Yes kuya" Inayos ko na yung uniform ko sa harap ng salamin. Nagcologne na din, yan amoy baby na :)

                Eeeh. San na yung salamin ko?! Hinanap ko sa side table ko pero wala eh.  Pumunta ko sa kwarto ni Kuya. Baka sakaling nandun yung salamin ko.

                “Kuya, nakita mo salamin ko?”, tanong ko.

                “Huh? Eh hindi eh.”, nakaupo siya at tinitignan-tignan yung hawak niya.

                “Uyy. Diba yan yung bigay sayo nung may crush sayo dati?”

                “Huh? Hanapin mo na lang yung salamin mo. Nasa baba siguro!”

                Hmmm. Si kuya talaga. Hahanapin ko na nga lang salamin ko. Naiwan ko ata sa baba. 

                Pagbaba ko laking gulat ko nang makita ko si Red na nakaupo sa sala at naka-uniform na. 

Diary ng Tababoy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon