Prologue

1.5K 30 8
                                    

This chapter is for my favorite author here in watttpad :)

Yung story niya na "A and D"(external link), ang first ever story ko na nabasa dito. Sobrang ganda and sobrang galing niya! Nagulat ako pa ko kasi flilipina siya!

Please read her stories, it's all worth it :)

____________________________________________________

"Hahahahaha tababoy! Tababoy!"

Habang kumakain ako ng ice cream, biglang may lumapit sakin na batang lalaking kaedad ko ata. Niloloko niya kong mataba at pinagtatawanan pa.

"Tababoy taba baboy!!!" =))) Baliw ata to eh..

"Oink tababoy oink oink!!!" =)))

Nakakainis na ah. Dinuro-duro pa ko!! Binilisan ko na maglakad at di ko siya pinansin pero di pa siya nasiyahan sa pinaggagawa niya sa kin. Inikot-ikotan niya pa ako kaya hindi ako makapaglakad dahil ikot siya ng ikot, takbo siya ng takbo.

"Tababoy Tababoy!!"

"Tababoy Tababoy!!"

"Tababoy Tababoy!!"

Hindi na ko nakatiis sa panunukso niya. Oo na mataba na akong bata!!! Natabig niya yung dala kong ice cream tapos nalaglag pero patuloy pa rin siya sa pag-ikot at panunukso sa kin. Hindi na ko nakatiis sa sobrang kaasaran hanggang sa...

Huhuhuhuhuhuhuhuhu

。・゚゚・(>д<;)・゚゚・。

Napaiyak na ko...

。・゚゚・(>д<;)・゚゚・。

Huhuhuhuhuhuhu

Iyak ako iyak. Umupo ako, yumuko at umiiyak habang inubob ko na lang sa tuhod yung ulo ko. Maya-maya naramdaman ko na tumahimik na. Tumingala na ko at hinanap siya, nakita ko siya tumatakbo sa may likod ng playground.

Hay salamat! Pero yumuko ulit ako at tinago ko na lang yung mukha ko.

Oo na alam ko naman eh. Mataba naman talaga ako eh. Buti na lang walang tao dito sa playground kaya walang nakakitang umiyak ako except dun sa isang mongoloid na un. Nakakasar talaga siya, di naman kami magkalaro ni hindi ko nga kaibigan yung lalaking yun tas aasarin niya ko ng ganon?

"Uy, thorry! Niiiyak ka pa ba? Eto, white rose. Para thayo"

Narinig ko siyang nagsalita. Bumalik na naman yung pang-asar na lalaking yun. Nakayuko lang ako at nakaupo sa ground. Ayaw ko nga siya pansinin.

"Sabi ng mama ko ang mga plower daw parang mga babae, magaganda. At pag daw may napaiyak akong babae bigyan ko lang daw niyan kasi ibig sabihin daw ng white rose Im thorry..."

Inalis ko na yung mukha ko sa tuhod ko at tumingin sa kanya. Lumuhod siya sa kin at nilagay yung white rose sa taas ng kaliwa kong tenga.

"Ayan, hindi ka na umiiyak. Mas maganda ka.."

Napatingin ako sa mga mata niya

Maganda? Maganda ako? Woah! Pers time akong sabihan ng ganun mula sa ibang tao ah. Madalas kasi mami ko lang nagsasabi sakin nun.

Pero hindi, pinaiyak niya lang kasi ako kaya siya bumabawi. Hindi yun totoo. Niloloko niya lang ako.

Pero hindi eh. Yung mga mata niya!! Bakit kumikislap? Bat parang nagti-twinkle na parang stars?

Nakakatunaw. Yung. Mga. Mata. Niya. Parang nakasmile sakin at parang may sinasabing oo maganda ka, maniwala ka.

"HAHAHAHA TABABOY KA PA RIN!!!! BLEHHH!!"

At bigla siyang tumakbo ng mabilis at iniwan akong mag-isa sa playground.

At yun na...

Yun na ang una't huling pagkikita namin....

Diary ng Tababoy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon