Chapter 10: Hide and seek -.-

Начните с самого начала
                                    

"Ano bang gusto mo?"

"Tingin mo may alam akong pagkain na binebenta dito? Di pa kasi ako nakakapunta dito. Puro sa mamahaling restaurant kaming nakain eh saka madalas sa bahay lang kami."

"Aahhh. Okay ako na lang bahala since napakainosente mo haha! Mcdo ang tawag dito sa fast food resto na ito." paliwanag niya sakin. Alam ko namang Mcdo to noh! Nakalagay kaya sa harap! Nakakabasa din naman ako kahit papano noh!

Naghintay na lang ako kung saan niya ako pinaupo. Pero napakahaba ng pila kaya kinuha ko muna yung CP ko. Nga pala may dala akong bag.

Binuksan ko yun kasi sabi ni Mama ishut down ko daw eh.

Pagbukas ko. O.O

Paktay. Akala ko ba nagpaalam si Mama?

Ang daming text ni kuya A, B at C. Hinahanap nga ako. Di naman kasi masyadong halata eh halos sumabog na inbox at logs ko eh!

Sabi ni Mama.. kapag di ko na natiis sirain ko na lang daw yung Sim Card. Kaya ayun sinira ko nga.

Binuksan ko ulit tapos binasa ko yung ilan sa mga text nila.

From: kuya Adam

Mae san kayo nagpunta ni Mama?

Nagaalala na kami ng mga kuya mo.

another text from: kuya Adam

MAE UMUWI NA KAYO NGAYON NA!

di ko na binasa yung iba pa niyang text kasi halos naka capslock na lahat. Kay kuya Blaze kaya?

From: kuya Blaze

Mae were looking for you. Where the heck you are?!

From: kuya Blaze

WHAT THE FCK!! WHERE ARE YOU?? WE ARE DYING JUST FINDING YOU! WHERE THE HELL YOU ARE?!

hindi ko na rin binasa yung iba niyang text. Buti pala nakatalikod ako sa entrance. Meaning yung inupuan ko yung nasa right. Hindi nila ako mahahanap. Si kuya Adam ang text puro Capslock kay kuya Blaze naman puro capslock na nga puro mura pa. Napakaconcerned naman nila. Susunod ko na sanang basahin yung kay kuya Clint pero chineck ko muna kung may mura o nakakapslock.. siya lang talaga ata ang nakakaintindi sakin. :)

From: kuya ♥ Clint

Princess? Asan kayo ni Mama nagaalala na ako eh? Sabihin mo lang hindi naman ako magagalit.

From: kuya ♥ Clint

Dapat nagpaalam kayo samin. Namumula na sa galit si Adam at Blaze. Sabihin niyo na lang samin kung nasaan kayo maiintindihan kita :)

From: kuya ♥ Clint

Wag kang magagalit sa mga tinext nila sayo ha? Talagang nagaalala lang sila. :) uwi na kayo ha?

Siya lang talaga ang nakakaintindi sakin T . T nakakaawa naman si kuya Clint. Oo si kuya Clint lang. Kasi siya lang yung hindi harsh magsalita siya ang pinakasweet sakin swerte naman magiging Girlfriend lalo na yung magiging Asawa niya! Huhuhu!

"Oh? Ba't naiyak ka dyan?" napatingin naman ako kay Daylan na binababa na yung mga binili niya.

"Favorite kong bilhin yan. Kaya try mo kasi nakakagaan ng loob pag kumain ka. :)" sabi ni Daylan tapos nilabas niya yung panyo niya na kulay Pink at pinahid sa pisngi ko na basa sa luha. Pasensya naman di ko mapigilan ang nakakalambot kasi ng puso yung mga sinabi ni kuya Clint eh nakakagaan ng loob. Kumuha naman ako ng fries at kinain yun.

My POSSESIVE BROTHERS..Место, где живут истории. Откройте их для себя