At dahil mabilis umikot ang earth ngayon, friday na! Akalain niyo yun, bukas wala ulit pasok!! Hahaha watta life. Di ko pa rin feel na sophomore na ko, feeling ko freshman pa rin ako hahaha nagfifiling akong bata eh, bat ba?

                Wala namang nangyaring something fishy nung mga nakaraang araw. Nakakainis lang. Medyo iwas na lang talaga sakin si Arick!! Ano kaya problema nun? Nilapitan ko siya para magsorry pero ayaw niya. Nevermind na lang daw. Aba napakasungit na nilalang ah!

                Tas ang pinakanakakainisan ko pa eh may pinopormohan si Red! Classmate niya. Hindi ko pa nakikita yung girl kasi hindi naman kami magkaklase diba? Kylie daw yung name, maganda daw sabi niya. Sus!! Sus lang masasabi ko. Sino ba naman ako para manghusga diba? Sa taba kong to at sa pangit kong to? 

                Kapal naman ng mukha ko kung lalaitin ko yung Kylie na yun -_-" pero kasi ang sakit eh. Hindi nga sumama si Rickson samin kahapong lunch break dahil dun sa Kylie na yun. 

                "Huy!" nagising naman ako sa realidad ng nagsalita si Joan. May pagsnap pa ng finger niya. 

                "Diet ka? Kainin mo na yang pagkain mo!" 

                Nakatulala lang kasi ako eh. 

--Phone vibrates--

PULA:

Ching-chiiiing, di ako ulit makakasabay ah! Kasama ko ulit si Kylie :>

                Si Red nagtext siya. Ayun, muli na namang nabasag ang ma-cholesterol ko na puso </3

Me:

Ching-ching mo mukha mo! Sige magsama kayo!! Hanggang sa impyerno! Napakalandi niyo!!! Badtrip!!

Yan yung repy ko!!!

Toinks!!!

                Pero syempre hindi ko sinend!! Wala ko ako sa lugar noh at mas lalong wala akong karapatan. Sino ba naman ako? Isang hamak na baboy!! Walang maiinlab sakin!!! 

                "Di daw sasabay si Red -_-" nakasimangot kong sabi kay Joan

                "Ah okay"

                Tas may binulong siya "Kaya pala nage-emote"

                "Huh?" nakataas yung isa kong kilay sakanya

                "Wala wala! Sabi ko ang pait ng kinakain ko. Hmp ba yan! Napakabitter!!"

***

                "Hello baby! Ano musta school?" binulaga ako ng mother dear. Aba pagpasok na pagpasok ko sa bahay niyakap ako agad. 

                "Ok naman ma.”

                Nilagay ko yung bag ko sa sofa at umupo. Upong like a boss!!

                "San si kuya?" tanong ko kay mama

                "Nasa Makati. Nakahanap na saw siya ng work. Pero kila tita Gina mo daw muna siya uuwi" sagot ni mama habang naghahanda na ng dinner sa lamesa. 

                Aww wala si kuya. Balak ko pa namang ikwento sa kanya yung tungkol kay Red. 

                Hindi naman ako umaamin sa kanya na gusto ko si Red pero parang halata naman na niya. Pati nga sila mama halata ata eh.  Sino ba namang hindi makakapansin eh bukambibig ko si Red lagi nung bakasyon. Lagi kasi kami magka-skype nun nung nasa Canada sila. Naabutan na nga ako nila kuya na nakakatulog sa harap ng laptop ko pag magkachat kami eh. 

...

Binuksan ko yung tv. Manunuod na lang ako. 

Pagbukas ko ng tv. 

TV Patrol: Naka-red na damit si Korina Sanchez

Lipat...

24 oras: May red na panyo si Mike Enriquez sa coat niya

Ano ba yan puro red!! Valentines day ba ngayon at dapat nakasuot sila ng pulang tela sa katawan nila?!?!

Lipat...

HBO

Now showing: Red Riding Hood

WOW!!!! Uber naman yan sa coincidence papa Jesus!! 

                "Sama ka sakin bukas beh!" umupo si mama sa tabi ko. Beh for baby, baby na baby talaga nila ko :>

                "Sama ka sakin sa Gym!"

                "MA?!?!?!?!?!?! GYM?!?!?!?!" nabilaukan ako dun ah. Kahit walang pagkain sa bibig ko. 

                "Oo!! Sumesexy ka kasi lalo kaya naisipan kong mag-gym tayo!" ginulo ni mama yung buhok ko tas tumayo na

                "Pero Ma-!!!!"

                "Sssshh bayad na yun, wag na magreklamo!!"

=================================================== 

Dear diary,

BV ko lang ngayon. Puro RED kasi nakikita ko eh!! Nakakatakot! Pero mas nakakatakot bukas!! Magji-gym daw kami ni mama!!!!

0_0

No way. I love my BODEEEEH!!!!

~sexybaboy

====================================================

Yung nasa picture nga pala, Ganyan yung itsura ni Denisse nung sinabi ng mama niya na mag-gym siya!!! Hahahaha

PS: Sorry sobrang funny kasi ng meme na yan nung nakita ko sa tumblr kaya ko ginamit! Bwahahahaha nakakatakot nga eh =))))

(Yeah, yeah em sooo baliw) :))))

Diary ng Tababoy.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!