Chapter 7

661 18 1
                                    

"Maggi-glee club na lang ako!"

"Ako sa yoga club!!" excited na sabi ni Joan sakin

Seryoso?? Magyoyoga siya? Ano, Denisse pakealamera lang?!?! Sabi ko nga hindi. Magyoga siya go!!!

"San na si Prince charming mo?" tanong sakin ni Joan habang naglalakad kami sa hallway ng building namin.

"Edi ayun nasa evil wit- HUH?!?! Sino? Sinong prince charming?!" nagulat kong sabi kay Joan.

Halata naman na si Red ung tinutukoy niya diba? Siya lang naman yung prince charming ko sa fairytale kong to.

"Sus!!"

"Tseh! Wala kang narinig!!!"

"Oo na wala na!!"

Naghiwalay na kami nung makarating na siya sa room ng mga gustong magyoga club. Org week kasi ngayon. Pipili kami ng mga gusto naming salihan na mga org =___=

Eeh sa totoo lang ayaw ko naman sumali sa mga ganun. Madami ako makilalang bago! Oo siguro sa inyo gusto niyo yun pero sakin ayoko noh! Mas dumadami kasi nakakakilala sakin at dahil dun mas dumadami silang nang-aasar sakin. Sus! Mga feeling close.

At isa pang dahilan kung bakit ayaw ko sumali, eh kasi SOOOO HIGHSCHOOL. Diba totoo naman? College na kailangan pang magclub. Kakatamad. Buti sana kung literal na club diba?

Party girl kasi ako. I wanna go clubbin' evry night!!

.

.

.

.

.

JOKE HAHAHA

YUCK! Di bagay sakin maging party girl. Eew lang!! Sino ba sa inyo nakakitang nagbabar ang isang babaeng 166 pounds?! Wala pa diba? Edi umalog-alog bilbil ko dun habang nagsasayaw. Jahe >_<

Malapit na ko sa auditorium magau-audition yung mga gustong mag-glee club.

Yeap, kahit mataba ako, may talent naman akong tinatago noh! Hihi marunong ako kumanta (malamang lahat naman ng tao eh, konti nga lang yung may mga pinagpalang boses :P) at sabi nila mejo maganda naman "daw" yung boses ko.

Sana nga daw naging boses na lang ako eh! Ambabaet talaga ng mga tao sa earth diba? -_-"

...

May naririnig akong nagpi-piano. Nagsstart na ata yung audition.

-

In my heart is where you are
It's where you'll always be

-

Kahit nasa labas pa ako ng audi, naririnig ko yung mga hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob.

-

Staring out across the stars
A perfect memory

-

Inferness, ang ganda ng boses nung kumakanta ah! Sino kaya yun? Hindi ko alam yung title ng kinakanta niya pero parang natatamaan ako. Carried away ako masyado :)

-

It brings me back to your arms,
I feel the warm embrace
-

Wow. Ang tahimik na sa loob. Natameme na siguro yun mga audience sa loob. Kahit ako eh! Haha Makapasok na nga sa loob para matignan ko kung sino yun.

Nakakainlove siya eh :>

Lakad

-

Of everything that you were,
You're everything to me

-

Lakad

-

And if I leave you here forever
Forever I would stay

-

Lapit sa stage

.

.

.

.

.

.

.

.

O_O

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

:-O

RUN!!

***

Pwehhhh pwehhh :-&

Masuka-suka ko dito sa rooftop. Nandiri ako sa mga pinagsasabi ko kanina! Inlove? Nako, hindind-hindi na!!

Ayoko na sumali sa glee club. Grrr

Hinampas-hampas ko yung bibig at ulo ko!!! Akalain mo ba namang yung mala-anghel na boses na yun eh sa demonyong Arick pala!!!!

Pweh!! Ayoko na. Erase-erase!

=======================================

Deay diary,

Sana naging boses na lang siya!!! Pwehhh!! >_<

~sexybaboy

=======================================

Arick sang "Forever" by Amber Pacific

One of my favorite songs. Siguro alam niyo yung song nay un. Dun naman sa hindi, maganda yun super, promise. Pakinggan niyo sa gilid. It's worth it teehee ----------->

Hello, hello... Salamat sa mga nagcomment at sa lahat na nagbasa..

Diary ng Tababoy.Where stories live. Discover now